Prologue

4 0 0
                                    

Kasalukuyan kaming nagluluto ngayon dito sa kusina dahil may gaganapin na party dito sa mansion ng amo namin.

"Nabasa niyo na yung 'That's how we met'?" tanong ko sa mga kasama ko na nandito sa kusina. Mga kaedaran ko lang sila at mga wattpader din.

"Puro ka wattpad, ikaw naman maghalo dito, oh." sabi ni Tricia.

"Hiyang-hiya naman ako sayo, te." natatawang sabi ko at tumayo.




Makalipas ang ilang oras ay natapos na din namin ang mga dapat tapusin bago dumating ang mga bisita.

Nandito ako ngayon sa kwarto at nagbibihis. Binigyan kami ni My Lara ng susuotin namin para sa party. Nagulat kami dahil ang akala namin ay hindi kami kasali.


"Excited na 'kong makita si Jaja." nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. Simpleng dress lang ang sinuot ko dahil 'yon ang nararapat.


"Ano bang meron sa inyo ni sir Anthony?" tanong ni Bea. Nabigla ako dahil sa sinabi niya.


"Kotongan kaya kita diyan. Syempre magkaibigan lang kami no'n ni sir, hindi naman siguro masama kung magiging magkaibigan kami 'diba." sabi ko.


"Sana all. Tara na nga baka makotongan mo ako e." natatawang sabi niya.




"Good evening, everyone. Let us welcome... Mr. and Mrs. Villadolid." masiglang sabi nung tao sa stage.


Nawala ang atensyon ko sa nagsasalita at hinahanap si Jaja. Tumingin ako sa kaliwa, sa kanan, sa harap, at sa likod... at ayun, nando'n siya.


Nakaramdam ako ng saya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Malakas ang loob ko na lumapit sa kanya dahil mag-isa lamang siya.


"Jaja..." sabi ko. Humarap naman niya sa'kin at ngumiti.

"Me---" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil may dumating na isang lalaki na sa tingin ko ay nasa bandang 50 ang edad. Kasama niya ang Daddy ni Jaja.


Nawala ang atensiyon sa'kin ni Jaja at tumingin sa dumating. "Mr. Arellano... D-dad." sabi ni Jaja at kitang-kita ko na napipilitan lamang siyang ngumiti.


Nabaling sa'kin at atensiyon ng matandang tinawag ni Jaja ng Mr. Arellano. Halatang-halata sa dating na mayaman niya.


Ngumiti siya sa'kin at naasar ako dahil do'n. "May usap-usapan akong naririnig na may namamagitan sa inyo, Anthony." sabi niya at tumingin kay Jaja.


Nakita ko namang nabigla si Jaja at maging ako ay nabigla din. Tumingin si Jaja sa Daddy niya na animo'y kinakabahan.

"Mr. Arellano, t-that's not---" hindi na naituloy ni Jaja ang sasabihin niya nung magsalitang muli si Mr. Arellano.


"She's one of your maid, Villadolid." nakangising sabi niya at tumingin sa Daddy ni Jaja.


Pakiramdam ko ay may tumutusok na karayom na dibdib ko. Ang sakit. Naiinsulto ako. Nabigla si Jaja at tumingin sa kanyang Daddy. Kinakabahan siya. Nakikita ko sa mukha ni sir Richard na galit siya ngunit pinipigila niya lamang ito.


Tumikhim si Jaja. "I didn't know that she's one of our maid kaya hindi totoo yung sinasabi mong may namamagitan sa 'min Mr. Arellano." seryosong sabi ni Jaja.


Tama na... sobrang sakit na Jaja. Ano 'to?


Tumingin siya sa 'kin na walang emosyon na makikita sa mukha niya. "I'm not Jaja. Namalikmata ka lang siguro." sabi niya.

Anong nangyayari? Mali 'to.

"I don't even know you." dagdag niya.

Wag kang iiyak, kaya mo 'to. Huminga ako ng malalim at ngumiti. "I'm sorry, hindi pala siya yung Jaja na hinahanap ko. Hindi siya yung tao na gustong-gusto kong makita sa mga oras na 'to." sabi ko at nagpaalam na sa kanila.


Bawat hakbang ko ay lumalabas na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko ng maalala ko ang mga huling masasakit na salitang sinabi niya kanina.

"I don't even know you."









Mysterious WriterWhere stories live. Discover now