Kabanata 1

77 6 2
                                    


Kabanata 1: Our First day of High School

"Jane, samahan mo ako sa comfort room.Magwiwi ako" Bulong ko sa kaibigan ko'ng si Jane.Siya si Janezza Sandizon , Kaibigan ko simula no'ng nasa Grade School pa lang kami.

"Bakit kasi kaninang may oras pa ay hindi ka nagwiwi.Magbe-bell na oh" may halong inis n'yang sagot.

"Bilis na saglit lang naman 'to" pamimilit ko."Ililibre kita mamaya sa Recess , samahan mo lang ako" Tuluyan ko s'yang hinila ng tumango s'ya.

"Bilisan mo!" Sagot n'ya mula sa labasan .

Kinuha ko yung ballpen kong itim at pula sa bulsa ng palda at binasbasan ko na yung pinto ng cubicle na marami na rin'g nakasulat na kung ano-ano.Napabungisngis ako habang pinagmamasdan ko yung sinulat ko.

EC

❤ FOREVER

FY

Nagmadali ako'ng lumabas ng cubicle at naghugas ng nagring na yung bell.

"Ano ba'ng ginawa mo sa loob at nagtagal ka?"Tanong n'ya tumatakbo kami paunta sa aming room.

"Secret!" Sagot ko .Para ako'ng isang baliw na nangiti-ngit .Ilang beses na rin akong natatawag at napapagalitan sa araw na iyon.

My first day was happy and it became more happy when I saw Edward walking in my direction.

Hindi sila pinagkakaguluhan ngayon kasi uwian na at wala na gaanong estudyante.

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.Tatabi ba ako o tatakbo?

Si Edward Chang ang nasa gitna at si Kevin Tan naman ang nasa kanan at ang nasa kaliwa naman ay si Quain Tyford.

Hindi ko magalaw yung paa ko sa sobrang kilig at parang naugat na ito. Franchesca tumabi ka! Franz tabi! Mahi-Hit and run ka !

Napabuntong hininga at nagpawis ako ng malamig ng lagpasan nila ako.

"Ouch!" Leche Plan! Napa-upo ako at nagkalat yung mga librong binigay kanina sa sa sahig .

"Paharang-harang kasi!"Sigaw ni Kevin at hindi magkamayaw-mayaw sa pagtawa.Nakisama na rin si Quain sa kalokohan ni Kevin.

"Ang kapal ng taba mo sa mukha!" Balik ko'ng sigaw sa kanya.

Agad namang natigil ang kanilang paglalakad at hinarap ako.

Napahinto sila sa pagtawa at napa-ngisi samantalang si EC ay walang emosyon.Ghwad! Ang gwapo n'ya.

"Ok ka lang?" Tanong n'ya sa akin na naging dahilan upang magwala ang aking sistema.Shemimay! Ang lapit ng mukha n'ya.

Nanatili ako'ng tahimik at mas lalong piniling huwag na magsalita.

"Hey?" Nag-aalala n'yang tanong at hinawakan ang aking kamay.

Omyghad! Hinawakan n'ya yung kamay ko.Ipapa-scan ko 'tong palad ko mamaya para may memory.

Marahas ko'ng binawi yung kamay ko at tumayo mag-isa.

"Huwag mo ako'ng hawakan!" Sigaw ko sa kanya.

Gosh! Tama ba yung sinabi ko ? Baka maoffend s'ya.

Binigyan ko si Kevin ng masamang tingin at tumakbo pauwi.


"Kinikilig ako!"Hindi ko mapigilang tumili sa aking kwarto.Pinagmasdan ko yung kamay ko na ipina-scan ko kanina gaya ng sabi ko.

Para ako'ng baliw na nagpagulong-gulong sa aking kama habang yakap-yakap yung punda ng unan ko na halos mapunit na sa sobrang panggigil ko.Pinagmasdan ko ulit yung palad ko at hinalikan ito at natulog.


"Ang landi nito.Hoy! Grade 7 ka palang at 'yang crush na ang inaatupag mo.Aral-aral din hindi gaganda ang future mo d'yan." sabi n'ya at nagbasa ulit sa Wattpad.

Parang baliw s'ya habang nagbabasa. Tawa ng tawa , kilig na kilig at tili ng tili.

"Cohen Vawdyer!"Tili ulit n'ya.

"Shhh!" Suway sa kanya ng mga classmate ko.

"Sige, sino sa atin ngayon mas malandi? Kung makatili ka d'yan parang totoo naman 'yang Cohen Vawdyer, Cohen Vawdyer na 'yan" Inis ko bulongsa kanya.

"Shut the fuck up! Fiction are better than reality" Singhal n'ya at bumalik ulit sa pagbabasa.

"Guys! Guys! Alam n'yo ba ? Malamang hindi!" Pambabara ng President ng room namin sa sarili n'ya "Sige eto na talaga seryoso , Si Edward Chang , yung gwapo sa kabilang Section , nagwawala ..." pabitin pa hindi naman ikaka-unlad ng Pilipinas 'yan."Sinaktan daw kasi ng mahal n'ya yung damdam n'ya"

Five Years  of NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon