[My First Star- Chapter 2]
"Loka! Saan ka nanggaling?! Kanina pa ako nagugutom dito. Oh, anong nangyare diyan sa uniform mo? Saang putikan ka ba lumangoy?" bungad sa aking ni Danica ng makarating ako malapit sa national bookstore. Napairap nalang ako.
"May nakabangaan lang ako. Natapon yung Coke niya sa damit ko." pagpapaliwanag ko habang pinapagpagan ang sarili ko.
"Uy bago ang kwintas ah. 'San mo nabili?" tanong niya sa akin.
"Doon sa stall na malapit doon." saad ko sabay turo sa dinaanan ko kanina. "tara na nga para makapagpalit na ko ng damit, arghh! Ang lamig ng coke eh!" naglakad na kami papunta sa exit ng mall at pumunta na sa bahay.
Pagkadating ko doon ay agad akong nagbihis para makatulong na ako kay tita Cali sa paghahanda sa labas. Pagkatapos ay lumabas na ako at pumunta muna kay Danica na ngayon ay tumutulong na kay tita Cali. I wore a white sleeveless dress with a beaded collar ending 1 inch above the knee. On the other hand, ang suot ni Danica ay backless na blue dress.
"Hoy Danica! Hindi kana talaga mataba! Grabe ikaw ba yung may birthday? Wow!" saad ko.
"I know right. Ang ganda ko noh? HAHAHAH di joke. Mas maganda ka kaya kahit simple lang ang suot mo tapos wala ka pang make up!" saad niya sabay hawak sa mukha ko. "Tara lagyan nating ng liptint!" excited niyang saad sabay talon talon pa ng kaunti.
"Tumulong muna tayo oy. Tama ba tita?" natawa naman si Tita Cali.
"HAHAAH kayo talagang dalawa. Okay na dito. Tapos na din naman ang mga Gawain. GAwin niya na ang gusto niyo, wag lang muna mag jowa ah. Biro lang, mag asawa kana stella para may apo na ako HAHHAHHA." tawa naman ni tita Cali. Napailing nalang ako habang natatawa.
"Ang bata mo pa tita gusto mo ng magka-apo? Mukhang nasa late 20s pa nga kayo eh." tanong naman ni Danica.
"akala mo lang. 37 na kaya ako HAHAHA. Gusto ko lang talagang tawaging 'mommy-ta' o di kaya 'mommy-la'. O diba cute!"
"Hayss bahala ka na nga diyan tita. Palibhasa walang jowa HAHAHHAH" saad ko at nagpahila na ako kay Danica papunta sa aking kuwarto.
"Hoy taba ano na naman ang gagawin mo sa mukha ko?"
"wala naman. Kunting liptint lang naman Stella."
"hays bahala ka na nga." saad ko at humarap na sa salamin. Nakita ko ang aking kwintas sa reflection ng salamin at nagulat ako ng umilaw ito. Malapit akong mapatalon dahil sa gulat.
"Anong nangyayare sayo oy?"si Danica.
"N-nakita mo yun?" tanong ko kay Danica.
"Ang alin?"
"U-umilaw ang kwintas ko."
"huh? Wala naman ah. Hala, ikaw Stella ah. Ang weird mo lately."
"Talaga?"
BINABASA MO ANG
My First Star
Teen Fiction"I admit that life is merely not a fairytale. Although, I will live my life like I am a fairytale princess. The reality about you might injure me deeply, but remember that every moment that I will stare at the night sky, you will forever be my first...