Chapter 1

14 0 0
                                    


"Kuya."nakangiting tawag ko sa aking kuya Thrace na ngayo'y naglalaro ng basketball dito sa village namin kasama si kuya Ethos at kuya Asher. Palagi akong pumupunta dito dahil sa isang dahilan at 'yun ay ang masilayan ang matagal ko ng crush, ang palagi ko lang alibi ay panonoorin ko si kuyang maglaro pero ang totoo ay siya pala ang panoorin ko.

Dahil sa aking pagtawag ay napahinto sila sa paglalaro. Kaagad akong nginitian ni kuya at hinihingal na nilapitan at ginulo na naman ang aking buhok na ilang minuto ko pa'ng inayos, hilig niya talagang guluhin ang buhok ko.

"Kuya naman eh."maktol ko dito habang nakasimangot dahilan para tumawa siya ng mahina.

Inakbayan niya ako kaya kaagad akong lumayo."Ew, kuya you're sweating, wag mo nga akong akbayan."maarteng ani ko dito at inirapan siya. I really disliked people who sweats too much and I don't know why,  it just really makes me uncomfortable.

Bingyan ako nang mapanuksong tingin ni kuya."Sa'kin ayaw mo pero pag kay Ashe---"

I kicked his knee to stopped him from talking, shocks gusto niya ba akong mapahiya? Ang lakas lakas pa naman ng boses niya at malapit lang si kuya Asher sa'min ba'ka mabuko pa ako pagnagkataon at ba'ka malaman pa niyang matagal ko na siyang crush.

Nakakainis lang, kasi nalaman pa ni kuya kaya nga palagi ako nitong tinutukso.

Binigyan ko nang isang matalim na tingin si kuya ng hindi na ito matigil sa pagtawa. Bigla akong napatingin sa gawi ni kuya Asher at kaagad na nawala ang aking inis at napalitan iyon ng hiya ng makitang seryoso itong nakatingin sa'kin pero agad ring nagbawi ng tingin kaya nadismaya ako.

"Hoy, ba'ka matunaw."napaigtad ako sa gulat ng may bumulong sa aking teynga.

"Gago ka talaga."asik ko kay kuya at malakas na sinapak ang kanyang balikat at inis itong tinalikuran at humakbang na papalayo pero agad ring natigilan ng magsalita na naman ang nakakainis kung kuya.

"Magmemerienda kami sa bahay nina Ethos, sasama ka ba?"may halong panunuksong tanong niya.

I sighed deeply at dahan dahang pumihit paharap kay kuya na ngayo'y nakangisi na sa'kin kaya inirapan ko siya.

"Sasama ako kasi nagugutom ako."inunahan ko na siya, pagtango tango naman ito pero hindi pa rin mapalis ang ngisi sa mga labi.

Binalingan niya sina Kuya Ethos at Kuya Asher."Hoy, tara na sa inyo, nagugutom na 'tong kapatid ko."makapal ang mukhang sigaw niya sa kanilang dalawa.

Hay, nako ba't ba ako nagkaroon ng kapatid na walanghiya?

Sumang-ayon naman sina Kuya Ethos at Asher bago naglakad papunta sa gawi ko, at ako naman ay parang maiihi na iwan nang titigan ako ni kuya Asher, nag-iwas na lang ako ng tingin at napalunok dahil sa kaba.

Nagulat pa ako nang may pumisil sa pisngi ko at pagtingin ko ay si Kuya Ethos pala."Gutom na pala ang baby namin."ngiti niya kaya napasimangot ako.

"Hindi na ako baby, kuya."dalaga na kaya ako, mas matanda lang sila sa'kin ng 11 years. They're in senior high school habang ako first year highschool pa lang.

Muling kinurot ni Kuya Ethos ang pisngi ko kaya mas napanguso ako, ang sakit na ha."Okay, whatever. Baby girl. Tara na."akmang aakbayan ako ni Kuya Ethos ng mabilis siyang nahila ni Kuya Thrace at inakbayan ito.

"Si Asher na ang bahala sa kapatid ko."ngisi niya sabay tingin sa'kin at kinindatan ako kaya palihim akong napangiti.

The best ka talaga kuya!

Hindi na nakapalag pa si Kuya Ethos ng kaladkarin siya ng kuya ko dahilan para maiwan kaming dalawa ni Kuya Asher dito.

Nahihiyang tinignan ko siya and he was now staring at me blankly kaya hindi ko maiwasang hindi masaktan. Noong bata pa naman ako ay siya ang sobrang ka-close ko keysa kina Kuya Thrace at Kuya Ethos pero ngayon, nagbago na ang pakikitungo niya sa akin, hindi na niya ako kinakausap, at nilalapitan na sobrang ikinalungkot ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Greece Solitariness(Greek Series #2)Where stories live. Discover now