Kabanata(50)~who's Light?~

746 39 1
                                    




                 ***************************************************



                            AINS KAEGAN



nasaan ako? 



I am in an unfamiliar place .Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero ramdam ko ang malamig na shackles sa aking magkabilang kamay.



huh? bakit narito ako?



sumulyap ako sa kabila at kita ko din mga knights namin sa mansion na nakatali din sa wall."L-lance?"tawag ko sa kanya.



"oh Duke, buti naman at gising ka na."ani nito at malimit na ngumiti."nasaan tayo?"



"hindi rin ako sure pero pagkatapos masunog ng kalesang sinasakyan natin may isang lalakeng nilibutan tayo ng kanyang magic circles at di ko na alam ang sumunod na nangyare."



tama nga, ng magsimulang masunog ang kalesa ay lumabas na kami at nakita namin ang isang lalakeng naka cloak na agad na nag cast ng spell niya. Gulat na gulat ang lahat dahil ang mahikang ginagamit niya ay katulad ng tower master na si Calvin.



"siya kaya ang tower master ng empire na ito?"



he shrugged his shoulders. At agad kong naisip kong saan namin naiwan ang kalesa ."paano si Aria?!"



malungkot akong tinignan ng mga guards. Paano siya? sabi niya babalik siya pero wala na ko doon. Sinabi kong mananatili ako doon pero umalis ako.



anxiety came to me."p-paano siya---"



"calm down Ains."



"p-pero----"



hindi ko mapigilang di maisip kong anong nangyare sa kanya ng di ako makita doon at madatnan lang ang nagliliyab na kalesa."the duchess is strong siguradong nakaligtas siya."ani Lance.



saan ka na kaya Aria? sana'y ayos ka lang kong nasaan ka man.



"sa ngayon kailangan nating makatakas dito."ani Lance.

UnravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon