"Tara na, Eli!" Hinatak ako ni Yana papunta sa dancefloor. Tatlong taon na ako rito pero hindi pa rin talaga ako sanay sa clubbing kahit ilang beses na akong sinasama ni Yana kasama ang blockmates niya.
"Kuya Allen is in town!" Sigaw niya sa tenga ko. Muntik pa akong matapunan ng scotch na iniinom niya sa baso.
"Uminom ka nang marami at magpakalasing dahil magpapasundo ako sa kanya! It's your time to shine little girl!" She smiled widely. Kahit pigilan ko ang sarili ko, hindi ko ring matiis na ngumiti. My parents know it whenever I party with Yana and friends but they don't know that I do it dahil lang nagpapapansin ako sa Kuya ni Yana. I'm sorry, Mama at Papa. Hindi naman ako umiinom at sumasayaw sa lalaki. Gusto ko lang talaga makita si Allen.
Nagkakilala kami ni Yana dahil classmates kami sa isang minor subject. We became best friends and rented an apartment together. Nung dinala niya ako sa family reunion nila bago magsimula ang klase nung second year, doon ko unang nakita si Allen. Patanga-tanga ako noon at muntik na mahulog sa upuan kung hindi niya lang nasalo. Simula no'n, crush na crush ko na talaga siya. Dagdag pang graduate pala siya ng med school at napakabait. Ideal man na ideal man.
Huminto sa pagsasayaw si Yana at mabilis na umalis. Sinundan ko siya papuntang CR dahil alam kong sa dami ng nainom niya, yung iba roon lalabas sa bibig niya.
"Tangina, ang sakit ng lalamunan ko!" She shouted while vomiting.
Hawak-hawak ko ang kulot niyang buhok sa isang kamay at ang isa ay humahagod sa likod niya. Pagkatapos niyang sumuka ay umupo siya sa sahig at nagpunas ng bibig.
"Thank you, El. I love you!"
"I know. At kung mahal mo talaga ako, magpasundo ka na dahil masyadong marami ka nang nainom!"
She laughed maniacally. "Yeah. yeah! Sus! Gusto mo lang makita na agad si Kuya, eh."
Well, partly, yes but, "Hindi, Yana. Lasing na lasing ka na. Tara na."
She laughed again. I sighed heavily. Nakakatakot talaga samahan ang mga lasing. At yung boyfriend niyang magaling lang sa umpisa ay pinabayaan na siya rito dahil kasama naman daw ako. Gunggong!
Her cellphone rang at bago ko pa makita kung sino 'yon ay sinagot na niya.
"Hello, Kuya? What? Ay... Okay, okay. No, I'm not! Lalabas na nga, eh!" She answered in slurred words at padabog na pinatay ang tawag. Napagalitan nanaman siguro ni Allen. Hay! Calling him just Allen makes me feel giddy. I smiled at the thought.
"Labas na tayo, El. Nando'n na si Kuya."
Excited ko siyang tinulungan patayo. Kinakabahan ako na na-e-excite habang hinahawakan siya palabas ng club na 'yon. I pursed my lips to contain my smile while walking towards the parking space. Nang makita ko na ang pamilyar na puting Prado ay halos malagutan na ako nang hininga.
Pero paglabas ng nasa driver's seat ay halos manlumo ako.
Hindi 'yon si Allen.
It was the second eldest. And the car wasn't a Prado but a Honda Pilot. I sighed.
Binuksan niya ang pintuan sa back seat at tinulungan akong ipasok si Yana sa loob. A kind gesture for someone who has a wild feud with his younger sister.
Umupo ako sa tabi ni Yana sa backseat. Nang mag-start ang makina, umahon si Yana at umambang susuka. Napamura ang Kuya niya kaya mabilis kong nilabas ang tinatago kong plastic sa bra ko at binuksan 'yon para doon niya i-shoot lahat ng sama ng loob.
Sabay kaming napa-buntong-hininga ni Alex nang maagapan 'yon ng plastic bag.
"You seem prepared. Does this always happen?" Napatingin ako sa harap habang tinatali ang plastik.
BINABASA MO ANG
Where The Wind Blows
RomanceElaine Serrano is a typical student with the best grades and good talents. Sanay siya sa mga bagay na paulit-ulit. It seems as if her life is all a routine and planned out that even her future seems to have been settled already! But despite all of t...