-1-

1 0 0
                                    

Nagising ako ng dahil sa malakas na tawanan. Ang ingay-ingay naman nila, may natutulog pa e.

Nag-ayos muna ako pagkatapos ay bumaba. At ayon sila nagtatawanan. Madalas akong nagigising dahil sa tawanan nila, napangiti naman ako dahil do'n. Ang swerte ko sa pamilya ko dahil kahit na marami kaming problema ay nagagawa pa din naming tumawa. Tawanan ang problema...

Napansin ako ni Tatay at tinawag ako. "Gising na pala ang dalaga namin. Halika dito, anak." sabi niya. Ang sweet talaga ni tatay.

Pinagmasdan ko muna sila, si nanay ay naka-upo sa upuan na gawa sa kahoy at katabi si Meira Dennise. Umupo ako sa tabi ni tatay, magkaharap kami apat.

"Kamusta naman ang tulog mo, Mei?" tanong ni nanay.

"Okay lang naman po, nagising lang dahil ang ingay niyo." pabiro kong sabi at nagtawanan naman sila.

"Ang anak ko talaga, ang sungit." sabi ni tatay at inakbayan ako. Natawa naman ako dahil do'n.

Dito kasi sa bahay ay lagi nila akong sinasabihan ng masungit. Tsk, si Nisse 'yon e.

"Kumain na tayo dahil pupunta tayo mamaya sa bayan, doon sa bagong bukas na garden, Villadolid's Garden." nakangiting sabi ni tatay. Lahat naman kami ay nagulat dahil sa sinabi ni tatay dahil minsan lang kami gumala, palagi kasi silang nasa trabaho at palagi kaming nasa school.

Pagkatapos naming kumain ay nagkanya-kanya nakaming ayos. Nauna akong natapos at pumunta sa kwarto ni Nisse.

"Ang bagal mo naman kumilos." nang-aasar na sabi ko. Ganyan kasi siya lagi, matagal kumilos.

Napanguso naman siya at inayos ang suot niya. Grabe 'to sa bayan lang naman pupunta. Nakasuot siya ng simpleng dress na kulay blue, naka pusod ang buhok niya at naka suot ng sandals.

"Ang bongga naman ng suot mo, sa bayan lang naman pupunta." sabi ko. Lumapit ako sa kanya at kiniliti siya sa tagiliran. "May crush ka siguro sa bayan, noh." dagdag ko.

Namula naman siya. "Nah si ate, kesa naman sayo, look at your outfit ate, ang pangit." sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. May masama ba sa naka itim na pantalon, plain white na oversized shirt at puting sapatos? Ang arte.

Pinitik ko siya sa noo. "Ang arte mo, halika na nga baka hinihintay na nila tayo." sabi ko at nauna ng lumabas.

At tama nga ako nasa labas na sila nanay. "Hayaan mo nalang yung kaartehan ng kapatid mo." natatawang sabi ni nanay. Tumango naman ako at lumapit kay tatay. Daddy's girl.

Sa wakas ay nakababa na ang aming prinsesa na hindi mukang prinsesa. "Tara na, late na tayo sa flight natin, 'diba Meira Dennise?" sarcastic na sabi ko.

Tinarayan niya naman ako. "Tara na nga, galit na yung siga kong ate." sabi niya. Natawa naman ako. Ganito kami palagi, nagbabangayan tapos maya-maya bati na.

Sumakay na kami sa tricycle na pinara ni tatay kanina. Habang nasa biyahe ay pinagmamasdan ko ang mga puno at bulaklak na nadadaanan namin. Kaya gustong-gusto ko dito sa probinsya e, sariwa ang hangin at magaganda ang tanawin.

Nakarating kami sa sinasabi ni tatay na Villadolid's Garden. Pagpasok mo pa lamang at makikita mo na ang mga bulaklak at halaman. Magkakasama bawat kulay, napaka ganda ng pagkakadisenyo.

"Ang ganda dito, tay." nakangiting sabi ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, picture doon, picture dito. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa bahay kubo ng may tumawag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mysterious WriterWhere stories live. Discover now