Venice pov
"Macey anong gagawin ko?!" Naguguluhang tanong ko Kay Macey na kasalukuyan NASA kusina Ng apartment ko
"Yan Sabi ko sayo !malakas talaga chemistry nyo" nakangiting Sabi nito sa akin
"Anong chemistry ba Ang sinasabiban mo eh lagi lang Naman niya ako kinukulit?!" Naguguluhang tanong ko ulit dito
Kase sinabi ko na sa kaniya na nililigawan at nagugustuhan ko na si Alex ,itong Gaga Naman na ito eh pinag tatawanan lang ako.
Bwiset! Bakit sa lahat Ng lalaki sa buong Earth SA isang Melendez pa ako nag kagusto
"Hays! Alam mo Venice, Maganda ka, matalino, masipag pero Ang tanga mo?!" Sigaw pa ulit nito
"Bakit?! Lahat Naman nagiging tanga diba?!" Sagot ko sa kanya
Lahat nang nag mamahal ay nagiging tanga para sa mga taong Mahal nila
"Oo , lahat nagiging tanga pero yang sayo, iba Yan eh, kase tanga kana nga ,manhid ka pa!" Naiinis na sigaw nito sa akin
Para na siyang Nanay ko Kung makapag bilin at sermon sa akin, pero masaya ako dahil kahit ganyan siya ay totoo ito SA akin at ganon din Naman ako sa kaniya
"Hindi Naman sa pinapaasa Kita pero , Kung ako si Alex/Xander mag aaksaya ba ako Ng oras sa Coffeeshop mag hapon para guluhin Ang isang tao Kung Wala akong interes sayo!" Expalin pa nito
Oo nga Naman, sayang lang Ang oras Niya. Pero kase ayoko pa din maniwala , baka ako lang Naman kase Ang masasaktan sa huli.
Pero Wala Naman masama sa sumugal Hindi ba?
"Ang advice ko Lang sayo, wag Kang masydong umaasa SA mga kinikilos Niya at effort sayo baka kase kung may mangyari man ikaw Ang mawawalan at Hindi siya." Seryosong payo nito
"Sa tingin mo ba , kailangan ko siyang iwasan?!" Tanong ko pa ulit dito
"Gaga kaba?! Matapos mong payagang manligaw iwasan mo? Ighoghost mo ganon?!" Sagot nito sa akin