Hirap talaga pag coding yung car mo tapos ang layo ng school mo. Super hassle. Eto yung isa sa mga reasons why I hate Fridays. Inagahan ko talaga pasok ko para di ako nakatayo sa bus. Luckily, nakasakay na ko agad within 3 minutes. Sa likod ako napapwesto katabi ng girl na ang himbing ng tulog. High school din sya, schoolmates ata sila ng friend ko.. pareho uniform eh.
"Manong para ho!"
Biglang sumigaw yung girl. She's like a robot. Gusto ko na sana tumawa kaso makikita nya ko. Pagkadilat nya bigla nalang syang sumigaw. Nakakagulat ah. Haha. Lumipat ako sa seat na inupuan nya, tapos nung malapit na ko bumaba, may biglang nagvibrate. Yung phone nung girl!
"Hello?" Sinagot ko yung call. Baka hinahanap na kasi nya phone nya. Wala naman akong interest sa phone nya, anyway..
"Hoy ikaw! Ibalik mo ang cellphone ko! Magnanakaw!" What did she just call me? Magnanakaw? Nako, buti nalang may pinag-aralan ako kundi pinatulan ko na tong babaeng 'to.
"Excuse me, miss. Ikaw nakaiwan ng phone mo. Napulot ko lang dito sa bus. You should be responsible of your things. Tapos ibibintang mo pang magnanakaw ako." Darn it. Di ko na dapat sinagot yung call in the very first place.
"Wala akong time para makinig sa sermon mo, sir. Give me back my phone." This girl is unbelievable. Parang walang manners, ang ganda pa naman ng school nya.
"You mean ako pa kailangan magdala ng phone mo sa'yo? If you want your phone back, then get it. I'll see you later. 7pm, Starbucks ATC. Bye." Then nagcut na ko sa line. Darn it. Ba't ko ba sinabi yun?!
Ako pa gusto nyang magdala ng phone nya sakanya. Binadtrip ko lang sarili ko. Dapat hinayaan ko na phone nya dun. That girl..... -_- Kailanga ko pa tuloy syang imeet mamaya.
"Oh pare, ang aga aga nakasimangot ka na. What's wrong?" Tanong ni Andre, pagdating ko sa room.
"Nothing big, Andre. Nakaiwan kasi ng phone yung katabi ko sa bus, tapos I found her phone when I was about to leave the bus. Tapos nung sinagot ko yung call, she shouted at me. Magnanakaw daw ako dude."
"Nakahanap ka na ng katapat mo, Juls. Never kitang nakitang ganyan ka-BV dahil sa isang girl. So pano nya daw kukunin phone nya?" Sagot ni Andre. Medyo napaisip ako pero di ko na pinansin yung sinabi nya.
"Never mo kong nakita na ganito ka-BV because I haven't met someone na ganun kagrabe. Sya pa lang. Grabe sya. I'll meet her later. 7pm sa Town. Tara? Tapos dinner na din tayo dun after. Sama mo sila Jill."
"I'm game, dude. Chill ka lang."
7pm na, nasa school parin ako. May inasikaso pa kasi si Andre. Di bale, 10 mins away lang naman tong school sa Town.
"Tara na dude!" Sigaw ni Andre habang nag-iintay sa loob ng kotse nya. Buti nalang. Wala ako sa mood magcommute, init sa Pinas eh.
"Bilisan natin dude, baka naghihisterical na si Ms. Bungs dun. San sila Jill?" Sabi ko kay Andre sabay tawa.
"Wala eh. May lakad daw sila ni Chris. Anong Ms. Bungs?" Tanong naman ni Andre.
"Ms. Bungangera. *laughs* Later pare magegets mo na rin kung bakit ako ganito." Sagot ko naman. Napangiti nalang si Andre sabay konting iling.
7:15 kami dumating sa Town. Papasok na ako sa Starbucks then may bumangga sakin tapos nabagsak ko yung phone ni Ms. Bungs.
"Yung phone! Mag-ingat ka naman miss!!" Shit. Nasigawan ko tuloy yung girl. Ang clumsy kasi eh.
"Phone ko to! Akala ko ba 7pm?! It's already 7:20! Sobrang yabang mo na nga, sobrang iresponsable mo pa!" Si Ms. Bungs pala 'to. Ayan nanaman sya. Grabe talaga this girl. Sobrang ingay.
"Hirap maghanap ng mapaparkingan eh. Kasalanan ko pa ba yun? Thanks for returning the phone ha!" Di manlang magkusang magthanks tong babaeng to. Wala talagang manners!
"Sorang thank you sa pagsoli ng phone ha?! HAPPY?!" Wala syang utang na loob. Sya pa galit. Grabe.
Nakakahiya. Pareho pa kaming nakauniform. Magcoffee pa naman sana kami ni Andre kaso lahat ng tao nakatingin na samin, so we left Starbucks right after magwalkout ni Ms. Bungs. Hayyyy nako.
"Pare she's really cute. Pano ka nagsstay magalit sa ganung kacute na babae?" Sabi ni Andre habang naglalakad kami papuntang Bon Chon.
"Dre, panong di magagalit eh ganun yung ugali? Sobrang skandalosa." Sagot ko kay Andre.
Nakakabadtrip. First time kong mapahiya sa madaming tao. Dahil pa sa girl na hindi ko naman kilala. Sinigawan pa ko. Ako na nga nagsoli ng phone, ako pa may kasalanan. Naiinis parin ako pag naiisip ko yung nangyari. Pasalamat sya at babae sya. Hayyy... I hate her.
BINABASA MO ANG
I'm in love with Mr. Conyo
RomanceWhat happens when the bungangera girl meets the conyo guy?