First day ko ngayon bilang isang freshman sa isang university na utak ang puhunan.
First of, I'm sort of a nerd plus I wear glasses. I don't wear dresses, I hate them actually, and those HEELS, those stiletto heels, ugh! It's killing meh!
Ako rin yung tipo ng taong di mahilig makisalamuha sa mga tao. Mayroon lang akong 2 bestfriend na kapatid na ang turing ko.
Tumingin ako saglit sa phone ko para tingnan ang oras since di ako mahilig magsuot ng relo.
One hour pa pala bago ang klase ko, hmmm makaupo nga muna. Naglabas ako ng isang notebook at ballpen. Nag-isip isip ako ng konti hanggang sa nakabuo ako ng istorya sa utak ko at isinulat.
Mga ilang minuto na kong nagsusulat nang may tumabi saken, di ko sya pinansin. Maya-maya pa napansin kong palapit sya ng palapit hanggang sa katabi ko na sya.
Teka, ang FC naman neto! Tumingin ako sa kanya with my Famous DEATH GLARE at packing tape lang, Sobrang GWAPO!
Tinaasan ko nalang sya ng kilay sabay balik sa pagsusulat. Huwag paapekto Cha, gwapo lang sya okay? Di mo naman weakness ang gwapo diba?
"Hi Miss."
Dedma lang, kunwari walang narinig.
"Miss, nagsusulat ka sa wattpad?"
Dedma lang ulit.
"Miss, pipi ka ba? Di ka marunong magsalita?"
Dedma lang! Wag titingin! Wag lalandi! Baka ma-inlove ka, Ded --
"Close tayo?" shete! di ko na napigilan ang kalandian ko! Sa lahat ng NERD, AKO ANG MALANDI. Haha, ganun talaga.
Ngumiti sya sabay abot ng kamay "Matthew nga pala."
Wait! Nakikipagkamay? Aabutin ko ba? Yes or yes? Omooo. Teka! Pakipot muna dapat ako ng very very light.
"KIER! Kier nasan ka? . . . Oh! Kier nandyan ka pala, tara na may practice pa tayo." sabi nung isang lalaki sa lalaking kaharap ko na nagpapakilalang Matthew, Ge!
"Sige sunod na ko." at umalis na yung lalaki. Tumingin ulit sya saken at "Kier Matthew Montecillo ang buong pangalan ko."
"Tinatanong ko ba?" pagtataray ko na naman, sorry ganyan talaga ako usually, lalo na pag crush ko kausap ko. Emeged! Crush ko na sya. Kyaah! ang landi ko talaga.
"Eto naman ang taray." kinuha nya ang kamay ko at nakipagshake hands. After a few seconds tumayo na sya.
"Nice meeting you Ms. Taray. Kitakits mamaya Charlyn." he was about to leave nang bigla syang lumingon "Uhh, I prefer to call you Cha, mas bagay sayo." he then smiled and continue his walk.
"Wait!" lumingon naman sya sabay ngumiti.
"Miss mo agad ako?"
"No. Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Secret." sabi nya sabay kindat tapos umalis. Naiwan tuloy akong napapaisip. Ayoko pa namang nag-iisip.
Fast forward tayo, uwian na. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko nang mapalingon ako sa pintuan dahil nagtitilian ang mga kaklase ko.
OMO! Si gwapong crush este si Matthew pala.
"Grabe girl, ang gwapo talaga ni Kier no?" classmate 1.
"Alam mo yan girl"
"Bakit kaya sya nandito?" classmate 3.
Naglakad na ko palabas at dinaanan ko lang sya.
"Ang taray talaga." sabi ni Matthew. Ako ba sinasabihan nya? Nako Cha, wag assumera hindi ikaw yun, LAKAD!
"Aba, isnabera din." sabi ulit ni Matthew. Ako ba yun? Hays Cha, napaka-ilusyonada mo talaga, hala sige UWE!
"Cha naman eh, pansinin mo naman ako oh! Nagmumukha na kong tanga dito eh!"
Halaaa! Ako nga yata? Cha daw eh! Ako yun!
Huminto ako sa paglalakad at lumingon. Nakita ko ang nakangiting pagmumukha nung Matthew na yun!
Tinaasan ko sya ng kilay. Napatawa naman sya ng kaunti at lumapit pa saken bago nagsalita.
"Hatid na kita, Cha."
"Ayaw, di kita kilala." mataray kong sabi.
"Kaya nga ihahatid kita sa inyo, para naman makapagkwentuhan tayo, para makilala mo ko, diba?" nakangiti parin sya.
"Still a NO!" at tinalikuran ko na sya at naglakad.
Akala ko titigil na sya pero yung loko nakabuntot saken. Arghh! Kinikilig ako, este naiinis pala.
Sumakay na ko ng jeep pati sya syempre at ang kupal, tumabi pa saken. Kumuha ako ng pangbayad, kaya lang inunahan ako. Mapipilitan tuloy akong mag-thank you.
"Thanks." tipid kong sabi.
"No prob, Ms. Taray." nakangiti parin sya. Shete naman oh! Kinikilig ako.
First day of School, First day of Friendship, First day of Love and Trust. Ayieeh! Teka pala may idadagdag ako, First day din sya ng jalandian ko!
Yun ang simula ng malalim naming pagkakaibigan at sana mauwi sa pagmamahalan na higit pa sa magkaibigan.
Sana sya na, sana di nya ko saktan, sana sana . . .
"I love you, Cha."
Shet naman oh! Totoo ba to? I love you daw?
"Simula pa nung nakita kita nung Entrance Exam, alam ko na sa sarili ko na gusto kita."
"Entrance Exam? Ulyanin ka na Matthew. First day of School kaya tayo unang nagki --"
"Siguro ikaw oo, pero ako hindi. Nung nakita kita, parang tumigil ang oras ko, napatulala ako sayo na first time mangyari. At alam mo ba, muntik ko ng basagin yung bungo nung ex mo dahil sa panloloko sayo."
"What? Pati sya kilala mo?"
"Tanda mo ba? Nung araw ng entrance exam, yun din ang araw ng laro ng basketball ng ex mo. Guest team namin sila"
"Ahhh." yun lang ang nasabi ko. Nabigla ako eh, never expected na ganun na nya ko katagal na kilala.
"So can i court you?"
"Ha? Parang ang bilis naman. 6 months palang tayong magkakilala eh." seryoso ba sya?
"Wag ka ng mag-inarte dyan, liligawan ka nga eh! Yung iba nga dyan ako pa yung nililigawan."
"Tss yabang, basted ka na." at nagwalk out ulit ako.
"I'll take that as a yes, tara date tayo." sabay akbay saken.
Di narin naman ako pumalag pa, ayan na eh! Magchu-choosy pa ba? Landi ko talaga.
(Read. Vote. Comment. Love - - Author na Malandi)
BINABASA MO ANG
My Beautiful Nightmare (Short Story)
Short StoryEver dream of a perfect relationship? Me? Of course, Yes. Sa sobrang pag-iisip ko nga, napanaginipan ko pa to, at natandaan ng buong-buo. Ikukwento ko na ah?