Lunes (Ang pasimula)

101 5 5
                                    

My FIRST ON GOING SERIES..PART 1 pa lang po ito. :)

Authors Note: This is a Melo-Dramatic Story :) hope magustuhan po nyo. :) tumatanggap po ako ng comments and suggestions :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang gabi na naman ang lumipas, at isang panibagong umaga ang sumalubong sakin habang nakatulala sa bintana at pinagmamasdan lamang ang kumukurap kurap na poste ng ilaw. Di ko padin makalimutan ang mga huling salitang narinig ko sa kanya. "Ayoko na!!! tapusin na natin to.!! HINDI NA KITA MAHAL!!" sariwa pa sa alaala ko ang huling sulyap nya bago sya sumakay ng kotse. Wala akong nagawa para pigilan sya, hindi ko man lang nasabi na MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA! WAG MO KONG IWAN!! 

Mag dadalawang buwan na. Pero wala pa din akong balita sa kanya. Hindi ko na alam ang dapat kong isipin o kung ano ba ang dapat kong gawin. Di na din sya pumapasok sa eskwela at kahit ang mga kaibigan at kaklase nya ay di din alam kung ano ng nangyari sa kanya. Litong lito na ko, Hirap na hirap at patuloy pa ding kinakain ng kalungkutan dulot ng kanyang pakiki pag hiwalay.

Steve Francis Ylano Gutierez Junior!!!! BUMABA KA NA DYAN AT HANDA NA ANG ALMUSAL MAHUHULI KA NA NAMAN SA KLASE MO!! hay nako si nanay talaga, alas-otso pa ang klase ko, pero minamadali na ko. Bumaba na lang ako ng kwarto para wala ng away, Baka kase isipin ng mga kapit bahay namin sinakop na naman ng mga HAPON ang Pilipinas sa lakas ng sigaw ni nanay. Hindi ka na naman nakatulog kakaisip sa kanya no? hindi ako sumagot sa pabirong tanong ni nanay,, teben (nickname ko nga pla )..  kalimutan mo na si Joyce! ang dame daming babae dyan! Gusto mo i reto kita sa anak ni Mareng Kenyang.? natawa lang ako nang nakita ko ng kumindat si nanay pag kasabi nyon. Nay, mas gugustuhin ko pang tumanda na lang na binata kesa makatuluyan ko un.!! at nag ka tinginan kami at natawa sa isa't-isa. O sya. pagkatapos mong kumain ay maligo kana. Ung uniporme mo naplantsa ko na. Bilis ang kilos at baka ma late ka.

Isang tipikal na araw sa eskwelan, magtuturo ang prof., makikinig, magsusulat, aantukin, maya-maya.. tpos na ang klase at lilipat ng room. ganun ulit, Maya maya break time na. Balik sa aral maya maya uwian na. Aayain ng barkada pero as usual di ako sasama. Pare, sumama kana kase, sayang naman tong pina reserve naming ticket para sayo. Minsan lang to. Tsaka wala ka nang gagastusin ako nang bahala sayo. Si Ryan (bestfriend ko since gradeschool). Kayo na lang, tinatamad ako, At tsaka madami pa kong tatapusin. Inakbayan ako ni Ryan at dinala sa isang sulok. Steve naman, wag ka nang kill joy dyan! una ung deadline ng mga projects natin next week pa yan. Kayang kaya mo yang tapusin ng isang gabi lang. Pangalawa ayaw mo ba nun. kahit papano marerelax yang isip mo?, Parang ilang oras lang. Pagkatapos nating manood pwede ka ng umuwi. Napakamot na lang ako ng ulo at sumama. Ewan ko ba bat di ko matanggihan tong unggoy na to.? Ano nga naman ba na paminsan-minsan ay maglibang ka.? Ung tipong tatakasan mo muna ang mundo at iiwan lahat ng problema mo.? Tsaka pag katapos ng linggo na to bugbog na kami sa school projects. reports, thesis, at kung ano ano pang bagay na may kinalaman sa eskwela.

Nasa entrance na kami ng Mall ng may isang pamilyar na boses ang sumagi sa tenga ko. Ok. i will call you,,day after tomorrow. Isang babaeng pormal na pormal  na may kasamang dalawang bodyguard.Palabas na sila ng mall,sinundan ko nang tingin. Para maka sigurado ako na hindi ako namamalik mata lang. hindi ako makapaniwala sa nakita ko.... Napakapit ako kay Ryan sabay sabing... Pare.!! ung babae,,,,Nagulat sya,, sabay tanong Anong meron sa babae.? Tumingin ako sa kanya ng may pag-kabigla sabay sabing........ Si Joyce! Pare si Joyce un!! Hindi ako pwedeng magkamali. Napa takbo ako,,Gusto kong isipin na panaginip lang lahat to.. Pero hindi talaga ako pwedeng magkamali..

Naaaninag ko pa ang babae pasakay sa kotse. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, napasigaw ako ng malakas. JOOOOOYYCCEE!!!!! Pero hindi lumingon ang babae. Napansin ko nalang na pinag titinginan na ko ng mga tao sa Carpark. Umandar ang kotse at akma ko itong hahabuling ng may sumunggab sa balikat ko. Steve! ano ba.? Baka naman kamukha lang.? Halika na bumalik na tayo sa loob. Gumagawa ka pa ng eksena dito. Sumunod pla si Ryan sakin. Hindi ako pwedeng magkamali si Joyce un! Sigurado ako.

Si Joyce man un o hinde. wala ka na nang magagawa. tanggapin mo na lang ang katotohanang "WALA NA SIYA"!!! ito ang mga katagang bumasag sa mundong kinatatayuan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko si Ryan. Tinitigan nya lang ako. Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep. Nakahiga ako sa kama ko, iniisip ang nangyari kanina. patuloy na umiikot sa isip ko ang mga salitang "Wala na siya"... Tinatanong ko ang saril,, kaya ko nga bang mabuhay sa isang mundo na WALA ang taong nag-papaikot nito.? Kaya ko ba talagang tanggapin na wala na siya.?

 -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

  Please kindly subscribe for Chapter 2 :)

Lunes (Pagbangon)

Lunes (Ang pasimula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon