My Sad Memories

3 0 0
                                    

Zach's POV

"Ahhh nakakatamad" pagrereklamo ko dahil sobrang tagal matapos ng aming klase.

"Pst"sitsit ni Kyle na aking kaklase.
Nasa likod ko sya nakaupo.

Iniikot ko ang aking ulo  upang humarap sa kanya.

"Ano?" mahina kong tanong.

"Mr.Alejandro maaari mo bang sagutin ang tanong na nasa blackboard?"
Nakapoker face na sabi ni Sir Einstein,ang aming Professor sa Math.

Agad akong napalingon sa harap.
Napalunok ako ng laway nang makita kong tinititigan na pala ako ng aking mga kaklase.

Nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang kaba habang lumalapit ako sa blackboard.

"HAHAHAHAHAHAH"ang tunog na narining ko mula sa tawa ng aking mga kaklase,matapos kong isulat ang sagot .

"Anong nakakatawa?"tanong ko sa aking sarili habang nako-confuse.

"You may now go to your seat Mr.Alejandro"sabi sakin ni Sir Einstein na halatang pinipilit ang sarili na hindi tumawa.

Pagkabalik ko sa aking upuan isang malakas na hampas sa aking braso ang sumalubong saakin.

"Aray"mahina kong sabi.Pilit kong hindi makagawa ng ingay dahil sa sobrang embarrassment ko.

Minasahe ko nalang ang aking braso habang sinasamaan ng tingin si Jerome.

"Is Mr.Alejandro's answer,correct?"tanong ni Sir na nakapagpukaw ng atensyon ko.

"NO"sigaw ng aking mga kaklase.

No? Sabi ni Jerome 10 daw yun eh.Muli kong sinamaan ng tingin si Jerome na halatang nagpipigil rin ng tawa.

"What is the Perimeter of 5²? 10?"sabi ni Sir Einstein habang nakatitig sa akin.Napalunok akong muli ng laway habang kinakabahang tumitig kay Sir.

"Ilang beses ko nang tinuro ang lesson na ito.Paulit-ulit na.Ito na nga yung pinaka-basic na lesson natin,di mo pa magawang makuha Mr.Alejandro."
kunot noong sabi ni Sir sa akin.

Napayuko na lang ako nang may narinig akong nagbubulungan at nagtatawanan.

*Ring Ring*tunong ng bell na nagpapahiwatig na uwian na.

Mabilis na nagimpake ang aking mga kaklase upang makalabas na.Hinintay ko na lamang na maubos ang lahat ng tao sa loob ng aming silid bago lumabas.

"Wait..."sabi ni Sir sakin na nagpahinto ng aking paglalakad.Humarap ako sa kanya at lumapit.

"Ano po iyon Sir?"tanong ko sakanya.

"Tommorow we're going to have a special test and i don't want you to get 0 mark again.Don't let our section down."seryosong sabi ni Sir sakin.Tinapik nya muna ang aking braso bago tuluyang umalis.

Na-istatwa ako sa pagkatayo sa aking narinig."Am i a pest for them?"malungkot kong tanong sa aking sarili.

Zach's Memory:

"Mom...Mom wake up"hagulhol ko nang makita kong nakahiga sa sahig ng silid si Mommy na namumutla na.

"Im sorry for your lost"nakakabinging salita na aking narinig mula sa doktor na umisikaso kay Mommy.

Unti-unting nagsitulo ang mga maaalat kong luha mula sa aking mga mata.Hindi ko maipahiwatig ang nararamdaman ko ngayon.

Dahil sa sobra kong galit naisuntok ko ang pader ng hospital.

"Nakakainis.Bakit pa kasi nawala si Daddy.Kung nandito lang sya ay siguradong hindi magpapakamatay si Mommy."matamlay kong saad sa aking sarili habang nakatitig sa katawan ng wala nang buhay na si Mommy.

"Masaya pa naman kami noon ah...Sabay sabay kaming nagdidiwang ng Pasko...ng New Year at pati narin ng Birthday ko."mapait kong ngiti habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.

"Pero bakit? Bakit pa nila kinuha si Daddy? Bakit sa pang 7th na kaarawan ko pa?"ang tanong ko sa sarili ko na dahilan ng mas lalo pang nagpalakas ng hagulhol ko.

------*End of the Memory*____

My Lovely GirlfriendWhere stories live. Discover now