If your reading it, it means nagustuhan mo ung story o kinulit lang kita na basahin din to. Either way nagpapasalamat ako sayo ng marame. :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Malakas ang ulan at ang hangin, gising na ko pero ayoko ko pang bumangon, si Nanay ay nag-aabang sa balita ng t.v kung may pasok ba o wala. Pero bago pa i annonce kung meron nga, isang text mula kay Ryan ang natanggap ko. repa, may pasok daw ang college! papasok ka ba.? Pag ka basa ko ng txt ni Ryan ay biglang narinig ko ang malakas na sigaw ni Nanay. Teben!! may pasok daw ang college. Papasok ka ba.? Bumagon kana! Bat pa ba nila ko tinatanong e alam naman nila ang sagot. Pero tinanong ko ang sarili ko, kaya ko bang tumengga dito sa bahay.? Bumangon ako ng kama. At nag desisyon ako na gumala na lang. Malamang sa malamang e baha din naman ang mga kalye papunta sa school. tinext ko si Ryan. Ry, kita tayo sa kanto nyo. :) gala na lang tayo.! hindi na ko nag- antay ng reply nya. bumaba na ko at naligo.
Woi ang tagal mu nmn! andito n ko sa kanto nyo.! txt ko kay Ryan, mag iisang oras na kong nakatayo sa isang bukas na tindahan. Medyo humihina na ang ulan. Maya maya dumating na si Ryan. sensya na, medyo nakipag paliwanagan pa ko kay erpats ee. San ba tayo pupunta.? Napa isip ako sa tinanong nya. Ewan ko.? san ba maganda tumambay.? Ikaw tong maraming alam na lugar. nanahimik kami ng sandali. Alam ko na! dun tayo sa barkada ko, malapit lang un sa Greenhills, pwedeng pwede tayong tumambay dun! text ko lang kung andun sya sa bahay nya. Walang limang minuto, nasa jeep na kami papunta dun sa sinasabi nyang barkada nya. Hindi padin tumitigil ang ulan. Naalala ko na naman ung mga sandaling kapiling ko pa sya. Ung mga araw na kahit malakas ang ulan, ay susunduin ko padin sya, at sabay kaming papasok sa eskwela, kahit lagnatin ako sa pagligo sa ulan makita ko lang ang mga ngiti nya, ok na ko. Ramdam ko pa din ang sakit, pero hindi na tulad ng dati. Hindi ko alam kung nakalimutan ko na sya o nasanay na ko na wala sya. Tabi lang po!! pare dito na tayo, baba na! nagulat ako kay Ryan.
Naglalakad kami,nang may napansin akong kumakaway na babae sa di ka layuan, Ryan!! sigaw ng babae, Ry! tinatawag ka nung chicks, kilala mo ba yan.? tanong ko kay Ryan, Hindi ko kilala yan! kilalang kilala ko yan! sagot nya. Hinila ako ni Ryan papalapit sa babae, Jennica! kamusta.? long time ah, isang ngiti lang ang sinagot ni Jennica, napatingin sakin ung babae, napayuko lang ako sa hiya, ay, si Steve nga pla, Jennica si Steve, Steve si Jennica, nakipag kamay sakin si Jennica, Hi kuya! Nica na lang itawag mo sakin. bati nya sa akin, Bat nga pla sa kabilang kanto pa kayo dadaan Ry.? e mas malapit kaya dito.?!. Tumila na ang ulan nang makarating kami kila Jennica.
