Lunes chapter 3 (pagkikita)

31 1 0
                                    

Congratulations.!! nasa chapter 3 kana!  

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Nag mamadali ako papasok ng school, kelangan kong mahabol ung first subject ko.. pasahan kase ng term paper. 10 mins. nalang at 4 na milya pa ang lalakbayin ko. Gusto ko nang sigawan ung jeepney driver sa bagal magpatakbo. Steve, san kana pare.? dito na ko school, w8 kita sa canteen. Lalo akong na pressured, ilang sandali ang lumipas nasa gate na ko. Tumatakbo na ko papuntang canteen. Tagal mo naman.? bungad ni Ryan, hingal na hingal ako. umupo muna ako sa tabi nya. Naka tingin lang sya akin. Tumunog na ang bell, umalis kami ng canteen at pumunta sa klase namin. Gusto ko pa sanang mag pahinga, kaya lang hindi na pwede. Nasa building na kami ng bigla kong napansin na wala akong dalang folder. Shit! ung folder ko nakita mo ba.?  tanong ko kay Ryan, Anong folder.? wla ka namang dalang folder kanina ah.! nagtatakang sagot nya. Dahan dahan kong inisip ang mga nangyari kanina. At bigla kong naalala na, pinatong ko pala un sa ibabaw ng lamesa.Ry, badtrip! naiwan ko ung term paper ko! Hays, sobrang nagmamadali na kase ako e. Dismayadong dismayado ako noong oras na yon, Ano ba kaseng pinag gagagawa mo.? mukhang di ka pa natutulog ah,? tanong sakin ni Ryan, Tinatanong mo kung bakit di pa ko natutulog.? Eh kung tutuusin kasalanan mong lahat to eh! Medyo badtrip na talaga ako, Huh.? panong kasalanan ko.? nagtatakang tanong sakin ni Ryan.

Kung hindi ka nagyabang kay Nica, edi sana di nya ko inaalipin ngayon.! Di ako makatulog kagabi dahil sa skit ng katawan ko!

-(DALAWANG ARAW ANG NAKAKALIPAS)-

Isang txt message ang natanggap ko. 5pm sa gate. wait for me! Nica :p , Haixt,, seryoso ba sya.? tingin nya papa alipin ako ng isang linggo sa kanya dahil lang natalo nya ko sa dota.? Dumiretso na ako ng bahay, Naka tulog ako sa sobrang pagod ko sa maghapon. Ginising ako ni nanay, Teben! Teben! bumangon ka na dyan! may bisita ka, Medyo pupungas pungas pa ko, pero naiintindihan ko ang sinasabi ni nanay. bumama ako para tingnan kung sino, isang babae, may dalang chocolate cake, mahaba ang buhok, chubby at cute. Biglang nagising ang diwa ko ng ma realize ko na si Nica pala un. Hi baby.! kamusta na.? kanina pa kita tinitxt aa. akala ko ba susunduin mo ko.? Nagulat ako sa mga pangyayari, Nagka tinginan kami ni nanay, parehas kaming nagtataka, Naka ngiti lang si Nica samin. Girlfriend mo.? tanong ni nanay. hindi ko alam ang isasagot, nilapitan ni nanay si Nica, Pasok ka, naku baka nakalimutan lang ni teben na susunduin ka nya. upo ka muna, biglang bumaling ang tingin ni nanay sa akin. may "bago" ka na palang  girlfriend.? bat di mo man lang sinasabi sa akin.? pagkasabi ni nanay nun ay tumingin sya sa akin ng masama. Hindi ko alam ang sasabihin ko o kung anong magiging reaksyon ko. Hinila ko si Nica palabas ng bahay. Halika nga dito.! Anong sinabi mong girlfriend kita.? nagpapatawa kaba.? tanong ko sa kanya. Parusa mo yan.! hindi ka marunong tumupad sa usapan! inantay kita ng isang oras mahigit sa gate ng school namin.! di ka nagpakita.! At bakit? lugi ka pa.? chusi pa.? kapal mo! sagot nya, mag kalinawan nga tayo, ang usapan lang naman  e magiging utusan mo ko aa. Medyo umiinit na ang ulo ko kay Nica, Oo nga, e di ka marunong tumupad sa usapan e. kaya parusa mo yan! Naka tititigan kami. Pumasok nga kayo dito sa loob, bat dyan pa kayo nag-uusap sa labas.? napatingin kami parehas ni Nica kay nanay na naka tayo sa harap ng bahay namin. Si Steve po kase ee,pinapagalitan ako,, di daw po ako dapat pumunta dito sa inyo kase daw po magagalit kayo. sagot ni Nica kaya nanay. Ano.? bakit naman ako magagalit.? sa totoo nga nyan natutuwa ako ee. Ano nga palang pangalan mo iha.? napapakamot na lang ako ng ulo. Jennica  po, pero Nica po ang nickname ko. Masayang lumapit si nanay kay Nica dinala nya ito sa loob ng bahay. Mommy Esther na lang itawag mo sa akin. san ka nga pla nakatira.? sumunod ako sa kanilang dalawa. Umakyat ako ng kwarto. bumaba ulit ako para maligo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lunes (Ang pasimula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon