ANG SIMULA,
ANG PAGBUNGGUAN,
KUNG SAAN NAGSIMULA ANG
LAHATNagising ako dahil sa malakas na ingay na narinig ko, para akong mabibingi dahil doon. Agad akong bumangon, at napaupo dahil sa nangyaring iyon sakin.
A-Anong nangyari?
Agad kong naimulat ang mga mata ko, at sumalubong sakin ang purong puting mga gamit. Iilan Lang ang mga nakikita kong Ibang kulay.
N-nasaan ako?
Natigilan ako sandali, dahil parang may nawawala sakin, parang m-may kulang sa Akin. Ngunit Hindi ko malaman kung ano, ang nawawala sakin. Kung bagay ba ito, o Hindi ko alam. Basta, May nawawala sakin, na sobrang importante sa buhay ko...
Pero, teka nga...
S-Sino ba a-ako?
Hindi ko kilala ang sarili ko.
Ang Alam ko Lang nasa hospital ako.
Pero, Sino ako?
Tinaas ko ang mga kamay ko, at May nakita akong isang bracelet, para itong pinagawa mismo. M-May nakasulat...
Arilliana
Arilliana... napakagandang pangalan.
Pangalan ko ba ito?
Arilliana...
Natigilan ako dahil sumakit ang ulo ko at May naririnig akong boses, pero Malabo, ang daming boses akong naririnig. Sobrang sakit.
"Arilliana.."
"I love you..."
"Don't..."
"My liana.."
Arilliana, yun nga siguro ang pangalan ko. Dahil Yun Lang ang tumatak sa isip ko, at bigla na Lang nawala ang mga boses na aking naririnig.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong silid na ito. Napatigil ang mata ko sa, damit?
Agad akong tumayo, muntikan pa akong matumba kaya agad akong napahawak sa bed sheet ng kama, na siyang pinagsisihan ko dahil, Kumot pala yun kaya sa huli, bumagsak pa din ako.
O-ouch!
Agad akong tumayo na parang walang iniinda Kahit pa ang sakit.
Pagkakuha ko ng mga damit, agad akong dumiretso sa isang pintuan na napagalaman kong pintuan ng banyo. Pumasok ako at agad sinuot ang mga damit na nakita ko, isa itong White T-Shirt, at Isang Black Pants.PAGKALABAS ko nadiretso agad ang tingin ko sa isang susi? Susi ba ito ng pintuan? Nilapitan ko ito at, napagalaman kong susi pala ito ng kotse.
Hindi ko alam pero agad akong lumabas ng hindi nagpapahalata sa mga nagrorounds na mga nurse. Pagkarating ko sa parking lot, Kusang pinindot ng kamay ko ang button na kasama ng susing hawak ko. Sinundan ko ang tunog ng kotse, at nakita ko ang isang nakagandang sasakyan.
Isa ata itong sports car...
Ang kulay nito ay pula na mag tinted ng itim at gold.Agad ko itong binuksan. Kusa Lang ang katawan ko na parang sanay ako dito. Agad kong pinaandar at pinaharurot ang sasakyang ito.
Ang saya sa pakiramdam... hinimas ko ang manibela at napangiti ako. Siguro nga, gamit ko ito bago pa ako maaksidente. Pero May kulang pa rin,
Ang daming kulang akong nararamdaman...
At hahanapin ko ito.
PAGKARATING ko sa isang mall. Kusa Lang din ang mga kamay ko sa pagmamaneho at sa Pagpunta dito.
Pagkapark ko sa parking lot, agad akong lumabas. Pumasok ako sa mall at nginitian ako ng guard, tango at tipid na ngiti Lang ang isinukli ko dito.
Nagikot-ikot ako dito sa loob ng mall, habang pinapaikot ko sa aking kamay ang susi ng sasakyan ko. Hindi ako nakatingin sa harapan, dahil ang likot ng mata ko na parang nasisiyahan dahil nakapunta ako sa mall.
May nakita akong arcade, pupunta na sana ako ng may makabanggaan ako, sa sobrang lakas ng impact napaupo pa ako pati na rin ang nakabanggaan ko,
O-ouch!
