Greece Solitariness
DISCLAIMER: This is a work of fiction.Names,characters, businesses, places,events,and incidents are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely coincidental.
Warning: Warning: Some contents are not suitable for young readers, this might contain strong language and offensive words. Read at your own risk.
Happy reading, My dear iance:)
______________________________________________________:)Philippines
Mainit na klima 'yan ang sumalubong sa akin pagkaapak ko palang sa airport.
Inilibot ko ang paningin ko, I missed this. I missed my hometown. I missed my family, friends and especially him.
Dinukot ko ang phone ko sa mini bag ko and dialled my brother's number.
"Kuya I'm here na."agad na bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko.
Pero nakarinig lang ako ng mga halinghing sa kabilang linya.
"Babe. Later okay, something came up. Bye."rinig kung saad ni kuya sa kasama niya.
Napangiwi ako. He's totally a Playboy. Gosh. He's so gross.
Wala sa sariling naipaypay ko ang aking kamay sa aking mukha dahil sa sobrang init.
"Kuya?"naiiritang tawag ko kanya sa kabilang linya.
"Teka lang baby sis. Papunta na ako diyan."nagmamadaling sagot nito kaya pinatay ko na ang tawag.
Aish, ang tagal naman oh. Ang kupad kupad niya talaga kahit kailan.
Napagdesisyunan kung maglakad lakad na lang muna para hindi mabored.
Napatingin ako sa aking relo. Aish, ang tagal naman ng lalaking 'yun. Pinagpapawisan na ako sa sobrang init.
"Ehem."nakarinig ako nang isang tikhim galing sa aking likuran kaya napangiti ako sa pag-aakalang ang kuya ko iyo pero ng humarap ako agad iyong napawi at napalitan ng sobrang pagkagulat.
Dugg...dugg...duggg..duggg...
Tumambol nang malakas ang aking dibdib ng mapagtanto kung sino ang nasa aking harapan.
Natutulalang napatitig lang ako sa kanya. He changed a lot. Mula ulo hanggang paa , mas lalo pa siyang gumwagwapo at naging mas maskulado pa ang pangangatawan at yung paraan ng pananamit niya ay iba'ng iba na rin kumpara sa dati na simple lang.
"Do you have a fucking plan to stare at me all day?"galit na tanong niya kaya mabilis akong napabalik sa realidad. High blood naman masyado.
Namula naman ang pisngi ko sa hiya.
"Ahm..Na'san pala si kuya?"mahinang tanong ko sa kanya.
Umigting ang panga nito sa aking naging tanong.
"Wag mo'ng hanapin ang wala rito."tiim bagang sagot niya kaya bahagya akong nagulat.
He totally changed before, he's sweet, caring and overprotective but now iba na siya.
"Sorry."mahinang saad ko. Lumapit siya sa'kin kaya nahigit ko ang aking hininga dahil sa sobrang kaba, yayakapin niya ba ako?
Padabog niyang kinuha ang mga dala kung maleta at nauna ng naglakad, gusto kung kutusan ang sarili dahil sa sobrang pagka- assuming, galit nga sa'yo ba't ka naman niya yayakapin?
YOU ARE READING
Greece Solitariness(Greek Series #2)
RomanceGreek Series #2 Greece Asher Smith wants only nothing but her.He treated her liked a queen and his everything but she just treated him liked nothing cause she chose to chase her dreams than to be with him.His world got crumbled after the heartbreak...