ISA

10 2 0
                                    

" Okay, Class dismissed" Pag kasabi palang ni Ma'am Cindy ng mga salitang 'yon para nang nakawala sa mga hawla ang mga kaklase ko na ang bibilis mag silabasan.


"And don't forget cleaners, maiwan muna kayo dito, pupuntahan ko muna si Sir Richard at kailangan pag balik ko maayos na itong room. Clear?" Dagdag pa ni Ma'am Cindy. Hindi ko ba nasabe na sa Public School lang ako nag-aaral? Edi ngayon nasabe ko na.


"Yes po Ma'am" Sagot ko-????..
Ako lang pala talaga ang sumagot.


Pag kalabas ni Ma'am Cindy ay may biglang tumama sa likod ko. "Aray, put-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pag kalingon ko ay sila Nicole ang nakita ko.


"Ano mumurahin mo 'ko?" Asik pa ni Nicole na tila ba galit na galit.


"Ha? may narinig ka ba? Ang sabi ko put-punta na kayo sa labas, ako na nga mag lilinis diba?" sabi ko sabay kuha ko ng walis na pinanghampas niya sa likod ko. Anak ng nanay naman oh! mag kakapasa na naman ako nito syete.


"Buti naman, teachers pet! " At doon na nga po natatapos ang pambubully nila sakin ngayong araw. Take Note 'ngayong araw' lang na ito at nagsialisan na nga sila.



"Bwisit na buhay naman oh!" naibulalas ko ng ako na lang mag isa sa loob ng room.
Sinimulan ko na mag linis ng mabilis para maabutan ko pa si Ma'am Cindy dahil kailangan ko pa siyang makausap.








-

" Asher? Bakit ikaw nalang ang nandito? Nasaan na ang mga kagrupo mo?" Ani ni Ma'am Cindy na ikinagulat ko. Hindi ko namalayan ang oras dahil busy ako sa pag lilinis.

"Ah, Ma'am nauna na po sila. Sila po kasi ang nag walis ako nalang po ang nag ayos nitong mga upuan" Palusot ko nalang kesa naman mapagalitan sila at ako na naman ang masisi.

"Sige na, umuwi kana anong oras na rin at baka hinahanap ka na sa inyo" sabi ni Ma'am Cindy habang nililiglit niya ang mga gamit na dadalhin niya sa faculty room.

"Ma'am ako na po jan, hahatid ko po muna kayo" sabi ko at nginitian ko si ma'am. Mukha naman nag taka si Ma'am pero hindi nalang niya pinansin. "Okay" Tugon niya. Dali dali ko namang kinuha ang mga files na dala niya at lesson plan at sabay kami nag lakad sa hallway papuntang faculty room.

"Ma'am Cindy, sabi po ni ma-"


"Ma'am Mich" Tinawag ni Ma'am Cindy ang isa pang guro na papalapit sa amin.

"oh, Ma'am Cindy" Tugon naman ni Ma'am Mich sa kanya.


"Ma'am Mich kailangan natin mag-usap para sa gagawin nating presentation for this Saturday" Sabi namna ni Ma'am Cindy.

"Ay, oo nga pala buti nalang at pinaalala mo sa'kin. Nakalimutan ko tuloy dahil na stress na naman ako sa mga studyante ko. Doon na lang sa faculty ng department namin tayo mag-usap." Sagot naman ni Ma'am Mich kay Ma'am Cindy.


"Okay po Ma'am" At sabay na silang nag lakad paalis.

"Teka lang po Ma'am Cindy" Pag pigil ko sa kanila.

"Oh, Nakalimutan ko dumiretso ka nalang sa Faculty Room at iwan mo nalang yan sa table ko, okay?" At tumalikod na siya ulit.


"P-pero Ma'am Cindy-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng humarap siya sakin.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SIPSIPWhere stories live. Discover now