CHAPTER:1 New School

32 15 10
                                    


Savien Llocy Roosevelt's POV


I was standing in front of an academy everyone knows. Naramdaman ko pa ang pag-ihip ng hangin at pagsabay dito ng aking buhok. May mga dahon na tila ay napaglipas na ng mga araw sa lupa.

But then there's this academy who seems old but still standing all mighty and high. Sa bawat tuktok ng bubong ay may banderang pula. May tatak ito ng Academy. It was a sword and man with cape taking the sword from being stuck in a stone.

Hindi rin kita ang mga pasilyo dito. Karamihan ng istudyante ay napapatingin sa akin at napapatigil pero wala naman akong kapaki-pakialam at mukhang ganun din sila. Marahil ay sadyang bago lang ako sa kanilang paningin. But still, they doesn't have anything to do with me.

"Ms. Roosevelt?" ???

Napatingin naman ako sa unahan ko. Nakatingala kasi ako sa taas. Tiningnan ko lang sya. Makikita ang babaeng mga nasa 30+ na siguro. Mayroon siyang nakapang-eenganyong ngiti at tindig ng isang kagalang-galang.

"Are you Ms. Roosevelt?" she asked and I nod. "And I am Ms. Bo. I'll lead you the way." nakangiting sabi nya bago ako talikuran.

Sinundan ko syang mag lakad. Habang nag lalakad ay may mga istudyante kaming nadadaanan na parang walang pakealam sa paligid. Pero karamihan. . . gumagawa ng hindi mga kaaya-ayang gawain ng isang istudyante ngunit parte pa rin ng pagiging mag-aaral.

"Gago ka, Henjir. Sinabi ko lang na tingnan mo kung nanlalaki ang girlfriend ko, hindi ko sinabing landiin mo." sigaw ng isang lalaking pinipigilan ng dalawa pangnlalaki na marahil ay kaibigan niya.

"Kasalanan ko ba na humingi siya ng tulong na malayo sayo? Kung hindi ka kasi halimaw na lalaki, hindi gagawa ng paraan ng girlfriend mo na humanap ng iba." sigaw pabalik ng isang lalaki na naka-upo sa lupa habang inaalalayan at pinipigilan ng isang babae at dalawang lalaki.

Instead of wasting my time on a fight which actually doesn't concern me at all, I continue walking behind Ms. Bo who's shaking her head while looking at those thugs. But she never try to stop them and just continue leading the way as what she have told me a moment ago. Hindi pa man kami nakalalayo ay may isa muli kaming nakitang away.

"Bakit ka sumulat kay na mama? Hindi ba binalaan kita na wag sabihin? Akala ko ba kaibigan kita?" sigaw ng isang babae. Kasama niya ang lima pang grupo ng babae na masama ang tingin sa babaeng puno ng galos at nakasandal sa pader.

"Keynla, h-hindi naman pwedeng i-itago na lang natin yun sa kanila. They a-are your parents. They deserve to know their daughter's condition. They would help a lot since they had been through that situation before." hinihingal at tila nahihirapang wika naman ng babae.

"Talk more Arly, and you're dead. . ." malamig at tila nang-gigigil na wika ng tinawag na Keynla ng babae.

"Keyn-" bago pa man matapos ng babae ang sasabihin niya ay isang kamay ang mabilis na tatama sa kaniyang mukha ang tanging nakapagpatigil sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano ang kakayahan ng babae ngunit ramdam ko ang pag-tigil ng aking hininga sa nakalipas na mga segundo. Bahagya pang napa-awang ang aking mga labi ng napakaraming dark whip ang gumapos sa bawat parte ng katawan ng lahat ng istudyanteng sangkot sa away.

LIFELESS MISSION! [Under major editing With Missing Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon