03: tag. MOMMY

4 4 0
                                    

++

   Ang saya ko na makita yung ngiti sa labi ni mommy. Ang ganda na ng buhay ni mommy dahil isa na siyang ganap na doktor.
  
   Naglalakad ako sa sala at nakita ko silang naghahanda ng pagkain dahil ngayon ang celebration ni mommy.
  
   Ang saya ko kasi masaya si mommy.
  
   "Congratulations. " sabay na sabi nilang lahat.
  
   Nagulat si mommy sa sorpresa nila at naiyak dahil sa tuwa.
  
   Maraming bisita at marami ding handa. Napaka sarap ng mga ito pero hindi ako pwedeng kumain.
  
   Umakyat si mommy sa hagdan para magpalit. Sumunod ako para batihin din siya kasi sobrang proud ako.
  
   Nauna akong pumasok sa pinto at pagka bukas niya nito ay sinalubong ko siya ng yakap, "Congrats mommy natupad mo na yung pangarap mo. " nakangiting sabi ko.
  
   Kitang kita ko ang pagkagulat niya at pag sigaw. Dali dali siyang umalis sa harapan ko at bumaba.
  
   Doon ko lang napagtanto ang lahat. Isa sana ako sa mga normal na bata na naglalaro sa labas kung hindi lang ako pinalaglag ni mommy, limang taon na ang nakakalipas.

PIERA'S ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now