"Ayan na siya."
"Nakakatakot."
"Sayang naman, ang ganda pa naman nya."
"Shhh wag kang maingay baka marinig ka niya."
Ano ba naman yan, naririnig ko talaga kayo. Hay sarap sabihin sa kanila pero ayoko ng gulo kaya mas mabuting manahimik na lang.
Ako si Serenity. Ganda ng name ko noh, pag narinig mo parang ang sarap sa tenga pero kabaliktaran yan ng buhay ko.
Nagtataka ba kayo kung bakit ako pinagchichismisan nila? Eh ako lang naman kasi ang heiress sa kinatatakutang pamilyang gangster dito sa Hokkaido. Pero teka ha, hindi ako ung tipong parang gangster umasta na basagulero at mahilig mag-away. Malakas nga ako at medyo marunong ng mga fighting techniques pero hindi ko talaga gusto ang gulo. Akala siguro ng mga tao dito sa skul na ganun ako kaya walang nakikipag-usap at nakikipagkaibigan sa akin. Ung teachers naman, kinakausap nga ako pero kitang kita mo naman sa mga mukha nila ang takot. Kasi sa tuwing may attendance, parang nahihirapan silang tawagin ang pangalan ko, un bang ayaw nilang sabihin na katulad ng kay lord voldemort sa harry potter. haynaku.
Kapag kasi nasa buhay ka ng isang gangster, halos kinatatakutan ka na ng lahat ng tao. Ewan ko ba kung bakit ako nabuhay ng ganito. Okay lang sana sa akin ang mabuhay ng mahirap, ung kahit patis at toyo lang ang kinakain, kahit ung naghahalukay lang ng mga basura para may maitinda para magkapera, kahit tumira lang sa bahay na kasingliit ng cr nyo, okay na sa aken lahat nun basta wag lang sa buhay ko ngayon. Nakatira nga ako sa malaking bahay at nakakakain ng marami at masasarap na ulam, pero wala naman akong nagiging kaibigan sa labas ng bahay at sa skul dahil kinatatakutan nila ako. Mabuti pa ung kahit mahirap lang, marami naman kaibigan.
"Okay class dismiss na. Wag nyong kalimutan ang homeworks nyo." Sabi ng sensei namin.
"Opo sensei!" Sagot naman ng mga kaklase kong walang ginawa kundi ang pagchismisan ako.
Tapos na pala ang klase. Naku wala akong natutunan dahil sa kadedaydream ko dahil kasi sa kamalasan ko sa buhay. Makauwi na nga.
On the way home. May nakita akong mga lalaking nag-aaway. Dalawa laban sa dalawa. On the right corner, isang lalaking may panget na hairstyle na di madapuan ng langaw at isang kalbo. And on the left corner naman, isang lalaking naka eyeglass at isang may kagwapuhang lalaki. Sa tingin ko mga gangster din sila.
"Pano ba yan mga ugok, wala na ang walang kwentang niyong leader. Natakot na samin at umalis na. Iniwan na ang loser nyong gang. Amin na ang lugar nato!"
"Anong sinabi mo?!" Akmang susugurin ng lalaking medyo may kagwapuhan ang nagsalita pero napigilan siya ng kasama nya.
"Pare teka, wag mo na silang patulan." Sabi nung kasama niya.
"Bitawan mo nga ako, sobra na talaga sila."
Haynaku. Kainis naman dito pa sila nag-aaway sa daanan. Bahala na nga, makikidaan lang. Sanay na ako sa mga gulong ganito kaya di na ako natatakot parang normal nayan sa buhay ko. Kaya dumaan lang ako na parang wala lang, pero napansin pa rin ako ng lalaking may panget na hairstyle.
"Hoy miss, anong ginagawa mo dyan? Hindi mo ba nakikitang nag-aaway kami dito?! O baka gusto mong sumali sa gulo namin?"
"Ha? Nakikidaan lang po." Sira ulo ata to.
"Aba may gana ka pang sagutin ako!"
"Nagtatanong ka eh.." Ayy sira nga.
"Ikaw...!!" Susuntukin sana ako sa mukha eh nahawakan ko ung kamay nya. Sabi sa inyo eh, malakas ako.
BINABASA MO ANG
Don't Know Nothin 'Bout Love
RomanceDon't Know Nothin 'Bout Love A story of the gang princess following her dreams and falling in love. 。◕ ‿ ◕。