Freeze : You're Caught

2.3K 108 57
                                    

Thomas POV

Nagising ako sa malakas na sigawan ng Archers. Balak kong matulog ulit pero hindi na kinakaya ng ear drums ko ang ingay ng teammates ko. It's been a month pero hindi pa rin sila sanay na nawawala ang mga briefs namin every morning. Actually, nasumbong na namin 'to sa management ng dorm pero wala pa ring pagbabago. Feeling ko tuloy parang inside job ang nangyayari.

"Girls, 'wag n'yong isampay d'yan ang undies n'yo. Sa banyo na lang!" Narinig kong sigaw ni Kib na parang nagmumula sa rooftop.

"Puno na din ng undies ang banyo namin. Iipitan na lang namin ng marami."

Napabangon ako bigla pagkarinig ko ng boses ni Ara at napadiretso sa rooftop. Magkatabi lang ang dorm namin pero ngayon ko pa lang siya makikita sa rooftop.

Napansin ko sina Carol at Camille na nag-iipit ng undies nila sa hanger na maraming ipit pero agad ding natuon kay Ara ang atensyon ko. All black undies? Hindi naman pala panty briefs ang ginagamit n'ya, it's more of bikini panties. Good to know, babae pa rin pala ang Babe ko.

"Matunaw si Ara." Siniko ako ni Prince na halata sa mukha ang panunukso. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Babe, 'di ba may laundry area kayo? Bakit 'di na lang kayo doon magsampay?" sigaw ko pero 'di ako sinagot ni Ara.

"Deadma," bulong ni Prince na sinundan ng tawa ni Kib.

"Wala ka pala, Bro," dagdag pa ni Kib. Tss...

"It looks like you don't wear panty briefs naman pala." I shouted again to gain Ara's attention.

"Isa, Thomas! Lilipad 'tong planggana d'yan sa ulo mo." I smiled at her as she rained dagger looks on me.

"Ang aga-aga ang init na agad ng ulo mo, Babe. Good morning po!"

"Ayiee! Babe pala, ha? Bet!" tukso agad ni Carol. "Anyway, ako na ang sasagot sa tanong mo kay Arababes mo kanina. Ang baba ng bakod namin, eh. Mas prone na manakawan kami sa laundry area."

"Pero dito kami nasusungkitan ng briefs sa rooftop, eh. Well, I mean kahit saan namin ilagay, nawawala pa rin," sagot ni Kib.

"Weird," sambit ni Camille na medyo nag-cringe pa. "Hindi nakakatuwa kung prank lang 'to, ha."

"Hindi talaga." Ara seconded. Kitang-kita ko ang biglaang pamumutla n'ya kahit mga 30 meters away ang pagitan ng dorms namin.

"Don't you worry Babe, babantayan ko ang panties mo."

That's the last thing I remember before a flying basin hit my head.

.

.

.

.

.

Ara's POV

Ilang linggo na akong nahihirapan. Nai-stress na ako, hindi lang sa studies at training pero lalo na sa pag-iisip ng diskarte kung paano ipupuslit ang mga briefs na lagi kong nakikita sa locker ko papunta sa locker room ng Archers. Ilang beses na akong nagpalit ng kandado pero matinik talaga siya at laging nabubuksan ang locker ko. Bakit ba ako pa ang napili niyang pag-tripan?

Gustung-gusto ko na talaga siyang mahuli pero ang hirap. Random kasi siya kung maglagay ng briefs. Hindi ko mahulaan kung ano'ng araw n'ya maiisipang ilagay kaya nagugulat na lang ako 'pag meron at relieve naman 'pag wala.

Hindi na rin ako makatulog ng maayos kaya ang nangyayari, nagbababad ako sa library at doon natutulog. Hindi naman puro tulog lang ang ipinunta ko. Nag-aaral naman muna ako then advance study na rin sa mga lessons ko. Ginagawa ko na ring pampaantok ang pagbabasa sa mga modules ko para madali akong makatulog. Gaya ngayon. Nandito ako sa library at nagme-memorize ng formulas. It's quite a routine na rin at medyo nagtatampo na ang Bullies dahil hindi na ako masyadong nakakasama sa kanila. Hindi ko din naman masabi sa kanila ang problema ko kasi tingin ko mas malaki ang porsyento na pagbibintangan nila akong thief kesa ang maniwala sa 'kin dahil minsan na nila akong nakitaan ng brief sa drawer ko. Pero swear, hindi akin 'yun. Nakilagay lang si Kuya.

When Lost are FoundDonde viven las historias. Descúbrelo ahora