0

15 0 0
                                    


Sinalubong ako ng malamig na hangin pagbaba ko sa eroplano bitbit ang nag-iisa kong maleta. May nakalatag na pulang alpombre at sa gilid nito ay mga tauhan ng resort.

Binati ako ng babaeng nakaberdeng uniporme bago ako sinabitan ng garland. Ang pinaghalong amoy ng halaman at dagat ay agad na sumakop sa ilong ko. Ang babaeng sumalubong sa akin kanina ay siya ring naghatid sa akin sa golf cart. My eyes roamed around the area and I mentally took pictures of it. Sa lawak ng resort ay kailangan naming mag-golf cart para makita ang ilang parte ng isla. Kahit hindi naman ang pagpapasyal ang tunay na sadya ko rito, nandito na rin naman ako, e 'di lulubusin ko na.

"This is the map of the whole island, ma'am." Inabot sa akin ng babae ang mapa at napatunayan kong sobrang lawak nga nito. No wonder it costed me a goddamn fortune!

Itinuro niya sa akin ang mga restaurant, garden, club house, at iba pang amenities bago ako ihatid sa aking casita. Ang malinis at malinaw na tubig ay sing-asul ng mga perang papel na ginastos ko para rito. Ang buhangin naman ay pino at masarap sa paa.

She handed me the keys before going. Gumayak ako sa aking casita at patuloy na namangha sa paligid. Everything looked so expensive! Pinasadahan ko ng daliri ang mga muwebles na walang kahit ano mang bahid ng alikabok. May nakaprepare na finger food at mga prutas sa mesa, kasama ang isang bote ng champagne at letter mula sa staff. Ang higaan ay pangdalawahan at kitang-kita ang view ng dagat na hinaharangan ng mga puno mula sa kinatatayuan ko. Iniwan ko ang maleta ko sa tabi ng higaan at nakalimutan ang malaking perang ginasta nang makita ang banyong singlaki ng dorm ko noon. Magkaharap ang mga gamit at kung titingnan mo sa sulok ay para nitong sinasalamin ang isa't isa. I think this is a default setting since couples mostly ang mga guests nila rito. I noticed the bubbly bath tub graced with red rose petals.

Masyado akong nahumaling sa casita at muntik ko nang makalimutan kung bakit ako nandito.

"Shit!" Agad kong kinuha ang cellphone ko ngunit nakapatay ito. Hindi ko pa natawagan si Yana. Mukhang wala pang signal dito sa isla. 

Mag-aalas syete na kaya halos madilim na ang kabuuan ng langit sa labas. Pwede ko naman ipatawag ang pagkain na dalhin dito sa casita pero nais ko ring makapamasyal habang nandito na ako. Nagdesisyon akong sa clubhouse na lang kumain, at baka sakaling makita ko rin siya. Though it is only half possible dahil maraming dining options dito.

Nang makarating sa clubhouse ay agad akong dinaluhan ng staff do'n para maka-order. Kadalasan ng nasa menu ay Western at Filipino food kaya hindi ako nahirapan sa pagpili. Sinuyod ko ang buong lugar mula sa kinauupuan ko. Lahat ay elegante at mukhang mamahalin. Iba ito sa mga fine-dining restaurant na nakainan ko. Umaangat ang repleksyon ng gintong ilaw sa mga muwebles at salamin. Sa gilid din nitong clubhouse ay may swimming pool ngunit walang tao. May kasama akong dalawang couple dito at ang isa'y mukhang malapit nang matapos kumain.

Habang kumakain ay iniisip ko kung nasa tamang huwisyo pa ba ako dahil sa ginagawa ko. Balak kong uminom na lang muna ng alak para kahit papaano'y magkaroon ako ng lakas ng loob sa gagawin kong katarantaduhan kapag nakita ko na nga siya. I spent thousands— no, hundreds of thousands, just to reprimand someone. Hundreds of thousands para lang ipaalam sa kanya ang hindi niya na dapat malaman.

Sakto namang naubos ko na ang pagkain ko nang may nakita akong magkasintahang pumasok. Pinagmasdan ko silang dalawang nagtatawanan at magkahawak ng kamay. Nang makita ko ang mukha nilang dalawa ay bigla akong inabot ng kaba. Halos magtago ako nang dumako ang paningin sa akin nung babae. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pasimpleng umalis doon nang hindi nila napapansin. Nasaan na ang tapang mo, Elaine?

Sinikop ko ang umaalon kong buhok habang nakaupo sa bar at umiinom ng alak. I missed the bittersweet taste of alcohol kahit na mortal ko itong kaaway. I need to do this fast nang sa gayo'y makapag-enjoy na lang bukas at umuwi nang mapayapa sa makalawa. Sasabihin ko lang sa kanya nang mabilis at aalis din ako at hindi na magpapakita sa kanya.

Where The Wind BlowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon