Bahay- bahayan

85 2 0
                                    

"Ngumiti ka." iminuwestra niya sa akin ang kaniyang ngiti. Hinawakan ako ni Papa sa balikat. Napitlag ako sa kaniyang ginawa. Ang kumikislap na ilaw ay tila binubulag ang aking mata. Nangangawit na aking panga sa kakangiti. Kailan ba matatapos ito?

Si Mama ay nakasuot ng kulay itim bestida na may mahabang manggas. Kitang-kita ang itim na eyeshadow na bumabalot sa mga mata niya. Si Papa ay naka-suot ng amerikana na kulay lila. Si kuya ay naka-suot ng kulay pulang amerikana na pinarisan ng kulay itim na panloob. Ako naman'y naka-suot ng kulay berdeng bestida na pinarisan ng kulay itim na sapatos.

Maraming nais magtanong na mga mamamahayag pero may isang pumkaw ng aking atensyon. "Mam! Ano pong masasabi niyo sa larawang ito? Alam niyo po ba..." natabunan na ang boses niya sa mga nais din magtanong. Itinaas ng reporter ang isang larawan. Larawang nagpapakita na may kahalikang ibang babae si Papa. Napatingin ako kay Mama. Nginitiian niya lang ako. Napatingin ako kay kuya na tulala lang at naka-awang ng kaunti ang kaniyang mga labi. Tila nahi-hipnotismo sa mga nagkikislapang mga ilaw.

Nakangiti ng maluwag si Mama. Naka-hawak si Papa sa baywang ni Mama. Hinalikan ni Papa si Mama sa ulo. Napasinghap ang lahat. Mas lalong dumami ang kislap ng mga ilaw sa ginawa nillang iyon. Umalis na kami at pumasok sa loob. Narinig ko ang pagtunog ng sapatos ni Mama sa kaniyang bawat hakbang. Umalis sila ni Papa. Nawala na rin sa tabi ko ang kapatid ko.

Maya-maya't bumalik si Mama mag-isa. Hinila niya ako palabas.

"Ano ba itong ginagawa mo?! Hindi ba't sinabi ko sa iyong huwag kang magsisinungaling sa akin?!" sigaw ni Mama habang hinihila ako sa aming banyo. Padabog niyang ibinaba ang bag na naglalaman ng gamit ko. Tinignan ko ito. Tumilapon ang lahat ng laman nito. Umiling-iling at umiiyak na ako. Alam ko na ang kaniyang susunod na gagawin.

"Nganga." napitlag ako sa sigaw ni Mama. Idiniin niya ang kaniyang kuko sa aking braso at pinipilit na isubo sa akin ang sabon. "Ang sabi ko nganga!" nakita kong dumudugo na ang braso ko ngunit hindi ko inalintana ang sakit na dulot noon. Napanganga ako nang sinakal niya ako. Isinubo niya ang sabon sa akin. "Ano ang sinabi ko sa mga sinungaling?! Dapat nililinis iyan ng " nasusuka na ako. Umiiling- iling na ako at pilit na iniluluwa ang sabon. Hinawakan niya ako sa bibig at walang pasubaling sinampal.

Naidura ko ang sabon. Lumabas ng banyo si Mama. Agad akong nagmumog. Sumuka ako Dali-dali kong ikinandado ang pinto kung sakaling pumasok at atakihin muli ako ni Mama. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hinawakan ko ang namumulang parte ng aking pisnge. Namamaga na ito sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

Tumakbo na ako palabas ng banyo. Nadaanan ko ang kusina at nakita si Mama na kinuha ang mga nakatago niyang alak sa estante. Unti- unti niyang ininom ang mga ito. Umakyat na ako sa aking kwarto at nag-iiyak. Napaigtad ako sa mga kalabog na naririnig ko sa kabilang kwarto. Binuksan ko ng kaunti ang pinto ko at nakita ko ang mga upuan sa labas. Nagmumula ito sa kwarto ni Kuya. Naamoy ko ang masang-sang na amoy ng nasusunog ng halaman. Naririnig ko ang ang halakhak niya at tunog ng pagkabasag ng mga salamin nito. Muli, isinarado ko ang pinto ko.

Pumasok ako sa damitan at doon nagmukmok at umiyak. Nagising nalang ako sa sigawan sa kabilang kwarto. Naka-rinig na rin ako ng ilang pagdadabog sa kabilang kwarto. Nilabas ko ito at nakita ko paglabas ni Papa sa kabilang kwarto. Niluluwagan niya ang kaniyang kurbata. Sinilip ko ang kwarto nila ni Mama at nakita ko ang makalat at mga bubog sa pinto. Inawang ko ng kaunti ang pinto. Hindi na alintana ang hapdi sa paa sa pag-apak sa mga nagkalat na bugbog. Nakita ko si Mama na naglalagay ng peklat cream ang kaniyang mukha braso at mga binti habang nanginginig ang kaniyang mga kamay. Naririnig ko siyang nagsasalita.

"Hindi... hindi ito maaring makita." aniya. Patuloy ang kaniyang panginginig. Padabog niyang binuksan ang kaniyang kabinet kumha siya ng itim na eyeshadow upang maitago ang pasa sa kaniyang mata. Lumingon siya sa aking gawi at agad akong nagtago. Pumasok ako sa aking kwarto.

Bahay- bahayan (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon