"Manong para ho!"
Hay nako, ang hirap talagang bumaba sa bus kapag tayuan tapos sa likod ka pa nakaupo. Lampas na ko. Ano ba 'to si manong, ang bingi. Konting andar pa ng bus eh yun, nakababa din. Grabeng siksikan yun ah.
Naglakad ako pabalik, kasi lumampas yung bus na sinakyan ko sa school ko.
Sobrang lapit ko na sa upuan ko. Paupo na ko... tapos napansin kong....
"SAMANTHAAAAAAAAAAAAAAA!"
Tumakbo ang kaibigan ko papalapit sakin. Nagulat lahat ng classmates ko nung marinig nila kong sumigaw.
"BAKIT FRIEND ANO NANGYARI?!" Tanong ni Sam, ang best friend kong sobrang OA.
"Yung cellphone ko nawawala!!!!!"
"Teka tatawagan ko baka macontact pa natin! Napakaburara mong babae ka!"
Tinawagan ng kaibigan ko yung phone ko. Sinubukan namin kung macocontact pa yung phone.
"Friend nagriring!" Sabi ni Samantha habang nakatingin sakin na parang nang-aasar pa yung dating.
"Konting ayos-mukha pa Samantha sasapakin ko na yang muka mo. Tawagan mo nalang. Dalian mooooo." Sagot ko naman sakanya.
"Hello?" sabi ng lalaki sa phone.
"Uy friend sinagot! Kausapin mo dali!!" Sigaw ni Sam sakin. Parang sya pa yung nawalan ng cellphone.
"Hoy Ikaw! Ibalik mo ang cellphone ko! Magnanakaw!!!" Galit na galit kong sinabi dun sa may hawak ng cellphone ko.
"Excuse me, miss. Ikaw ang nakaiwan ng phone mo. Napulot ko lang dito sa bus. You should be responsible of your things. Tapos ibibintang mo pang magnanakaw ako." Sagot ng lalaki sa phone na medyo galit pa ata.
"Wala akong time para makinig sa sermon mo, sir. Give me back my phone." Sagot ko naman. Medyo nagmamatapang pa ako kahit ako yung mali. Nakakahiya.
"You mean ako pa ang kailangan magdala ng phone mo sa'yo? If you want your phone back, then get it. I'll see you later, 7pm, Starbucks, ATC. Bye." Sagot ng napakahangin na lalaking nakakuha ng phone ko.
NAKAKAINIS. Sobrang gentleman nya ha! Kalalaking tao, ako pang babae pupunta sakanya!! Pasalamat sya at nasa kanya ang cellphone ko!
"Oh ano balita friend?" Tanong ni Sam na parang nang-iinis pa rin.
"Magkita daw kami sa Town mamaya. 7pm! Badtrip." Sagot ko naman sakanya sabay irap.
"Ay? May pag-irap ka girl? Ikaw na nga ang sosolian ng phone ikaw pa tong may ayaw! Sasamahan kita don't you worry! Pag pogi sakin nalang ha!" Sabi ni Sam habang nakangiti.
"Sayong sa'yo na! Ang yabang yabang kala mo kung sino. May pa-english english pa! Pweh!" Sagot ko kay Sam habang nakatingin sa malayo.
*5pm, dismissal time*
Sam: "Tara punta na tayo ATC! Excited na ko!"
Ako: "Ano ka ba, hindi pa nga natin alam kung matino ba yung kikitain natin eh. Isama mo nga si Joey para may lalaki naman tayong kasama!"
Maaga kaming pumunta sa ATC dahil 5pm ang uwian namin at wala naman kaming ibang mapupuntahan. Nagdinner na din kami tapos gala gala ng konti. 5 minutes before 7 nandun na kami sa Starbucks.
Sam: "Ano ba daw kasi itsura at soot nya? Sure ka ba sisipot yun?"
Ako: "Huhuntingin ko sya pag di sya sumipot! Dadating yun!!"
Nagintay kami ng 15 minutes sa loob ng Starbucks pero walang guy na dumating. Badtrip. Tuluyan na atang nakuha yung phone ko. Hay. Sabi ko na nga ba dapat hindi ko nalang nilabas yun sa bus eh.
Ako: "Tara na nga. Alis na tayo. Niloloko lang ata ako nung siraulong lalaki na yun eh."
Sam: "Sure ka na ba girl? Sayang blackberry friend!"
Ako: "Sayang blackberry o gusto mo lang talagang makita yung lalaki? Ang landi mo talaga. Tara na nga."
Naglalakad na kami palabas ng Starbucks nang may nakasalubong akong lalaking nakauniform at may hawak na phone na kamuka ng phone ko. Hinarang ko sya agad at kinausap.
Ako: "Excuse me. Is that my phone?"
Guy: "Ha? Do I know you?"
Ako: "Ay sorry."
Shit. Nakakahiya. Akala ko sya na yung imemeet ko. Muka kasing nagmamadali eh. Ano ba yan, umasa pa naman ako. :( Nagpatuloy kami sa paglalakad at nung binuksan ko na yung pinto palabas, may bumanggang lalaki sakin papasok.
"Yung phone!! Mag-ingat ka naman miss!" Sigaw nung lalaki nang mabagsak ko yung phone nya. Nagtinginan ang mga tao sakin sa Starbucks. Dinampot ko yung phone at nagulat ako nang makita kong phone ko yung hawak nya.
"Phone ko to!!" Sigaw ko naman. "Akala ko ba 7pm?! It's already 7:20! Sobrang yabang mo na nga, sobrang iresponsable mo pa!" Dagdag ko pa sa sobrang inis ko sakanya.
"Hirap maghanap paparkingan eh. Kasalanan ko pa ba yun? Thanks for returning the phone ha!" Sagot ng lalaki sakin na parang ako pa may kasalanan sa kanya.
"Sobrang thank you sa pagsoli ng phone ha?! HAPPY?" Sabay lakad ko palabas ng Starbucks.
Sayang, ang cute nya pa naman. Kaso ang yabang. Nakakaasar yung ugali. Akala mo kung sino. Kalalaking tao napakaarte! Nakakainis talaga! Pinahiya niya pa ko sa harap ng madaming tao! Binagsak nya pa phone ko! Binangga pa ko! Di manlang nagsorry! Ang kapal ng muka!
Sam: "Friend in fairness ang pogi nya ha! Kakilig!! Sayang hindi ko nahingi yung number!!"
Ako: "Mandiri ka nga Sam! Ang dami daming pwedeng magustuhan, yun pa!"
Wala kong ibang bukang bibig nung gabi yun kundi yung lalaking nakakuha ng phone ko. Naiinis talaga ko pag naiisip ko yung nangyari. Nako, pag nakita ko ulit yun, sasapakin ko na muka nun. Di lang talaga ko nakabawi eh. Badtrip. May pa-english english pa syang nalalaman, eh andito naman kami pareho sa Pilipinas! Hay nako! I HATE HIM!
BINABASA MO ANG
I'm in love with Mr. Conyo
RomanceWhat happens when the bungangera girl meets the conyo guy?