JOURNEY 38

16 1 12
                                    

Chapter 38

Both

"Leon, go back to your senses. Mas madadagdagan lang ng pinaplano mo ngayon ang kaso mo! Please stop now, just turn yourself in..." napapagod ko ng paliwanag sa kanya.

Nang matapos ang huling pag-uusap namin ni Vans, nabalik na ulit ako sa scene na ito ngayon, si Leon pa rin pala ang kasama ko.

At kanina ko pa hinihintay kung magkakaroon ba ng off camera pero hindi iyon nangyari.

Nakikiramdam din ako sa kanya pero talagang katauhan nalang ni Leon ang nakita ko. It really worked huh? Probably by now, you already forget everything. Kaya naman Leon's thought filled you, alam kong iniisip mo na ikaw na si Leon ngayon.

Part of me want to grief but I don't want to feel that way, dahil ayokong pagsisihan ang desisyon na ginawa ko.

No, I have no regrets, dahil ramdam ko na may nabawasang punyal sa dibdib ko nang mangyari at gumana ang desisyon ko na iyon.

"I am not going to hurt you, Narizz. Gusto ko lang humingi ng tawad... sa lahat ng nagawa ko at ng pamilya ko sa inyo. Please, just accept my apology, iyon lang ang hinihiling ko. Pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko sa inyo," tuloy tuloy niyang sinabi habang nakatingin sa harap.

Umiling naman ako. "Leon, if you're really regretting it right now, sumuko ka na sa autoridad. To be honest, I don't want your apology, I want justice. Iyon naman ang hinihiling ko sayo, Leon. Turn yourself in." Kalmado ko nang sinabi. Pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa pag-drive ng sasakyan niya.

Kalaunan, nagulat ako nang mag dial siya sa cellphone niya.

"We are here," sabi niya sa kausap.

Hininto niya ang sasakyan sa harap ng crossing road. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Binaba niya muna ang cellphone niya bago ako hinarap.

"Yes, I already did," he simply said and smile after that.

Ilang segundo lang ang lumipas, nakarinig na ako ng mga sirena ng sasakyan ng mga pulis na papunta sa direksyion namin. Humarang sila sa saksakyan ni Leon at pinalibutan nila ito.

May lumapit pang pulis sa pinto ng kotse niya at kinatok ito. Walang alinlangang lumabas si Leon sa sasakyan niya at siya na ang naglahad ng dalawang kamay niya sa mga pulis. Mabilis naman silang naglagay ng posas sa kanya.

Ako naman, hindi kaagad nakakilos dahil sa bahagyang gulat sa ginawa niya. Nilingon ko ang kaliwa ko nang maramdaman kong bumukas ang pinto niyon.

Vann face welcomed me. Tinignan niya pa ako ng nag-aalalang mata niya.

"Are you okay, Narizz?" And his voice filled with a lot of concerns too.

"What just happened?" Medyo hindi ko pa rin gaanong makapaniwala na tanong sa kanya.

Inalalayan niya muna akong lumabas ng kotse at inayos ang buhok ko sa mukha ko.

"It's now over, baby... you finally claimed your justice."

Nagtapos iyon sa ganoong scene. Narizz already solve one conflict in her life.

As far as I remember after ng scene na iyon, Leon confessed. Tinuro niya pa mismo kung saan nagtatago ang Mama niya kaya nahuli na rin ito ng mga pulis. The trial in the court also went well.  

One of the conflict is now over, but another new one started.

Natagpuan ko ang sarili kong malala ang ubo na halos hindi na makahinga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko. Nasa bahay ako nila Narizz. Ito ang setting noon at wala akong kasama. Parehong nag trabaho ang Papa at kuya niya.

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon