Chapter II

7 0 0
                                    

[Gwyneth's POV]

Pagka labas ng library ay hindi padin maalis ang ngiti sa mga labi ko.

Hoy Babae anyare sayo't namumula ka? (tanong ni Bea).

Nakatingin siya sakin nung lumabas tayo tanga (kinikilig na sagot ko).

Tinignan lang namula na agad? Rupok kaibigan (saka niya ako tinapik sa likod at nanguna na sa paglalakad).

Panget saan ka pupunta! (sigaw ko).

Sa classroom lang naman pokpok (sigaw niya).

Siraulo to ah (bulong ko saka sumunod na sakanya papuntang classroom).

Ngunit pagdating ko doon ay naroon na pala ang Subject Teacher namin sa TLE, Kaya't kailangan kong gawin ang code para maka-pasok.

Good Morning Classmates... Good Morning Sir. I'm sorry, I'm late. May I come in? (nahihiyang sambit ko).

Yes you may (sagot ng mga kaklase ko).

Come in Miss Lei (sagot ng Subject Teacher namin na si Mr. Ramirez).

Thank you Classmates... Thank you Sir (saka ako pumasok sa room at umupo sa upuan ko).

Pokpok (tawag ni Bea sabay kalabit sa sakin).

Oh ano nanaman? (pabulong na sagot ko).

Bat ka nalate? Diba asa likod lang kita kanina? (tanong niya).

Dumaan pako sa Canteen (sagot ko).

Ano namang ginawa mo dun? (tanong niya).

Malamang kumain, ano pa bang ibang ginagawa sa canteen? Alangan namang dumumi ako dun no? Ginutom ako eh (sagot ko, sabay haplos sa tiyan ko).

Patay gutom (sagot niya).

Pake mo (pabulong na sagot ko).

Palusot kapa eh tinignan mo nanaman si Thirdy dun eh... (pang aasar niya).

Isa nadin yon (sagot ko).

Miss Lei and Miss Delfin what are you talking about? Can you share it to the whole class? (sita ni Mr. Ramirez).

Nothing Sir (sabay na sagot namin ni Bea).

Okay then, stop talking to each other.

Miss Delfin (tawag ni Sir kay Bea).

Yes Sir? (tugon naman ni Bea).

You go there (sabay turo ni Sir sa bakanteng upuan).

San po Sir? (tanong ni Bea).

Sa tabi ni Mister Aquino (sagot ni Sir).

Hindi kayo pwedeng mag tabi ni Miss. Lei sapagkat napaka-dadaldal niyong dalawa at mahiligkayong mag chismisan (aray ko naman ang harsh ni Sir).

Wala kayong matutunan at wala din akong maituturo dahil paniguradong mag sasaway lamang ako sainyong dalawa (dagdag pa ni Sir)

(Awts, Sir).

Mabigat man sa kalooban ni Bea ay binitbit niya ang gamit nito saka tumabi kay Carl.

Alam kong sa lahat ng mga kaklase namin ay ayaw na ayaw na makatabi ni Bea si Carl sapagkat may kili-kili power ito (putok) at sobrang asim daig pa kalamansi tuwing pinag-papawisan.

Tatawa-tawa ko naman itong pinagmasdan. Ng makaupo ito sa tabi ni Carl ay nginitian siya ni Carl sapagkat grade three pa lamang kami ay crush na ni Carl si Bea ngunit ayaw talaga ni Bea rito.

Naalala ko pa tuwing inaasar siya ng mga kaklase namin noon dito ay tinapon niya sa basurahan ang mga bag ng mga ito sapagkat ayaw na ayaw niya talaga kay Carl.

Mas lalo pa akong natawa ng buhatin niya ang upuan tsaka inilayo ang upuan sa tabi ni Carl.

Ng malingunan niya ako ay pinakyuhan niya ko ngunit tinawanan ko nalamang siya.

Ngunit minsan talaga'y hindi ko napipigilan ang tawa ko at napapalakas...

Miss Lei! (tawag ni Sir).

Sir? (sagot ko).

Bakit ka tumatawa riyan? May nakakatawa ba sa tinuturo ko? (seryosong tanong ni Sir).

Wala po Sir (sagot ko).

Isa pang tawag ko sa pangalan mo at palalabasin na kita sa klase ko naiintindihan mo ba?

Yes Sir (nahihiyang tugon ko).

Ng malingunan ko si Bea ay ganoon na lamang ang pag pipigil nito ng tawa. Ngunit ng mag hugis ako ng puso gamit ang mga kamay ko at itinapat sakanila ni Carl ay inambaan niya ako ng suntok.

Dinilatan ko nalamang ito tsaka nakinig na kay Sir at baka mapalayas pa ako sa klase ng wala sa oras.

Mahirap na...

Hate Me Or Love MeWhere stories live. Discover now