Chapter 5

14 2 0
                                    

It's Saturday! Katatapos ko lang maglaba. It's precisely noon. I couldn't do anything, because I finalized the things I preferred to finish last week. So I thought I'd go to the Coffee House.

"O! Anak! Wala ka bang tatapusing requirements sa school niyo?" Nadatnan ko si Dy na inaayos iyong mga gamit sa counter. "Balik kayo!" Daddy called out sa papalabas na customers.

"Wala naman Dy. Kaya ako pumunta rito baka sakaling may pupuntahan ka. Atsaka nababagot na ako sa bahay."

"Wala naman din, pero sige ikaw na muna magbantay rito." Kiniss ako ni Dy sa pisngi saka lumabas.

After a bit, may pumasok na dalawang babae. "Welcome po sa Coffee House!" I welcomed them.

I gave them the menu. They probably want ice cream or shake. Tanghali pa naman.

"Isang strawberry shake at isang mango smoothie," order nila.

"Kuya Noel, one strawberry shake at isang mango smoothie." Si Kuya Noel iyong tumutulong sa amin dito. Isang barista.

Habang piniprepare ko iyong order nila. May dumating na panibagong customer, "Welcome to-" natigilan ako. Aaron's friend. I looked to see if he's with Aaron. Pero wala. Nakasuot siya ng golf cap na may nakasulat na "Titleist" sa unahan. He's wearing a grey solid V-neck tee with matching drawstring waist sweatpants.

"Uhh.. welcome to Coffee House!" Ulit ko.

Umupo siya sa pinakadulo sa may gilid.

Ibinigay ko na sa dalawang ate iyong order nila saka ako pumunta sa pwesto ni Ephraim ba 'yon? Ibinigay ko sa kanya iyong menu.

Babalik na sana ako ng counter nang tawagin niya ako sa first name ko. "Uh.. Gulizar.." I stood up to him. He gawked greatly at me.

"One espresso and one red velvet with cheesecake." Ang init-init, iinom siya ng kape? Ang weird niya ha. Well, umiinom din ako ng kape kahit mainit. Lol.

"Right away, sir!" Ngiti ko. Tinawag niya ako sa unang pangalan ko. Ang uncomfortable pakinggan kung Gulizar lang. Pero sa kanya, parang hindi sheepish.

First-time kaya niya rito? Ibinigay ko na kay kuya Noel iyong order niya.

Pumunta muna ako ng restroom. Tiningnan ko iyong repleksyon ko sa salamin. I'm wearing a surplice front ditsy floral A-line dress. Namumutla na naman 'yong lips ko.

I texted Aaron how he was. Kahit hindi na naman siya magrereply. Baka one month pa siya makareply. I loathe myself for doing this. Naglagay muna ako ng lipstick bago ako lumabas.

Ready na iyong inorder ni Ephraim. Kinuha ko na iyon saka ako tumungo sa table niya.

"Here's your coffee, sir. Enjoy!" Tumalikod na ako. I can't even look directly into this guy's gazes.

Umupo na ako sa high stool chair sa may bar counter habang naghihintay ng ibang customers.

Tanungin ko kaya si Ephraim kung ano na mga pinaggagawa ni Aaron. Sumulyap ako sa table niya. Nanonood siguro siya sa phone niya. Umangat iyong ulo niya, he looked intently at me. Umiwas agad ako ng tingin. Ghaaad. He probably thinks I'm stalking him. Duuuh. Sobrang ganda ko naman para maging stalker niya. Joke >_<v

Tiningnan ko ulit siya, ipinagpatuloy niya iyong panonood niya.

"Balik po kayo mga ate!" Kaway ko sa papalabas na dalawang ate.

Mag to-two na noong tumayo na si Ephraim. Tiningnan niya ako, I smiled at him. "Balik ka Ephraim!" He just looked away. 'Apaka seryoso naman! Hmph! He's rude.

I cleaned the tables.

Saktong ala tres na. May mga customers na dumarating at umiinom ng kape. Iyong iba naman, nagtitake-out lang.

It's already 6 PM nang napagpasyahan kong umuwi na.

"Kuya Noel ikaw na muna bahala rito a. Darating din si Dy."

Ipinaubaya ko na muna kay Kuya Noel iyong coffee shop. Pinagkakatiwalaan naman namin siya. Matagal na rin siyang nagtatrabaho rito.

Dumating na ako sa bahay, tumungo na ako sa kwarto ko. Naligo muna ako saka ako bumaba para kumain ng dinner.

Nakaupo na rin sina My at kapatid ko, Jaja. "O halika na at kumain na tayo, paparating na si Dy." Umupo ako sa gilid ni My. Saktong dumating naman si Dy kaya kumain na kami.



I brushed my teeth and then I went to my bed. Haay. Kapagod. Nag open muna ako ng messenger, I saw Ephraim's name popped out in my notification bar. Nagchat tas like lang. I dismissed it. Baka napindot lang niya. GC lang naman bumubuhay ng messenger ko ngayon. Wala nang Aaron na nagchachat sa akin.

Puntahan ko na lang kaya siya sa bahay nila? No, Emine. Siya dapat gumagawa ng paraan para makausap ka. Pero kasi wala nang text na dumarating galing sa kanya, mag tatatlong linggo na.

'Til EternityWhere stories live. Discover now