Prologue

25 2 0
                                    

Baby baka hindi ako makapunta sa dinner date natin sorry.... Nang mabasa ko ang text niya hindi na ko na-excite matapos ang klase ngayon.

Mr. Brenn Ivan Silvestre? pagtawag sa akin ng Professor namin sa kakaisip ko ng dahilan kung bakit hindi siya makakarating sa 5th Anniversary namin nakatulala na pala ako at kanina pa tinatawag ng Professor namin.

Present po Ms. sorry. sabe ko at nagpatuloy na siya sa pagtawag ng mga pangalan ng kaklase ko ito ang unang araw ko sa unibersidad na ito umipat kase kame ng mga tropa ko kung kelan nasa ikatlong taon na sa kolehiyo tsaka pa namin naisip lumipat ng school.

Brad mukang malalim nanaman iniisip mo ah? si Nico

Wala to brad naiinis lang ako hindi kase makakapunta si Shane sa dinner date namin. bulong ko sa kaniya nagsisimula na kase magturo ang Professor namin.

Bakit kaya brad? mukang madalang na siyang makipagkita sayo iba na yan baka may iba na? si Barron

Gago ka ron siguro hindi naman gwapo nitong kaibigan natin hindi naman siguro ipagpapalit si lover boy natin. si Chester nagpipigil pa ng tawa yung tatlong gago.

Pumasok ba siya brad sa kabilang building lang naman siya puntahan natin mamaya. suhestiyon ni Nico

Absent nic may pupuntahan daw hindi niya sinabe kung saan.

Ay iba na talaga pakiramdam ko diyan. pailing iling na sabe ni barron

Class pls quite sino bang maingay diyan?! sigaw ng Professor namin kaya tumahimik kameng apat.

Ginugulo lang nitong tatlo yung isip ko pero hindi pa din ako mapakali parang may tinatago sa akin si shane nagsimula to nung nagbakasyon bago magsimula ang klase parang ang dami niya laging excuses kapag aalis kame akala ko nga makakasama ko siya ngayong first day of school nag transfer kameng apat dito para araw araw ko siyang makita. Pareho nga kame ng Unibersidad na pinapasukan pero parang ang layo niya sa akin.

Nasa Cafeteria na kame at itong tatlong gago ay kung ano anong opinyon ang pinagsasasabe.

Tingin ko brad may something si shane bakit parang umiiwas siya sayo nag away ba kayo? si chester

Hindi ches wala kameng pinag awayan bigla na lang siya naging ganyan parang laging ang dame niyang excuses kapag aalis kame. sagot ko.

Seryoso kameng nag uusap pero ang iingay ng mga estudyante sa paligid.

Hala dito pala sila nag-enroll

Ang gwapo nila

Siya yung MVP sa school niyonung highschool diba?

Oo ang gwapo niya talaga

Tanga gwapo silang apat

Buti dito sila lumipat

Ang gwapo ng mga transferee

Mukang nakuha nanaman natin ang atensyon ng mga estudyante ah pota pagod na kong maging gwapo. si chester

Ulol mas gwapo ko sayo! si Nico

Manahimik kayo nandito Master niyo. si gagong barron natatawa ko sa bangayan nila kaya kahit papaano nakakalimutan ko yung problema ko kay shane kaya nakipagbiruan muna ko sa kanila.

Ehem! ehem!. nagkunwari akong na uubo para makuha ang atensyon nila tumingin silang tatlo sa akin. Di na lang ako magsasalita. natatawang sabe ko

Tang ina brad oo na mas lamang ka samin ng isang paligo. si ches

Gagi di kame nagkakalayo ni B.I. tingnan mo para kameng pinagbiyak na arinola. dinikit pa nito yung mukha niya sa mukha ko kaya tawang tawa kameng tatlo.

Tang ina mo talaga ron laugh trip sayo! Teka nga pala sasali ba tayo sa try out? alam niyo na ball is life. si chester

Sabe nung coach kahit wag na daw gustong gusto tayo makuha nun eh solid naman kase tayo talaga mag laro. si barron

Tara namiss ko na din maglaro basketball na lang tayo after class? apat lang naman subject natin ngayon. si Nico

Gaya nga ng napag usapan naglaro kame ng basketball sa subdivision nila Nico dito kame madalas tumambay medyo malapit kase sa school.

Matapos namin maglaro kinuha ko agad ang cellphone ko pero wala pa rin akong natatanggap na text mula sa girlfriend ko.

Baby ano ba kaseng nangyayare nababaliw na ko kakaisip hindi ko alam kung ok ba tayo o hindi wala naman kase akong matandaan na pinag awayan natin alam ko ok tayo eh. bulong ko sa isip ko habang nakatingin ako sa mga kaibigan kong nag aasaran buti na lang nandito sila kahit papaano ay nalilibang ako pero sumasagi pa rin siya sa isip ko.......

Hot & ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon