SIMULA

20 3 0
                                    

Her POV

MAY iba't-ibang uri tayo ng mga kaklase, may maingay, may tahimik, may nag mamaganda, may nag papayabangan, may pabida, may matatalino at meron din namang sabihin na nating kinulang sa talino pero hindi bobo at mayroon at mayroon din silang matatawag na-

"Hoy sipsip!!"

Hindi ko alam kung anong meron sa mga kaklase ko at kung ano-ano ang tinatawag sa mga kaklase naming 'di nila gusto.
Sila yung mga kaklase ko na may grupo o circle of friends kung tawagin.

Kumbaga sila ang mga mapang-api naming mga kaklase.

Napapailing nalang ako sa mga kaklase kong napariwara na ang buhay. Tsk. Habang may sinusulat akong notes para sa ginagawa kong advance study ay mayroon akong naramdamang tumama sa ulo ko.

"Aray!!" Bulalas ko.

Nakita ko ang librong nasa lapag na ngayon na kani-kanina lang ay tumama sa ulo ko.

"Ano bang problema niyo?" Dagdag ko pa sa mahinahong boses habang hinihimas ang ulo ko na sa wari ko ay mag kakabukol maya maya.

"Tanga ka ba o nag tatanga-tangahan ka lang? Kanina pa kita tinatawag ah. Hindi ka na pala tanga, bingi ka rin pala" sabi ni Nicole, hindi ko alam kung ba't ang laki ng galit niya sakin eh wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

"Eh sa hindi ko narinig ang pangalan ko eh!" sabi ko pa, eh wala naman talaga akong narinig eh. Mga bobo amputa.

"Eh, Sino ba ang sipsip dito? 'Diba ikaw lang naman??" sabi pa ni Nicole.

"Boom sipsip!!" Hirit pa noong kaibigan niya, I mean kai-bigan niya na si Drei.

"HAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHAHA"

Nabingi ako sa tawanan ng mga kaklase ko na pinangungunahan ng grupo ni Nicole.

Natawa naman ako ng pagak dahil doon. Oo nga pala ako ang tinagurian nilang sipsip sa classroom na'to, pero hindi nila alam kung ano ang pinag sasabi nila.

" Ano yun? " mahinahon ko nalang na sinabe dahil ayoko ng away, kota na ko sa bahay palang.

"Ikaw ang mag linis dito mag isa pag uwian na total sipsip ka naman eh" mataray niyang wika. Syempre dahil nasa Public School lang kami laging may naka-assign mag linis tuwing uwian.

At dahil ayoko na nang away ang nag 'Sige' nalang ako.

"Good dog" she said while tapping my head at nilagpasan na nila ako.

Habang sinusundan ko sila ng tingin pabalik sa upuan nila, biglang humarap sakin si Andrie sabay kindat at tumawa.

Eh ano pa bang magagawa ko? Wala naman akong choice kung hindi sundin ang mga inuutos nila.

Hay, buhay nga naman oh. Kahit minsan lang naman maging mabait ka sakin.

-----

lemme hear your thoughts about this one and kindly comment kung nakaranas na ba kayong mabully o kayo mismo ang nambubully and what do you feel about it..


Love lots My Tulips
-Yeng           

SIPSIPWhere stories live. Discover now