that day.

11 1 0
                                    

January 20, 2015.

That day.

That night.

Sa isang gabi,nawala sa akin ang apat na pinakaiingatan ko sa buhay ko.

Si Angge. Bestfriend ko. Pakner in crime ko. Pero that day, unfortunately was the last day para tawagin ko syang best friend.

Hindi. Hindi naman talaga sya ang may kasalanan. As she was saying to me, karapatan nyang sabihin iyon. And thats that. She burn me. Alive. She left me. Torn me apart. That's cool. Di ko lang alam kung paano ulit kami magkakaayos. Maybe next month. Next year. Pero sana nga maiayos pa.

Pangalawa, si Mami Dafs. She is like a mother to me, to us all in MASP. Maalaga. Mapagmahal. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para magselos pero nangyari na. Nagselos na ako. Siguro nga masama ang magselos. Its not like i forgot to give my respect to her. Anyone can feel jelousy once in a while. But the hard part was that she give me the hardest pain ever. Lahat ng masasakit na salita nilunok ko na parang mainit na kanin. Sa harap ng mga bok at mga bisita nya tiniis ko lahat ng salitang patama sa kin. Ganun talaga akong may kasalanan e diba?

Pangatlo, si mariano. Well. Hindi man direktang narinig mula sa kanya na wala talaga akong kwenta sa buhay nya. Salamat at narinig ko na kay mami dafs... ang kagandahan sa lahat ng to. Ni hindi nya ko ipagtatanggol dahil hindi nya talaga ako kahit kelan nagustuhan. Truth hurts. Bute na lamang at inexcempted sya ni mami dafs sa lahat ng mga natanggap kong masasakit na salita. Ngayon alam ko na ang epekto nila sa akin. Masaklap dahil binigyan ko sila ng karapatan para masaktan at masira ako ng ganito.

Last. MASP. My ever dearest MASP. Kahit kelan di pumasok sa isip ko na aalis at lalayo ako sa MASP. How could I? Kung buhay, pawis at luha ang nilaan ko sa organisasyon na ito maliban pa sa oras at pera. Bakit pakiramdam ko isang domino ang buhay ko. Nawala ang isa at sunod sunod silang nawala. Sa akin. Sa buhay ko. Nawala sila dahil oo, tanga kasi ako. At heto nga yata ang kapalit ng katangahan ko.

That day. I felt so bad that i'm starting to feel nothing at all.

Panahon na lamang ang makakapagsabi. Panahon na lamang ang lilimot. Kailangan kong dumistansya. Hindi ako makakabangon kung paulit ulit kong ipipilit ang sarili ko sa kanila.

Durog na durog na puso ko. Kailangan ko munang magcharge. Patransplant kaya? Or kahit ipahinga muna.

Time heals every pain. Time. Aasahan kita.

#thatpain

left unspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon