Sa exhibit...
Girl A: Ohhh....Ganito pala ang itsura ng exhibit. Ang daming paintings! Nakakatuwa naman!
Girl B: Oi! Naiintindihan mo ba talaga yung meaning ng paintings na iyan? Wag ka nang magkunwaring pumunta dito para diyan! IIsa lang ang layunin natin..ang ma-capture ang ating prinsepe Ace!
Girl C:Mga Marz!Ano bang pinag-uusapan niyo diyan? Andun siya oh! Kasama yung mga kaibigan niyang guwapo rin! Hay...nagliliwanag ang buong exhibit dahil sa kanila.
Girl B: Marz, nagugutom ata ako...parang gusto kong kumain ng waffles.
Girl C: Kakakain lang natin ah! Nagugutom ka na naman.
Girl B: Ang wafu kasi ni Papa Ace eh!
Girl A & C: Corny mo, marz!
All: Tara, lapit pa tayo sa kanila...
Ace’s POV
“Ace, mukang successful ang exhibit natin ngayon ah! Daming taong dumating” biro ni Jep.
“Anong successful? Eh, karamihan ng mga pumupunta si Ace lang ang gustong makita. Hindi naman sila talagang tumitingin sa paintings,” sabat naman ng senior kong si Matthew.
Bigla akong napaisip, “Ilan kaya sa mga taong pumunta ngayon ang nakaka-appreciate talaga ng mga ginawa natin? 10? 5? 2?”
“Eh, kung wala?” pangbabarang sagot ni Raye. Kahit kailan talaga wala nang sinabing maganda si Raye.
“Paano ba ‘yan, Raye. Mukhang mali ka, pare. Tingnan niyo yung babaeng nakatayo sa harap ng painting ni Ace oh! Sobrang touched! Tumutulo pa ang luha.” Sabi ni Jep habang nakaturo sa direksyon ng painting kong Selfish Love.
Tinanong ako ni Kuya Matthew, “Ace, ‘di ba iyon yung nag-iisang painting mo na may kasamang tao?”
Parang wala akong narinig at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad papalapit sa babae. Sa mga oras na iyon, ang nakita kong larawan niya habang nakatingin sa painting ko, hindi ko iyon makakalimutan. Mula sa kanyang likod, para siyang isang baso na walang laman at kapag tinapik mo ay mahuhulog at mababasag. May pagkakapareho siya sa babaeng nakita ko noon sa ospital.
Lumapit ako at tumabi sa kanyang gilid. Lumingon ako sa kanya at nakita ang luha sa kanyang mga mata. Gusto kong punasan ang kanyang mga luha pero pinigilan ko ang sarili ko at inabot na lang ang aking panyo. At sinabi ko sa kanya na, “Miss? Ito oh. Punasan mo muna ang luha mo”
Tumingin siya sa akin ng may pagtataka. Kadalasan hindi ko gusto ang mukha ng isang babaeng umiiyak. Pero nang tumingin siya sa akin habang pumapatak ang kanyang luha, naisip ko na napakaganda niya. Pero nakakalungkot dahil taliwas sa kanyang luha na sumisigaw ng kanyang nararamdaman, malalim at walang buhay ang kanyang mga mata. Sinabi ko sa kanya na ako ang may gawa ng painting at tinanong ko siya, “Bakit ka umiiyak?”
Tinanggap niya ang aking panyo at pinunasan ang kanyang luha. Ngunit sa halip na sagutin ako, tinanong niya ako, “Bakit Selfish Love ang pinangalan mo dito?”
Ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit, “Maraming mga tao ang iniisip na lovers ang dalawang tao na nasa painting pero ang totoo, magkaibigan lang sila. Isa lang sa kanila ang nagmamahal. Ang isa, iba ang taong kanyang minamahal. Sa kanyang huling mga oras, kahit wala doon ang taong mahal niya, iyon pa rin ang kanyang nasa isip. Hinihintay niya pa rin ang babaeng hindi naman darating. Sa bandang huli, sumuko na lang siya at nawala na nang tuluyan. Ipinagkait ng lalaking iyon ang pagmamahal sa babaeng nasa tabi niya. Namatay siya ng hindi man lamang binibigyang pansin ang pagmamahal sa kanya ng babaeng nagbuhos ng panahon para sa kanya. Ang Selfish ng pag-ibig niya di ba? Kung ako sa kanya, susubukan kong mahalin ang taong mas nagmamahal sa akin.”
“Pero hindi iyon ang nakikita ko. Hindi selfish ang lalaking iyon. Sa halip, nagpapasalamat sa kanya ang babaeng nasa painting na pinayagan siyang mahalin at manatili sa tabi niya hanggang sa huling oras ng kanyang buhay. Ang babae ang makasariling nag-hohold on pa rin sa kanyang pagmamahal kahit alam niyang hindi ito masusuklian,” sagot niya sa akin.
Ngayong nasabi niya ito, naisip ko na may sense naman ang perception niya. Nasabi ko na lang na, “Marahil pareho silang hindi marunong magmahal.”
“Marahil...” sang-ayon niya sa akin.
Gusto ko pa sana siyang kausapin pero biglang sumabat ang kaibigan niyang nasa kabilang tabi, “Mitch! Andito si John ngayon. Gusto kang makita.”
“Sige.” Bago siya umalis, lumingon muna siya sa akin at nagpasalamat. Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad papaalis.
Pagkaalis niya, nakaukit pa rin ng malinaw sa aking mga mata ang itsura niya habang nakatayo sa painting ko. Natatakot akong mabura ang larawang iyon sa aking isipan. I’m afraid that the image will slowly slip through my hands. Umalis ako sa museum para pumunta sa aking studio. Doon, ipininta ko ang mahaba at umaalon niyang buhok, ang kanyang mga labi na nakabukas ng kaunti at ang kanyang mga mata na kumikinang dahil sa pinaghalong luha at liwanag ng ilaw sa exhibit. Tinawag ko ang painting na Brittle Glass dahil iyon ang first impression ko noong makita ko siya. Maraming pangyayari sa mundo ang minsan at bibihara lamang dumating at isa na ang nararamdaman kong ito sa mga iyon. Mitch, sana magkita tayo muli.
BINABASA MO ANG
Because I don't know how to love
Fiksi RemajaNamatay ang mahal na bestfriend ni Mitch. Nangako siya na hindi na siya magmamahal muli. Matupad kaya ito kung makilala niya ang idol ng school na si Ace?