The Unraveling

2.8K 109 57
                                    

AN: Warning: Medyo mahaba po ito. Pagbigyan n'yo na po ako since last chap na naman. Happy reading! =)

 

Ara's POV

"You?! Kayo ang mga magnanakaw?!" sabay naming bulalas ni Thomas sa Archers na halatang gulat na gulat nang buksan nila ang pinto.

"Ang gagaling n'yo pang magdrama na paubos na ang allowance n'yo kabibili ng briefs at igagapos n'yo sa rebulto ni St. La Salle ang magnanakaw, 'yun pala kayo ang mga magnanakaw! Kung kayo kaya ang igapos ko?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na sila. Sa ilang buwang paghihirap ko, 'yun pala prank lang ang lahat? Bakit nila nagawa sa 'kin 'to?

Binalingan ko si Thomas. "Alam mo ba ang plano ng mga 'to? Kasama ka rin sa panti-trip nila?" tanong ko sa kanya kahit halata rin sa mukha niya ang pagkagulat at pagkalito. Aba'y malay ko ba kung umaarte lang siya? Remember, artista ang nanay nito.

"No! Hindi n'ya alam ang tungkol dito," pagtatanggol agad ni Kuya Almond kay Thomas. "Kami lang ang nagplano nito para magka-love life na kayong dalawa. Effective naman 'di ba?"

Napabitaw tuloy ako sa kamay ni Thomas at inirapan silang lahat. Ano 'to? Dahil lang gusto nilang magpakakupido kaya nila naisipan ang ganito? Ang saya nila, ha?

"Nahiya tuloy ang Babe ko, Kuya." Kinuha naman ni Thomas ang kamay ko at hindi na hinayaang bitawan ulit 'yun kahit pa pinipiksi ko na ang kamay ko para mabitawan niya. Sa huli, ako rin ang sumuko at hinayaan na siya sa gusto niya dahil masyado siyang malakas. Isa pa, nakakaubos ng energy ang mga ganap.

"Dapat in-inform n'yo agad ako Kuya para hindi ko na iniipitan ng marami 'yung mga briefs ko," hirit pa ni Thomas.

"Tsk. Ang gagaling n'yo sa kalokohan. Isumbong ko kayo sa Spikers eh!"

"Actually, kakutsaba namin ang Spikers dito." Nanlaki lalo ang mga mata ko sa sinabi ni Prince.

"Mukhang napagtulungan tayo, Babe."

.

.

.

"Magpaliwanag kayo!" pagalit kong utos sa Spikers na sapilitan kong pinagising sa Archers na ngayon ay parang mga bangag na nakaupo sa sofa at sahig ng sala ng dorm ng Archers. Maging ang Archers ay natahimik din at pabulong na nagtuturuan sa likod ng Spikers. "Sino ang napakatalinong nilalang ang nakaisip ng kalokohang ito?"

"Sila!" Lalo lang nag-init ang ulo ko nang magturuan pa sila.

"Seryoso na, guys," mahinahong pakiusap naman ni Thomas na nakatayo sa tabi ko katapat ang Archers at Spikers. "Pabor sa 'kin ang ginawa n'yo but I don't like the fact that you've come to this extreme resort. Even the fans are getting involved which should not be the case in the first place."

"It's an accident lang kasi, bro..."

.

Jeron's POV

*Flashback*

Gym

"Ano'ng nangyari sa inyo? Para kayong mga nabagsakan ng langit at lupa d'yan." Sabay-sabay kaming (Archers) napalingon kay Mika at sa Spikers na naabutan kami na mga nakahiga sa court at pare-parehong ayaw magsibangon.

"Extreme training, girls! E-X-T-R-E-M-E." Napatango-tango na lang kaming Archers sa sagot ni Kuya Babes kay Mika.

"Ang hirap mabuhay sa mundo Lord! Bakit n'yo 'to ginagawa sa 'min. Ba – Aray!" Ang drama talaga ni Kuya Almond kahit kelan. 'Yan tuloy, nabato ng volleyball ng Spikers.

When Lost are FoundWhere stories live. Discover now