that guy.

37 3 0
                                    

Kung dadating ang panahon na magkakaroon at papasok ako sa isang seryosong relasyon ay ibibigay ko na ang pinaka best ko. Yan ang sabi ko sa sarili ko noong maghiwalay kami ng huling bf ko.

Ang kaso'y etong natagpuan kong love interest ay wala yatang balak mag-commit. I mean, ayaw nya ng official relationship. Ang gusto nya lang, andito ako at andito siya. Mahal namin ang isa't isa pero no strings attached 'eka nga.

Pero. (Hingang malalim).

Diba? Nakakapagod yung gantong set up. Nakakasawa. At higit sa lahat nakakaburyong.

Oo, exclusive (daw) kami. Oo, mahal namin ang isa't isa, pero, walang limit. Walang boundaries. Walang rules. Ano to manghuhula ako ng limitasyon ng pagmamahalan namin? Lalangoy ako at magpapakalunod, saan? Sa pagmamahalan naming, kami lang ang nakalaalam. Dahil ayaw nga niya ng commitment. Meaning, dahil hindi naman kami, anong K ko para ipagkalat at ipagyabang sa iba na may lalaki sa buhay ko. Na may lalaking nagmamahal sa akin at minamahal ko. Diba? Para akong pinaglalakad sa dilim. Hindi nga nakapiring pero pinagsuot naman ng shades. Tipong,masaya kasi may shades ka pero lintik, di ka naman makakita nang maayos. Puro kapa.

Dati may nabasa ako, di ko na alam kung saan at kung nabasa ko nga ba talaga. Tungkol ito sa mga lalaking ayaw ng commitment. Sabi, ang mga lalaking ayaw sa commitment ay: a) di pa nakaka-move on sa past relationship nya. Which is, mga 40% duda ko na dahilan kung bakit ayaw nya nga mag commit sa akin. b) ayaw pang magseryoso/ mag-settle down sa isang babae. Hmmm... sounds terrible diba? Mga 20% to na duda ko sa kanya. Paano naman kasi, dating babaero at bolero yun. Pa-sweet. Pa-gentleman effect. Pa-pogi effect. Jusme diba? c) di ka talaga nya gusto at kaibigan lang ang turing nya. Well. Well. Well. Posible din ito. Mga 10%. Malay ko ba kung na-oover look ko lang pala ang lahat nang meron sa amin. Baka kaya sya sweet ay dahil pa-sweet din ako. Tipong pa-mutual lang.

Pero sa tuwing magkasama naman kami, pakiramdam ko, gusto naman nya ako. Minsan nga higit pa sa inaasahan ko.

Tapos, nakakagulat din minsan kapag bigla na lang niyang sasabihin na kapag mag-asawa na tayo or kapag asawa na kita, pakiramdam ko naman nakikita at sinasama nya ako sa future plans nya. Pero bakit ayaw nyang mag-commit? Bakit ayaw nyang ipagsigawan at ipagmalaki na mahal nya 'ko, kung totoong mahal nga nya ako. Hindi ko din alam ang kasagutan.

Kapaan na lang nang kapaan. Sana wag dumating sa pagkakataong ma-apakan nya ang paa ko at ako ang makatapak sa paa nya. Ayokong masira o matapos kami. Pero diba wala ngang kami. Ibig sabihin kung walang kami, complicated talaga ang status. At kung complicated ang status namin, di ko matukoy kung nag-umpisa na ba o mag-uumpisa pa lang? Asan nga ba ang starting line at ano ang magiging finish line nitong kwento namin? May kwento nga ba? Oo naman. Meron naman. Ang tanong nga lang, nasa parehong pahina ba kami ng libro o baka nasa magkalayo at magkaiba kaya hindi kami magkatagpo ng gusto?

#ML

left unspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon