Lily's POV
"Langston, lettuce please!"
"Here, sis. Grabe, ilang buwan ka bang hindi kumain? Hinay hinay lang. Nakatingin yung mga nasa kabilang table oh."
"I don't care! E di kumain rin sila!" Sabi ko sabay subo ng lettuce with beef bulgogi dipped in mozzarella cheese, ssam jang na may rice at garlic. Huhu perfect!
Kung nagtatanong kayo kung nasaan kami, yes, tama nasa isip niyo. Nandito kami sa isang sikat na samgyupan. Nilibre ako ng kuya ko, si Langston.
By the way, I'm Lily. 22 years old. 5'2". May short hair. Graduated with a degree of BA in International Studies. Magna Cum Laude. President ng various organizations. Famous at sikat sa university namin. Pero that was two years ago. Ang hindi ko maintindihan, bakit hanggang ngayon, wala pa rin akong trabaho. Unemployed. Walang silbi. Walang pakinabang. Bakit wala pa ring natanggap sa'kin? Bakit?!
"So yun nga, ilan na napasahan mo ng CVs?" Tanong sakin ni Langston sabay inom ng soju.
"Ewan! Hindi ko na binibilang e. Wala rin namang mangyayari!" Sagot ko. Totoo naman, nakakalagpas 50 na ata ako. Lahat ng job posting sites pinatulan ko na. Hindi na rin ako namimili if anong company 'yan, pasa na lang nang pasa.
"Alam mo Lily, hindi ka naman ganyan dati. Napakanega mo na ngayon." Napasimangot ako kay Langston. Nakakatandang kapatid ko siya, months lang agwat namin. He's bisexual. Fresh graduate kami pareho, pero ayun, successful siya ngayon sa buhay. May stable ng work, income and everything! Sana all.
"Ewan ko ba, Langston. Ano pa ba kulang sa'kin? Magna naman ako, ganda ng records ko? Wala naman akong nilabag na rules nung estudyante ako pero bakeeet?! Ano bang kulang sa'kin? Sobra na akong nadedepress." Naiiyak kong sabi sabay shot ng soju.
"You know what, Lily. Baka hindi mo pa lang season ngayon."
"Season?! Kelan pa? Ang tagal naman. Dalawang taon na akong graduate, wala pa rin yung season ko?"
"Lily, there is a time for everything. Huwag kang magmadali."
"Langston, bagot na bagot na ako. Hindi mo ako naiintindihan kase 'di mo nararanasan yung sitwasyon ko."
"Look, Lily. Naiintindihan kita. Ang sa'kin lang, instead of focusing sa mga bagay na wala ka, why not focus sa mga bagay na meron ka? Na sa kabila ng lahat, nandito ka nagsasamgyup, kumakain ng beef and pork, unlimited. Maayos pananamit mo. Complete parents natin. May kuya kang mabait." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Langston.
Napahinga ako nang malalim. Tama siya. Pero may mga bagay pa rin akong hindi maintindihan.
"Pero bakit ganon, nag-aral naman ako nang mabuti nung college, ginawa ko lahat, pero bakit ayaw pa rin akong tanggapin ng mga employers?!" Pagmamaktol ko, desperada na talaga ako magkatrabaho.
"Kasi siguro hindi ito ang para sa'yo? May nakalaan para sa'yo, Lily. Trust me. One day, magkakaroon ng sense ang lahat."
"Sana nga."
"Gusto mo ba talaga 'yang course mo?" Nagtaka ako sa tanong niya. Para bang binabasa niya ang nasa isip ko.
Oo nga.
Gusto ko ba talaga 'tong path na tinahak ko?"Undecided? Kasi baka kaya hindi pala binibigay ni Lord, kasi di mo naman gusto? Malay mo dun ka talaga dalhin ni Lord sa path na gusto mo."
Napaisip ako. Ginusto ko ba talaga 'to? Binalik ko yung pork sa lutuan at napaisip. Ginusto 'to ni Mom & Dad dahil balak nila akong isama sa States. Ayoko silang madisappoint kaya ginalingan ko. At naging okay naman yung results. Look, naging Magna pa ako.
"Alam mo, try mo mag-Ikigai. Search mo pagdating sa Youtube. Isulat mo yung passion, profession, vocation tsaka ano nga 'yung isa, nalimutan ko. Basta apat 'yon. Kausapin mo maigi sarili mo. Tsaka di'ba last time gusto mo magPsych after ng mga nangyare sa'yo?"
"Oo, Langston. Hays." I heaved a sigh.
"Tsaka.." nilunok niya muna yung bulgogi saka nagsalita, "hindi porket wala kang trabaho, wala ka ng silbi at pakinabang. Hindi yun kinabawas ng pagkatao mo. Sa'n ba galing ang mga sinasabi mong yun, Lily? May narinig ka ba sa'min nina Mom & Dad?"
Napaisip ako. Oo nga. Wala naman silang sinasabi. Pero pakiramdam ko, napaka-worthless ko at nakakasad.
"Tama ka Langston. Babawasan ko na pag-iisip ng mga ganyan."
"Exactly! Hindi nakakatulong yan. Ibalik mo yung Lily na optimistic at full of energy! Makakaasa ba ako?"
"Yep! Thanks sa libreng samgyup! Cheers!" Sabi ko sabay cheers sa mga shot glass namin at hug kay Langston. Iba talaga 'tong kapatid ko. Grateful to have him in my life! Actually, them. Super grateful ako sa family ko kahit magkakalayo kami.
"Lily!" Napatingin ako sa tumawag sa'kin. Si Priya. College classmate ko siya. Warning: Medyo bitchesa 'to.
"Uhm, hello Priya?"
"Kumusta? Saan ka ngayon nagwowork? Ako kase sa Makati e. Sobrang nakakalula mga buildings tapos—"
"Wala pa akong work." Pagpuputol ko sa mga sinasabi niya. Napatingin sa'kin si Langston.
"Oh. I'm so sorry to hear about that. Ever since ba grumaduate ka, wala pa rin? Bakit, saan ka nahirapan? Magna ka pa naman."
Okay, Lily.
Inhale, exhale.
Kelangan ko siyang maintindihan.
It doesn't define me, anyway."Yes, wala pa but the best is yet to come!"
"At saka ano naman kung wala pa siyang work?" Singit ni Langston. Napatitig ako sa kanya.
Napairap naman si Priya. "Sige Lily, diyan ka na! Enjoy your meats!" Sabi ni Priya sabay kaway. Mygad, pasalamat talaga 'to at humingi ako ng patience & understanding sa Holy Spirit!
"Sino yun? Bitchesa, sizt?"
"Bayaan mo na yun! Lezzgoo and eat!" Sabi ni Langston sabay kuha ng kimchi.
Tinawag ko naman si ateng waitress para magparefill. "Ate lettuce pa please! Thank you."
Nagpatuloy na kami sa pagkain at inenjoy ang samgyup.
Tama si Langston.
I need to trust the unknown.—•—
Author's Note:
Hallu everyone! MissCandyholic's back. Ü
BINABASA MO ANG
No Song Without You
RomanceThis story was inspired by Dash & Lily + Honne's music + real life experience + imagination. Copyright 2020 by MissCandyholic