Sakit ng noo ko, tumama at sa ulo ng nakabanggaan ko. Ang sakit! Naman oh.
Agad akong tumayo habang hinihimas ang noo ko. Tinignan ko ang nakabungguan ko at napagalaman kong lalaki ito. Tss.
"Bakit ka ba kasi tumatakbo?" Tanong ko habang hinihimas pa rin Ang noo ko. Ramdam ko ang bukol dito at Sigurado akong namumula ito na siyang kinainis ko, pero pinanatili ko pa rin ang kalmado kong postura pati na rin ang Pagtatanong ko. Kahit pa gusto ko nang sapakin ang lalaking nakatungo sa harapan ko.
Agad siyang tumingin sa Akin, pagkatapos kong magtanong. Natigilan pa nga siya, pero agad din nakahuma at tumikhim. Tss.
"S-sorry Miss, May hinahabol kasi ako e..." Malalim ang boses niya sa pagkakasabi non. Parang uminit, napakunot noo naman ako, dahil Ang lakas ng aircon. Mall ito e.
Tumango na Lang ako sa kanya dahil naiinis pa rin ako, at baka Hindi ko ito matantiya at masapak ko ito. Pagkalingon ko sa likod nito, ay nakita ko ang arcade. Kaya agad nagliwanag ang mga Mata ko, kaya mabilis akong lumakad.
"H-hey Wait Miss!"
Dahil sa pagkaexcite ang kanilang lakad ko ay naging pagtakbo na, Kahit tinatawag ako ng lalaking iyon. Hindi ko na iyong pinansin dahil masasapak ko na talaga iyon.
Agad sumaya ang pakiramdam ko pagkapasok ko pa Lang ng arcade.
Agad tumama ang paningin ko sa isang, parang sinusuntok at magkakaroon ng score? Agad akong napangisi at agad lumakad papunta doon.LET'S BEGIN!
Whoah! Nakakapagod! Madaming nanonood sa Akin dahil sa laki ng score ko. Nalaro ko na rin ang lahat ng laro dito sa arcade kaya't sobra talaga akong napagod.
Teka? May nakalimutan yata ako. Never mind. Naglaro pa ulit ako ng ilang oras, at malapit ng magsara ang mall Kahit maaga pa lamang. Siguro maggagabi pa Lang. Napagod ako ng sobra kaya't didiretso ulit ako ng Hospital dahil baka'y ako ay hinahanap doon.
Pagkapunta ko ng parking lot agad kong nahanap ang sasakyan ko Dahil tatlong sasakyan na lamang ang Nandito. Agad ko itong nilapitan, at kinapa ang susi sa bulsa ko. Pero...
WALA AKONG MAKAPA!
Kinakapkap ko pa lahat ng bulsa ko sa pantalon ko pero WALA.
Paano na ako uuwi nito?! Ayaw ko naman iwanan ang sasakyan ko! At Hindi ko alam ang daan papuntang Hospital! May app Lang naman akong nakita sa loob ng sasakyan kaya, nakapunta ako dito sa mall.
Anong gagawin ko?
Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang frustration na nararamdaman ko. Papansin naman...
Ganon ba talaga? Sa lahat ng SAYANG nararamdaman natin? Kapalit at kasunod naman agad ang KALUNGKUTAN?
Maglalakad na Lang siguro ako, hayst. Agad akong tumalikod sa sasakyan ko, at nagsimula ng maglakad, mabagal ang lakad na ginagawa ko na para bang tutol ito na umalis ako.
Pero,
"Miss, there I found you! Is this key car are yours?" Isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa aking paglalakad.
Nilingon ko ito, dahilan para matigilan ako.
"Oh hi there miss, kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala..."
TO BE CONTINUED...
A/N:
Yo there guys. HAPPY READING!
VOTE
COMMENT
SHARE
FOLLOW

BINABASA MO ANG
CRASH
RomanceMy First Romance Novel. CRASH Arilliana has an amnesia. She don't know herself, everything including her name, until she asked herself, What's my name? Like a serum flows through her veins, she hear someone voice that's not familiar with her, Arill...