After 3 years, araw na ng graduation ko, si Matthew kasi ahead ng 1 year saken kaya 1 year na syang nagtatrabaho sa isang Engineering Firm. Ako naman sa isang private school magtatrabaho since wala pa kong lisensya.
"Babes, congrats teacher ka na. I'm so proud of you." sabay kiss saken ni Matthew.
"Thank you babes." parang may mali sa kanya, ilang araw ko ng napapansin.
"Babes, may problema ba?" tanong nya.
"Ikaw dapat ang tinatanong ko ng ganyan, ilang araw ka ng parang matamlay. May dapat ba kong malaman?"
Napabuntong hininga sya bago nagsalita.
"Babes wag ngayon, I don't wanna ruin your day, your special day."
"So may dapat pala akong malaman. Don't tell me -- " napaiyak na ko.
"B-babes it's not what you're thinking."
"Eh ano ba kasi yun? Sabihin mo na kasi para di ako nag-iisip ng kung anu-ano"
"K-kasi ano, uhhh. A-alis ako, y-yun" buntong hininga ulit.
"Aalis ka lang pala eh. San ka ba pupunta? Samahan pa kita gusto mo?"
"Babes, pwede sa ibang araw nalang natin to pag-usapan?"
"Bakit? Pwede naman ngayon diba?"
"Kasi-"
"Dammit, just say it."
"Okay, wag ka ng magalit. Sasabihin ko na. In two weeks time, flight ko na papuntang Saudi. Inoffer-an kasi ako ng mataas na posisyon, tinanggap ko yun para . . . para . . . para sa future natin babes." hinawakan nya ang kamay ko.
Speechless lang ako at pinipilit iproseso ng utak ko yung mga sinabi nya.
"G-gaano ka katagal dun?" sa wakas ay nagawa ko ng magsalita.
"Five or six years, sorry di ko agad nasabi. Medyo busy ka na kasi nun dahil graduating ka, ayoko lang makaistorbo."
"It's okay. Now let's make our relationship clear." nakapagdecide na ko, ayokong maging sagabal sa pagtupad nya ng pangarap nya.
"What do you mean by that?"
Bumuntong hininga muna ako "I . . . I want to end our relationship."
"WHAT? B-babes, baka nabibigla ka lang."
"No Matthew, my decision is final. Pagkaalis mo ng bansa kalimutan mo na ko."
"No, please don't do this. No Cha, please wag." umiiyak nyang sabi.
"We need this. Ganito nalang, after 5 or 6 years kung mahal mo pa ko at mahal pa kita, dun . . . Dun, pwede nating ibalik ang lahat. By that time, mas matured na tayo, mas alam na natin ang gagawin. Mahal kita Matthew, that's why I'm doing this."
"Yan na ba talaga ang gusto mo?"
"Y-yes." pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang kamay nya at hinalikan ako for one last time.
~ ~ ~
"Wow naman Ma'am, ang ganda pala ng love story nyo." student 1.
"Oo nga po Ma'am, nakakakilig!" student 2.
"At nakakaiyak din." student 3.
"Nasa Saudi parin ba sya Ma'am?" student 1.
"It's been 5 years so i guess nandun parin sya, or baka nakauwi na dito." mahal pa kaya nya ko? kasi ako, oo mahal na mahal ko pa sya.
"Eh Ma'am, mahal nyo pa ba?" student 4.
"Oo naman, sya kasi ang greatest love ko." napangiti ako dahil dun.
"AYIEEEH!" sabay sabay na pang-aasar ng mga estudyante ko.
"Okay class, tahimik na." saway ko sa kanila.
"KYAHHH! Ma'am!" pagtitilian nila at nakatingin silang lahat sa may pintuan kaya naman lumingon ako at --
Di ko napigilan ang luha ko at tuluy-tuloy na umagos. Yung lalaking pinakamamahal ko, Yung lalaking akala ko hindi na babalik ay ngayo'y nakatayo sa may pintuan at nakangiti sakin.
Unti-unti syang lumapit saken, di ko na napansing nagtitilian parin yung mga estudyante ko. Masyado akong napatulala sa lalaking to.
"Hi." nakangiti nyang sabi.
"H-hi." pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang kamay nya.
"I still love you." t-teka tama ba narinig ko? Mahal nya pa ko?
"Ha?"
Ngumiti sya at hinalikan ako. Yun na ata ang isa sa mga pinakamasasayang alaala ko kasama sya.
~ ~ ~
"Babes, gising na." nakaramdam ako ng mga halik sa mukha ko hanggang napunta sa leeg at sa balikat.
"Mmmm, Matthew naman eh, inaantok pa ko."
"Bangon na Cha, may date tayo remember?"
"Hayys, eto na tatayo na." tumingin ako sa kanya at ngumiti "Ang ganda ng panaginip ko Babes."
"Ano ba yung napanaginipan mo?" tanong nya.
Ngumiti muna ko "You . . . You are my beautiful nightmare Babes."
"Pauso mo eh no?" tawa nya sabay halik ulit sakin.
(Read. Vote. Comment. Love - - Author na Malandi)
BINABASA MO ANG
My Beautiful Nightmare (Short Story)
Short StoryEver dream of a perfect relationship? Me? Of course, Yes. Sa sobrang pag-iisip ko nga, napanaginipan ko pa to, at natandaan ng buong-buo. Ikukwento ko na ah?