14

30 4 8
                                    

August 20, 2020

Palasyo ni Hudas
Group Chat

3:47 PM

Connie:

May chismis ako

Sasha:

Puro ka chismis, Connie

Pero ano 'yon?  👀

Connie:

Kasi kaninang mga 2 napadaan ako sa may building nina MC

Tapos may nakita akong Benildean na naligaw

Sasha:

TEKA

Bakit ka muna nasa labas ng 2? May klase ka non ah?

Connie:

Nagcutting ako pero sshhh lang kayo

Ayon nga, may naligaw na tiga-Benilde

Vester:

Si Alon?

Connie:

Yup! Lalapitan ko sana para itanong kung napagkamalan niya bang Benilde 'tong San Beda kaso 👀

Sasha:

Anooooo????

Danee:

Parang alam ko na kung ano next na nangyari.

Connie:

LUMAPIT ANG ATING BABY MC

Tapos HAHAHAHAHAHAHAHA nilapitan siya agad ni Alon kaso tumakbo si MC

Precht:

Tapos hinabol ni Alon?

Rogue:

Eh athlete si Alon... tapos ang iksi ng biyas ni Char...

Connie:

Wala pang isang minuto nahabol na ni Alon si MC syempre

Pero ang pinagtataka ko

Bakit kailangan yakapin mula sa likod nung nahuli niya 'yung isa? 👀

Sasha:

@Alonzo SAGOT BOI

Lips Of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon