Letting Love Go

22 0 0
                                    

Pagkaalis ni Mitch...

Girl C: Marz! Nakita niyo ba iyon? Kinausap nung babaeng yun ang ating prince!

Girl A: Oo nga, at inabutan pa siya ng panyo! Ang suwerte niya naman!

Girl B: Nakakainggit naman siya....Mga Marz! May naisip ako...

Girl A: Ano? Kukuyugin natin yung babae para ‘wag na siya lumapit kay Prinsipe Ace?

Girl C: Magandang idea yan. Takutin natin siya at i-bully...

Girl B: Ano ba naman kayo, mga Marz! Napakabrutal niyo naman, parang di kayo babae...May naisip akong mas magandang idea...

Girl A & C: Ano yan, Marz?

Girl B: Dala niyo ba ang ating secret weapon #2?

Girl A & C: Oo...dala namin.

Girl B: Oh...ganito ang gagawin natin (Nag-form ng circle ang tatlo at nag-usap habang nagbubulungan...)

Girl B: Ok, mga Marz! Position! (Bawat isa ay humarap sa iba’t ibang painting ni Ace.)

Girl B: Now na! (Naglabas silang tatlo ng eye dropper at...)

Girl A, B, at C: Huhuhuhuhu.....(Humagulgol silang tatlo sa harap ng painting ni Ace)

Sa kabilang banda....

Raye: Ah, kuya guard, pakihatak po sa labas yung tatlong babaeng nagwawala sa loob...Salamat!

Guard: Ok, Sir.

***The End****

Mitch’s POV

                Nagulat ako ng marinig ako na pumunta pa sa school si John. Bakit kaya? Sobra ba siyang nalungkot na hindi ako nakapunta sa puntod ni Francis? Baka galit na sa akin iyon ah....

                Nagkita kami ni John sa may park malapit sa gallery. Hindi tulad ng inaasahan ko, kalmado lamang na nakaupo si John sa bench at ng makita niya ako, nginitian niya ako. Mukhang hindi naman siya galit, buti naman. Umupo ako sa tabi niya at nag-usap kami. Ako ang unang nagsalita, “Sorry, hindi ako nakapunta ng maaga...pero hahabol talaga ako. Bakit pumunta ka pa rito?”

“Hindi mo kailangang mag-sorry, Ate Mitch. Malaki na ang nagawa mo sa pamilya namin para tulungan kaming magpatuloy. Sa totoo, masaya ako  dahil unti-unti ka nang nakaka-move on...Noong kamamatay pa lang ni kuya, naramdaman ko na parang nawalan ka na rin ng buhay. Akala ko binabalak mong sundan si kuya.” tumingin siya sa akin at ngumiti.

Sinagot ko ang mga salitang iyon ni John habang nakatingin sa mga damo sa ilalim ng paa namin,“Wala akong karapatan para sundan siya...”

Inalis ni John ang tingin niya sa akin, tumingin sa malayo. Muli siyang nagsalita pagkatapos tumahimik ng matagal, Ate Mitch,pakawalan mo na si kuya. Iyon ang gusto kong sabihin sa iyo kaya pumunta ako dito. Sinabi ko sa sarili ko, sa oras na nagawa mong unahin ang ibang bagay bago siya, maari ko nang sabihin ito. Sorry kung natagalan, may pagka-selfish ako eh, ayaw kong mawalan ng maganda at mabait na ate...” Nakatingin siya sa mga mata ko habang sinasabi niya ito. Naramdaman kong seryoso siya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Matagal ko nang alam na iyon ang dapat kong gawin. Marami nang tao ang nagsabi sa akin nito. Pero hindi ko akalain na mas masakit pala kapag nanggaling sa taong pinakamalapit kay Francis at sa akin. Parang may karayom na tumutusok sa  aking lalamunan pero pinilit ko pa ring magsalita, Susubukan ko...”

“Huwag mong subukan, gawin mo.” Pagkatpos ay tumayo si John  “Paano Ate Mitch? Inaasahan kong magkakaroon na ng buhay ang mga mata mo sa susunod nating pagkikikita. Pupunta kami sa Amerika. Nalulungkot daw si Mama kapag andito siya eh, naaalala niya raw palagi si kuya.  Paalam!” Pagkatapos niya sabihin ito naglakad na siya papaalis.

Habang nakatingin sa likod niyang papalayo, tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. Ate Mitch, pakawalan mo na si kuya. Magagawa ko ba siyang pakawalan? Bakit napaka-makasarili niyo? Hindi ba pwedeng mahalin ko siya hanggang sa hindi ko na kaya? Hindi ba puwedeng siya na lang ang mahalin ko sa buong buhay ko? Tumulo na naman ang luha ko. Kailangan ko ba talaga siyang pakawalan?

Nang tuluyan ng hindi ko makita si John, tumayo ako sa aking kinauupuan at dumeretso na lang sa bahay. Nadaan ako sa labas ng bahay nila Francis. Saglit akong napahinto at napansin kong walang tao sa kanila. Marahil nasa libingan pa sila. Kailan kaya sila aalis papuntang Amerika? Hindi man lang sinabi sa akin ni John. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa bahay namin. At humiga sa kama.

 Nang araw na iyon, napaginipan ko si Francis, nasa parehong lugar kami kung saan nag-usap kami ni John. Sinabi niya sa akin, “Pakawalan mo na ako, Mitch...Pakiusap....” . Katulad din ng pag-uusap namin ni John, una siyang umalis habang ako ay nakatingin lang sa likod niya papalayo. Gusto ko siyang sundan pero hindi gumagalaw ang aking mga paa. Pinipigilan ng mga nakapalibot na halaman ang aking mga paa. Nang makaalis na siya, lumuwag ang pagkakaikot ng halaman sa aking mga paa at nagising ako sa aking pagkakatulog. Umiyak ako ng umiyak hangang sa hindi ko na kaya. Nakatulog akong muli dahil sa pagod pero hindi ko na muli napaginipan si Francis.

Because I don't know how to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon