~2~

4 1 1
                                    

Amorette P.O.V

'ANG BANGO NAMAN! Sino kaya nagluluto?' Nag-stretch muna ako bago bumangon. "Hmm lambot ng kama"

Tumayo na ak-- TEKA?! KAMA?! Wala naman akong bisita na inimbita dito kahapon diba? Wala din akong pinagbigyan ng spare key ng bahay na to. Tsaka Diba sa s-sofa ako nakatulog kagabi?! Punyeta m-may a-aswang?! BAKA RAPIST! Tiningnan ko kung may panty pa 'ko. 'Omg thank God!'

"AYY" napatalon ako sa gulat ng marinig ko yung kalampag sa kusina. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at naghanap ng maiipanghampas pero wala akong nakita kaya bumalik ako sa kwarto. Habang hinihingal ako dahil sa kaba amoy ko pa din yung aroma ng mabangong luto.

NAKAKAGUTOM!

Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung kurtina. YUNG KURTINA! kinuha ko agad yung kurtina, yung sabitan, bakal to siguro naman makakatulog na sa hampas ko kung sino mang namasok rito!

Dahan-dahan akong nag-lakad palabas, walang ingay. Kinakabahan a-ako sa totoo lang. Hindi ko pa gusto mamatay huhu! Habang naglalakad ako papuntang kusina tumu-tulo na ang mga luha sa mata ko. "P-punyeta naman eh! Kabibili ko pa lang nitong bahay matetegibam na agad ako!" Bulong ko sa sarili ko.

Nang makarating ako sa kusina nakita ko ang bulto ng isang lalaking may kinakalikot sa kusina. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa nakatalikod na lalaki at itinaas ang sabitan ng bakal. R-ready na o-one, two t-three "HAAAAA" umirit ako ng ihahampas ko na sa kanya yung bakal kaya bigla syang lumingon kaya naagapan nya agad yung bakal. Nakita ko ang panlalaki ng mata nya at pag-taas ng kilay nya pero ipinikit ko ang mata ko sa takot. "BITAWAN MO! BITAWAN MOOOOO!" hindi ko matanto kung sumisigaw ako o umiirit. Pilit kong inaagaw sa kanya ang bakal pero ayaw nya bumitaw!

"Is that how you greet visitors?" Kalmadong wika nya "Nakakabingi"Umiiyak pa din ako habang unti-unting minumulat ang mga mata ko.

"Ang p-pogi" wala sa sariling wika ko habang nakatulala sa kanya. He smirked at inagaw sakin yung bakal na nakapag-pagising sa diwa ko. "SINO KA?!"

"Me?" Tinuro nya pa ang sarili nya habang nakataas ang kilay.

"May nakikita ka pa bang ibang tao dito?" Pamimilosopo ko sakanya. Unti-unting nawala ang kaba ko dahil sa hitsura nya.

"I'm Timotheo Adiel Del Mar" he introduced himself.

"Magnanakaw k-ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Mukha ba 'kong magnanakaw?"

"H-hindi"

"HAHAHAHAH" bigla syang tumawa kaya nagulat ako.

"B-baliw ka ba?!" Nagsimula akong umtras sa kanya.

"Mukha ba 'kong baliw?" Pinanlakihan niya ako ng mata kaya lalo akong natakot.

"PAPAAAA" umiiyak na sigaw ko habang tumatakbo pabalik sa kwarto. Pagkadating ko sa kwarto ko ay naglock agad ako ng pinto. I know ang iyakin ko, hindi nyo 'ko masisisi I'm a virgo.

"H-hey I-I was just joking! Open the door" rinig 'kong sabi nung baliw sa pinto.

"A-AYOKO! TATAWAG AKO NG PULIS!" Sigaw ko at narinig ko ang paghalakhak nya. BALIW NGA!

I started to dial my best friends number dahil hindi ko alam ang number ng police
Si Wada my best friend since grade 9.

"Oh bakit?" Kalmadong usal nya na parang ngumunguya pa, agang-aga kumakain na naman.

There I Met YouWhere stories live. Discover now