Prologue

58 3 1
                                    

Prologue

3rd Persona

“What ever happened find the kid he’ll be good in our hand” wika ng isang lalaking prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair.

“Yes Boss!!”  agad namang umalis ang kaniyang mga tauhan at ginawa ang nakatakdang gawin.

--

“Hahanapin ko ‘siya’! Wala na akong pakealam kong magagalit si dad! Ang importante ay hahanapin ko ‘siya’!” tila na papraning na wika ng isang dalaga.

“Kumalma ka nga muna, para sabihin ko sa’yo ngayon lang natin nalaman ang impomasyong tungkol dito, at ano sa tingin mo papayag akong hanapin siya ng ikaw lamang mag-isa nahihibang ka na ba ha?! Nandito ako huy! Gising handa akong tumulong sa paghahanap sa ‘kanya’”. hingal na pambubunganga ng kaniyang kasama.

“Ano pa nga ba… pero hindi ko siya mahahanap kung hindi ko alam ang mukha ‘niya’". napabuntong hininga naman ang dalaga sa kanyang naisabi. Tiningnan niya ang kaniyang kasama na mayroong ngiting aso sa mukha, at sa panahong iyon ay alam na nila ang gagawin.

--

“Sa tingin mo Boss, mahahnap natin siya? Parang imposible kase eh, kasi naman po diba di pa natin siya nakitang lu-” naputol ang sasabihin ng binata ng nakita niyang itinaas ng kaniyang Boss ang kamay nito.

“Relax M.A20, may tiwala ako sa mga tauhan ko kabilang ka na roon alam kong mahahanap natin siya.”  bakas sa mukha ang binata ang pagka surpresa siguro’y dahil alam ng kaniyang Boss ang kaniyang M.A number. Pero dahil sa sinabi ng kaniyang Boss ay huminahon na din siya.

“At alam ko kung sino ang unang makakakita sa kanya.” nangunot naman ang noo ng binata “Paano niyo po nalaman eh litrato nga po ng hahanapin ay di pa nakikita.” hindi maipinta ang mukha ng binata dahil sa pagtataka.

“Makitid ang utak ng batang iyon, maghahanap siya ng paraan magawa lang ang bagay na gusto niya.” nanlaki naman ang mata ni M.A20 “Si M.P po ba ang tinutukoy niyo? Akala ko po ba hindi niyo ipapaalam sa kanya.” napabuntong hininga naman ang kaniyang Boss at umiling. “Wala naman talaga akong planong ipaalam sa kanya pero, kung si M.P ang pag-uusapan malabong di niya malalman ang tungkol dito, kung malalaman man niya ay gagawin ko itong misyon niya at kaakibat ang ilan sa inyong M.A.”  “gagawin namin ang lahat Boss wag kang mag-alala mahahanap namin siya’t madadala rito, nawa’y malaman ni M.P ang tungkol dito, alam kong ikatutuwa niya at the same time ay ikakalungkot niya ang impormasyong ito”  Naisaisip na lamang ni M.A20 ang kanyang gustong sabihin.

--

“Nay, Tay nandito na po ako, may dala po ako galing sa school perfect po ako sa quiz namin” excited na wika ng batang nasa pitong taong gulang. Napakunot naman ang mukha nito nang walang sumagot sa kanya.

“Nanay!!, Tatay!! Andito na po ako!! May perfect ako sa quiz namin kanina.” Mahahalata talagang excited ang bata. Nagmadali pa itong tumakbo natungong kusina dahil doon naman tumatambay ang kanyang Nanay, ngunit wala siyang nadatnan. Pumunta naman ang bata sa kwarto nilang tatlo, ngunit sa ikalawang pagkakataon walang nadatnan ang bata.

“Ahh, baka nakikipaglaro sila ni Tatay sa akin ng TAGU-TAGUAN hahaha humanda kayo Nay mahahanap ko kayo hihihi”  kitang kita sa mata ng bata nag sabik na makita ang kanyang mga magulang, nilibot na niya ang bawat sulok ng bahay at hindi niya parin nakikita ang kanyang mga magulang.

“SA GARDEN” dahil sa pagmamadali ng bata ay natabog niya ang vase at natumba patungo sa kanilang Family Picture ,mas mabilis pa sa alas kwatrong bumalik ang bata sa kanayng pinanggalingan upang saluhin ang litrato, ngunit huli na ang lahat dahil di pa man ito naabot ng kanyang kamay ay malakas na pagkabasag ang narinig,

Alam ng bata na may kasalanan siya kaya mas minabuti niyang hanapin ang kanyang mga magulang- technically ay sa garden na kung saan ay doon nalang di niya pa napupuntahan sa kanilang bahay. Habang umiiyak ang bata ay mas pinili niyang hanapin ang magulang at magsabi sa kasalanang kanyang nagawa.

“a-ano yun bat parang mabaho?” agad na napatakip ng ilong ang bata dahil sa amoy. Sinundan niya ang amoy na nalalanghap kahit na sukang -suka na siya. Nagiging malabo ang paningin ng bata dahil sa kanyang luha at naging dahilan upang tanggalin niya ang kamay na nakatakip sa kangyang ilong, ‘sobrang baho’ sa isip ng bata, nang tanggalin na niya ang kamay sa pagkakakusot sa mata, sa halip na maging masaya dahil nakita na niya ang kanyang mga magulang- napalihud ang bata sa kanyang nasaksihan.

Duguang bangkay ng kanyang ina at ama. Nanay! Tatay! Bakit? Bakit may pula kayo sa damit? Ano po yan? Nagmadaling lumabas ang bata upang magtanong kung ano ang nagyari sa kanyang mga magulang.

“Ale, tulungan niyo po ako si Nanay at Tatay ko po nasa garden namin, maraming pulang tubig na nagkalat sa kanilang damit tulong naman po gisingin po natin sila please po.” nangunot naman ang noo ang ale “Diba ikaw yung ampon nila Taerese at Harold? Tsaka anong pulang tubig? Sa damit?” nanlaki naman ang mata ng ale ng mapagtanto ang nangyayari.

Agad na napatakbo ang ale sa loob ng bahay at naiwan ang batang babae na nakatulala. Ampon? Diba ang ibig sabihin non hindi tunay na anak yun ang sabi ng mga kaklase ko eh. Napaiyak naman ang batang babae sa kadahilanang ampon lamang siya. Hindi! Hindi ako ampon! Sabi ni nanay anak nila ako, kamukha ko pa nga sila ni Tatay eh.

“Bata! Pumasok ka rito!” napalingon ang batang babae sasigaw ng ale. Nagtataka kung bakit hindi mapakali ang ale. “Bakit po? Gising na po ba sila nanay at tatay? At tsaka bakit po may ambulansya?” “Wala ka bang ideya kung ano ang nagyari sa mga nag-ampon sa iyo?”

“Ale unang una po sa lahat hindi po ako ampon, pangalawa po wala po akong alam, ay meron po pala, nakikipaglaro sila sa akin.” agad naman siyang kinarga ng ale at dinala sa lugar na wala masyadong tao. “Makinig ka sa akin iha, itago mo ito, wag na wag mong ipapaalam sa iba na mayroon kang gantong bagay, kahit kabigan mo pa ito, ang importante ay wag na wag mong ipapaalam, nakuha mo ba? Si Taerese at Harold ay may pupuntahan at di ka nila pwede isama, kaya mayroon silang ipapahanap sa iyo habang wala sila.”

Kahit nagtataka ang bata ay tinanggap niya ang bagay na ibinigay ng ale. “Eh saan po sila pupunta bat hindi nila ako isasama? Tsaka ano pong ipapagawa nila?”

“Hanapin mo sila.”

--

“Oy boy! Yamanin ka ah asan nanay mo?” napatingin ang batang lalaking nasa pitong taong gulang sa tumawag sa kanya. “First of all, I’m not rich bacause the rich here my aunt. Second My mother is dead. Do you still have a question?” napatulala ang lalakaing tumawag sa kanya siguro ay dahil sa pagsalita nito ng ingles, marahang umiling ang lalaki at tinalikuran ang bata.

Nagpatuloy sa paglalakad ang bata ng biglang may tumakip sa kanyang bibig at biglan itong nawalan ng malay.

“Tara na, baka may makakita pa sa atin rito.” wika ng lalaking nakaitim. Napansin ng lalaking kumausap sa bata na nawalan ng malay ang bata, kaya kinompronta niya ito.

“Anong ginawa niyo kay boy, bakit nawalan ng malay, tatawag ako ng ambulansiya baka may sakit iyan.” dali-daling nagkalikot sa cellphone ang lalaki ngunit napatigil siya sa isang putok. “Mabuti ng walang makaka-alam nito kaya paalam sa’yo boy pakialamero.” at iniwan nila ang lalaking nakabilagta sa kalsada at sumakay sa mamahaling sasakyan.

-------







A/n note: So ayun tapos na ang aking boring na Prologue, wala akong masyadong naimention na character name except sa mama at papa ni baby girl. Sana ay suportahan niyo itong story na ito. Bagong manunulat lamang po ako kaya I can’t assure you na maganda ang kalabasan ng story na ito, but I’ll do my best to make this story better. As what I’ve said this is just a fiction story so kung ikaw ay isang ARMY at TAEKOOK shipper eh magdiwang ka na dahil isa tong TAEKOOK story with a twist. Feel free to VoMment ...... Vote and Comment.





This is your Miss.A- Dakilang Taekooker💜

Maffhiea QueenWhere stories live. Discover now