Mag isa lang si Jennica sa kanyang apartment, isa syang H.R.M. student sa isang kilalang University sa Maynila. teka lang Ry, bat ni minsan hindi mo na ikwento si Jennica sakin.? at paano kayo nagka kilala.? Nasa kusina si Nica at nasa sala naman kami. OO nga no.? pano kase pag tayo ang magkasama, puro tungkol sa computer games ang pinag-uusapan natin. Kung hindi naman computer games si JO... "Wag na wag mong mabanggit ang pangalan na yan. Tinitigan ko sya sa mata, pare. matagal na kong nag desisyon na burahin sya sa alaala ko, at alam mo yan. kya sana naman simula ngayon, Ayokong mag babangit ka ng tungkol sa kanya. Hindi naka kibo si Ryan, Alam nya at nararamdaman nya na seryoso ako sa sinasabi ko. ok, sige, sabe mo ee. sagot nya, Maya maya lumabas na si Nica sa kusina, may dalang merienda. Umupo sya sa harapan namin ni Ryan. Buti naman at natuloy na ang pag-punta mo dito Ry.? Tagal tagal na din nang huli kang pumunta dito. Naka tingin si Ryan sakin. Aba, pasalamat ka dito kay Steve, kung hindi yan nag aya na gumala kami malamang nasa bahay ako, nag dodota lang magdamag. Isang malakas na tawa ang sinagot ni Nica.hahahaha! Ry.. kahit buong taon ka pa mag dota hindi mo pa din ako matatalo. pang-asar nya. Wala ka pa Ry ee. tinatalo ka lang ng babae.Bsumingit ako sa usapan nila nang biglang..............napa tigil ako at napatingin kay Jennica. Marunong kang mag-dota.?! tanong ko sa kanya. Hhmmmm. Bakit kuya.? wala bang karapatang maglaro ang mga babae ng dota.? sinagot nya ko ng tanong din. Well, ang awkward lang naman hindi pa kasi ako na ka kita ng babaeng marunong mag-dota. kadalasan kase mga FB o Twitter lang ang alam ng mga girls pag nasa harap ng computer. Medyo nag-iba ang espresyon ng mukha nya. Gusto mo subukan natin.? 1v1.? race to 3, dyan ka sa desktop dun ako sa laptop ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. hindi ako magaling mag dota. pero alam ko naman na mas magaling ako kaysa kay Ryan. hay nako Nics.! alam mo ba na hindi lumalaban yan si Steve pag walang pusta.? Tsaka di ka mananalo dyan, pambato kaya yan sa school. Banned nga yan sa mga tournament sa mga computer shop samin ee. singgit ni Ryan. Tumayo si Nica, tumalikod samin, sabay sabing Yun naman pla ee.magaling ka pala.! Pusta.? ayoko naman na pera ang pag pustahan natin., ano kaya maganda.? hmmm.. sandaling nag-isip, pero kinakabahan ako sa iniisip nya. Ganito na lang, ang matatalo magiging utusan sa loob ng isang linggo. No holds bar. Ano kuya.? game.? Nabibigla ako sa mga pangyayari. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Pero naisip ko,, babae kalaban ko. napaka imposible naman na halimaw to maglaro. kumpiyansa ako sa sarili ko, at ano nga naman ba ang tatlong panalo.? GAME! race to 3.! 1 week na magiging utusan ang matatalo. Nag ka titigan pa kami ng sandali, binuksan ni Ryan ung computer sa tabi nya at nag-umpisa na ang laban.
Mag gagabi na ako naka uwi, si Ryan kase nagpahatid pa sa kanila.! Wala si nanay, mukhang andun na naman un sa kapitbahay nakikipag tsismisan. Umakyat ako ng kwarto ko. nagbihis, humiga sa kama. napa pikit ako ng sandali, at bigla ko naalala na may tatapusin pa pala akong report. Kaya kahit inaantok na ko, bumangon ako at binuksan ang computer, kinuha ang bag ko, at nag umpisa na ko sa pag reresearch. Nasa kalahati na ko ng editing. hindi ko napansin ang oras. Bigla akong naka ramdam ng gutom. hinanap ko ung cellphone ko para tingnan ang oras. alas dos pasado na. Bumaba ako para mag hanap ng makakain sa kusina. Binuksan ko ung ref, may nakita akong ilang slice ng cake at natirang juice. kinuha ko na at inakyat sa kwarto ko. Pag akyat ko nakita kong umiilaw ung cp ko. May nag txt sakin, number lang, nagataka ako kung sinong tao ang magttxt sakin ng ganitong oras.? Si Nica pla.! hi steve! Nica here! i hope di mo nakakalimutan ung deal natin? bukas na mag-uumpisa ang isang linggo mong parusa dahil sa pagkatalo mo.! bwahahahaha!! Sunduin mo ko bukas 5pm. may pupuntahan tayo wait mo ko sa gate ng school ko. :) Napa ngiti lang ako nang mabasa ko ung txt ni Nica. Hayss. bigla tuloy akong nag sisi sa pag payag ko sa pustahan na un.!? Magaling sya mag maglaro ng dota, higit na magaling kesa sakin. Atleast may pag kaka abalahan na ko sa mga susunod na mga araw. Maganda na rin un kesa patayin ko sarili ko sa kaka isip sa babaeng nang-iwan sakin. And after all one week lang naman e. Ano bang pwedeng mangyari sa one week na un.?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kindly subscribe for chapter 3 :)
Lunes (pagkikita)

BINABASA MO ANG
Lunes (Ang pasimula)
Teen FictionA melo-dramitc story. bout break-ups and how to move on :) im open with your suggestion :) hope u love it people :)