•LISONEIL MARTENAI•Wala paring tigil ang malakas na buhos ng ulan dahil sa bagyo, samantalang ako naman ay tarantang taranta na dahil halos tuklapin na ang bubong ng tinitirhan ko, sabayan pa ng walang tigil na pag tulo ng tubig sa mga butas ng bubong nito.
Hala! bakit ba ayaw tumigil ng ulan wala na akong timbang ipangtataya, nababasa na lahat ng mga gamit ko. -mangiyak ngiyak na sabi ko habang dala dala ang timba at palang ganang ipinang sasayod ko sa mga tumutulong tubig sa butas ng bubong ng tinitirahan ko.
hindi ko na alam ang gagawing palagay ko magigiba na ang tinitirahan ko dahil sa lakas ng hangin ng bagyo dinig ko din ang sigawan ng kapit bahay kong nag kakagulo at dinig ko din ang bawat dunog ng pukpok sa mga yero ng bahay nila.
ramdam ko din ang tubig baha na dumadampi sa mga paa ko na alam kong tumataas na ang baha sa baranggay namin. mag isa ko lang dito sa tinitirhan ko kasama ang aso kong napulot ko pa sa kabilang baranggay na ngayon ay hindi mapakali habang tahol ng tahol.
Choki! please wag kang maingay, nawawala ang ganda ko sayo ehh. -inis na suway ko sa kanya habang itinataas ang mga gamit namin sa malaking lumang kabinet na pinahingi pa ng kapitbahay naming si Aling Ising.
hindi ako mayaman dahil nangungupahan lang ako sa dito sa lumang bahay na to na mukhang pinag babahayan na ng mga daga, ahas at ipis na minsan kasama ko.
Mura lang ang renta nito nasa 500 lang ang isang buwan kasama na ang kuryente na mukhang nakaka kuryente pa dahil sa mga naka usling kable nito.
pero anong magagawa ko yun lang ang Afford ng bulsa ko, dahil maliit lang ang kita ko sa convenient store na pinagtratrabahuhan ko bilang isang cashier doon at nag aaral pa lang din naman ako.
Hindi naman sana ako mag hihirap ng ganito kung ginusto kong manatili sa lugar ng mga lola at lolo kaso ayaw ko, dahil simula bata pa lang ako ay ako na ang sinisisi nila dahil sa pagkakamatay ng mama ko at hindi ko naman alam kung sino ba ang totoong tatay ko. kaya nag disisyon na lang akong lumayas sa puder nila at hayaan na lang sila dahil mukhang wala lang din naman ako sa kanila nong umalis ako, dahil hindi na nila ako hinanap at pinabayaan na lang ako. na parang okay lang sa kanila.
ano pa nga bang magagawa ko, ganun talaga ang buhay may mga taong ayaw sayo, ang masama pa don parte pa ng pamilya mo.
Neil! lumabas na kana jan hanggang bewang na ang baha sa labas natin at anjan na yung rescue ni Mayor. -sigaw ni aling ising habang kumakatok sa pintuan kaya dali dali ko ng kinuha si Choki at ang bag na may ilang damit ko at mahahalagang gamit ko, dahil hindi ko na talaga kayang manatili dito dahil baka pag nagtagal pa kami dito anurin na ang barong barong ko kasama kami.
pag bukas ko pa lang ng pinto ay malakas na tubig at hangin na agad ang sumalubong sa amin buti na lang talaga at agad akong napakapit sa pintuan at hindi ako natangay.
pahirapan pa ang pag hakbang ko papunta sa rescue dahil hanggang bewang ko na ang baha sabayan pa ng minsan pag tangay sa akin ng malakas na hangin na halos muntik na akong matumba at mag langoy sa tubig baha. hindi ko naman kasalanan na maging mapayat ako.
Halika na Neil tulungan na kita jan sa dala mo! -salubong sa akin ni Jepoy na anak ni aling Ising ng makalapit na ako sa Rescue. agad niyang kinuha ang dala kong bag at si Choki at agad niyang inabot sa mga rescuer.
hala! bakit ang gwagwapo ng mga rescuer na militar.
pero bahagya din akong nagulat ng humawak si jepoy sa bewang ko na siyang ikinatingin ko sa kanya. kita ko pa ang pagngiti niya at pag kindat sa akin na siya namang ikinapula ng pisnge ko.
BINABASA MO ANG
DSS2: THE BOSS IS MY EX-LOVER (SOON)
RomanceDANGEROUS SON SERIES 2: ON-GOING | BL | RATED 18 | MPREG SYNOPSIS: PAYTER ICE VILLAMORE X LISONEIL MARTENAI "MAY ISANG BAGAY TALAGANG PINAGTATAGPO SA HINDI PA TAMANG PANAHON, PERO PAANO KA NGA BA MAKAKA-BANGON SA MGA BAGAY NA NAGING SANHI NG SAKIT...