"Ayoko na! Sawang-sawa na ko! Etong buhay na ganito? Hindi ko to pinangarap! Ang sakit pala, ang sakit sakit. Di na, di na ko susubok pa." Yan! Iyan ang mga litanyang dumadaloy sa utak ko habang umiiyak ako palabas ng campus.
Yung UMASA ka na akala mo 'SYA NA!' yun pala HINDI. Yung tipong nagpakatino ka na, PARA LANG SA KANYA! tapos malalaman mo PAASA LANG pala sya.
Nakalabas na ko ng campus at patuloy parin sa paglalakad nang mapahinto ako dahil narinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Charlyn." sabi ng boses.
"Cha, please humarap ka naman oh! Usap tayo." sabi ulit nung boses.
Halaaa! Nananaginip na yata ako. Narinig ko ba naman syang magsabi ng 'PLEASE'. Coming from him? From that heartbreaker?
Nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Hayaan mo sya magmakaawa. Sinaktan nya ko! Sukat ba namang makipaghalikan dun sa haliparot nyang classmate at sa harap ko pa talaga.
"Chaaaaa!" sigaw nya.
Hala sige, DEDMA LANG! Wag pansinin! Diretso lang!
"Charlyn naman eh!" sabay hawak sa braso ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
Pinunasan ko ng konti yung luha ko at humarap sa kanya.
"Bakit ba?" medyo galit na tono kong sabi.
"Galit ka?" tanong nya.
"Hindi." tipid kong sagot.
"Galit ka eh! Wag ka na magalit." pout nya.
Luhhhh! Ang cuteee ~ Waaaah! Erase erase! Galit ka dapat okay? GALIT!
"Bitawan mo na ko, uuwi na ko."
"Hatid na kita." nakangiti nyang sabi.
"Ayoko."
"I insist." pagpupumilit nya.
"Ayo-" He suddenly kissed me. I was dumbfounded.
"Let's go?" nakangiti nyang sabi.
Nakatitig parin ako sa kanya. Ang bagal iproseso ng utak ko yung nangyari.
"Cha?"
"Y-you! YUCK! Matthew, kadiri ka. Nakipaghalikan ka dun sa haliparot mong kaklase tas ipinanghalik mo pa saken yang LABI MO! yang labi mong --"
"HAHAHAHAHAHA!" tawa nya ng pagkalakas lakas.
Tsk, makaalis na nga. I was about to turn around and walk away when he suddenly grabbed my hand and . . .
"I love you, Cha."
(Read. Vote. Comment. Love - - Author na Malandi)
BINABASA MO ANG
My Beautiful Nightmare (Short Story)
Short StoryEver dream of a perfect relationship? Me? Of course, Yes. Sa sobrang pag-iisip ko nga, napanaginipan ko pa to, at natandaan ng buong-buo. Ikukwento ko na ah?