Chap. 1

7 0 0
                                    

"ma, alis na po ko" - sabi ko kay mama at humalik sa pisngi nya. binaling ko ang tingin ko kay kuya. nakasibangot nanaman sya.

"kuya,sasabay ka ba sakin?" - tanong ko kay kuya. pero bigla nalang syang tumayo pagtapos nyang kumain.

"hindi ako papasok" - sabi ni kuya at umakyat na papuntang kwarto.

"ge,ma alis na po ako" - muling pagpapaalam ko kay mama.

"ge. anak. magiingat ka" - bili  ni mama. nginitian ko lang sya.

pagbukas ko ng pinto.

"GOODMORNING!MANANG!" - bungad sakin nung unggoy este si Jake.

"oh bat' ka nandito?" - tanung ko ng may pagtataray. pag talaga sya kausap ko lumalabas ang mataray mood ko -_-

^___________^   - si Jake

-__________-     - ako

"woah. antaray mo naman. hindi ka naman maganda" - sabi nya at nambelat pa. tantado to ahh.

*poink

"aray! makabatok ka naman!. ganyan nanaman ang trato mo sa Hearttrobe ng Red Lion University!" - pagmamayabang nya. abaaaa.

"WALA. AKONG. PAKE!" - sigaw ko sa kanya. haaay naku pag sya talaga nakikita ko. umiinit andugo ko -_-

"oh talaga? EDI WOW! HAHAHA-- uy teka! intayin mo ko!etong nerd na to e!" - sabi nya. dahil iniwan ko syang parang timang na nagtatawa dun. bwiset.

"hoy! wag ka ngang magsuplada! hindi ka maganda!" - sigaw sakin nung Kumag na yun nung naabutan na ko.

"CHE!" - sigaw ko at naglakad na.

Malapit lang naman ang Red Lion University dito e. Yun nga pala yubg school na pinapasukan ko. 3rd year high school palang ako.

*bzzz *bzzz
         nagvibrate yung phone ko. mayrong text galing kay Jenna.

To Jenna;
       Bes. nasan ka na?. Punta ka na dito dali. Si Fafa Ken mo!

Mabilis pa sa alas dose. nagtatakbo na ako papunta sa school. Anu kayang nangyare kay Ken ko?. narinig ko na tinatawag ako ni Jake pero nagtuloy tuloy lang ako sa pagtakbo.

- SCHOOL -

pagpasok ko sa school. agad na bumungad sakin ang kumpulan ng mga studyante sa tapat palang ng school. narinig kong may naguusap.

"grabe. sila na ba talaga?" - girl 1

"oo nga. sobrang bagay sila" - girl 2

nangangati na yung dila ko!. dahil sa di ako makasingit. magtatanong na ko.

"miss. anung nangyare dito? sila ken ba yung pinagkakaguluhan?" - tanung ko dun sa dalawang nagchichikahan.

"Oo sila Ken at Abbie nga yun. I aanounce kasi nila na--" - naputol ang pagsasalata nung girl ng biglang may magsalita sa mic. sobrang lakas.

"Ken and I are Officially On!^--^" - sigaw ni Abbie sa Mic. at biglang hinalikan sa lips si Ken

nanghina ako bigla. parang may kumurot sa puso. nangingilid na yung luha ko. hindi na ata crush ang tingin ko kay Ken. Love na ata to.

tumakbo ako dahil hindi ko na napigilang umiyak. pumunta ko sa park.

- PARK -

"*sniff..3 years ko na syang crush e...*sniff...kung tutuusin di na ata crush to...*sniff - nagiiyak ako habang kinakausap ang sarili ko. tas nakaupo ako sa swing ng park. wala namang tao kasi nandun lahat pinagkakaguluhan yung crush ko at si Abbie :/

Crazy InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon