Jad 13

58 2 2
                                    

"Hala! bakit mo naman pinagsarhan 'yung nagdoorbell?", pag-uusisa ng mga kagroup e. 

E natakot nga ako. You know, that creepy moment when there's this familiar look guy na 'di mo talaga kilala (though my mind says 'i think i know him') e bigla kang kilala tinawag ka pang ZHY! e. Anyways.

"Oh? Anong meron?", biglang tanong ni RJ.

Ng walang sumagot nagsalita ulit s'ya.

"Parang may narinig akong nagdoorbell. Pinagbuksan n'yo na?" Dagdag tanong n'ya pa at tumango lang ako.

"Oh? e nasan s'ya?" tanong pa muli nito.

"Andon sa labas. Pinagsarhan din daw ni Zhy." Sagot naman ni Zed.

"Ganun? sige, balik na kayo dun. Ako na bahala tumingin kung sino 'yon", sabi pa nito at dumako na papunta sa may pintuan.

Maya't-maya pa, kasama na n'ya itong bumalik sa sala, kung saan kami naroroon.

"Guys.", pukaw n'ya sa aming atensyon.

Automatic namang napatigil ang mga kagroup ko'y tumingin sa kanyang direksyon, liban sa'kin.

Para yatang naging tahimik. They're all speechless, nakita ko rin na parang nagniningning ang mga mata ng mga kagroup kong babae.

"Guys, pinsan ko nga pala si Zenith." Pagpapakilala ni RJ sa pinsan nya.

Tumango-tango naman ang mga kagroup ko at binati ang Zenith na 'yun ng "hi!".

Psh! ang panget kaya ng Zenith! anu s'ya, gamot pang asthma? lol.

[>lol. peace po sa mga my name ng Zenith jan ^^v<].

"Takte Zhy! S'ya 'yung pinagsarhan mo ng pinto? How rude of you". Maarteng sita sakin ni Aki.

e natakot nga kasi ako diba?

"Zhy Sakura". Sabi naman bigla ni Zenith kaya napalingon kami sakanya.

Kita n'yo? este rinig n'yo?! Kilala talaga n'ya ako! Binanggit pa n'ya ng buo ang pangalan ko. Kulang nalang dagdagan pa n'ya ng RN sa dulo. hehe. Echos.

"Zen, akala ko ba... may naaalala ka na?" takang tanong naman sakan'ya ni RJ.

Umiling lang ito na parang nalilito rin.

May sasabihin pa yata ito, pero natigil ng biglang bumalibag ang pintuan.

"RJ!!", rinig pa naming sigaw ng taong bagong dating. Psh. Nawawala kuya? Makasigaw, wagas.

"Oh! There you are du--." natigil 'yung sasabihin nung bagong dating na cute tall guy at napatingin samin.

"Sorry, may mga bisita ka pala." paghinging paumanhin nito. At tsaka dumako ang paningin kay Zenith.

"Tol, kanina ka pa namin hinahanap. Nandito ka lang din pala." Sabi nya dito.

Walang sumagot sakanya.

Ang awkward lang.

Nauna namang nakabawi si RJ mula sa awkward situation at pinakilala si cute tall guy.

"Guys, isa ko pang pinsan. Si Ashton."

"Okay. ha-ha. Mukha atang nagpaparty kayo dito. Na-drop by lang ako para sana sa pool party sa malapit na resort dito. You know para sa pagkakapanalo mo ng case." Chill lang na anyaya nito.

"And Zenith, tutal mukhang kaya mo na ring lumabas sa lungga mo. Sumama ka na din. Don't stress yourself, sabi nga nila diba. Kusang babalik yan." Baling nito kay Zenith.

"Ciao guys!", kaway lang nitong nakatalikod. 

At ayun! umalis na s'ya.

"So, tara na?", anyaya ni RJ.

just a dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon