KABANATA I

587 21 6
                                    

KABANATA I

Hindi ko mapigilan maging aligaga habang papalapit kami sa mansion ng mga Lacson. Ilang taon na ba mula ng huling bisita ko rito? dalawa o tatlong taon na ata. Noong huling bisita ko, 15 years old lang ako, ngayon 18 na ako, magiging 19 na in a couple of months. Nakakakaba kase alam kong malaki ang posibilidad na baka makita ko siya. Ilang taon ako nag tago at iniwasan siya kahit alam kong nasa iisang University kami.

"Bakit kanina mo pa iniikot iyang singsing mo sa daliri?" Tanong ni kuya habang siya ang nag d-drive habang ako, tambay sa passenger seat. "Hindi ka na aawayin noon, Malaki ka na, ilang taon na noong huling kasama mo siya," dagdag niya at ngumuso ako. Alam niya agad kung ano ang tumatakbo sa utak ko. "Pangako, kapag aawayin ka niya uuwi agad tayo."

Ngumiti ako knowing na hindi naman talaga kami uuwi, pinapagaan lang niya ang loob ko para hindi ako mag reklamo at magyaya na pumunta kay Lucille.

Pagdating namin sa bahay ng mga Lacson, agad kaming sinalubong ng matandang katulong nila. Agad niyang pinakuha ang dalang maliit na bag ni kuya kasi dito kami matutulog mamaya. Nasa Spain ngayon ang mga magulang namin at ayaw nila akong maiwan sa bahay kaya pinasama ako kay kuya. Wala namang kaso sa mga Lacson dahil hindi naman ito ang unang beses na bumisita kami. "Magandang umaga, manang Linda," bati ko sa matanda, ngumiti naman ito bilang sagot.

"Kay laki mo na hija, huling bisita mo rito ay napaka bata mo pa, ngayon ay dalagang dalaga na," hinawakan niya ako sa balikat at inalalayan papuntang sala kung saan kami binati ng magkakapatid na Lacson. Si Luke, Marc, Francis, Symeon at si Carl, lahat sila nakaupo sa sala at may kani-kanyang ginagawa. "Narito na po si Eurecia at Aljo"

Lumingon sa amin ang magkakapatid. Ngumiti ako ng mapait at hindi pinahalatang hindi ako kinakabahan na nakatingin rin sa akin si Carl. Akala ko kapag nagkita kami ng harapan hindi na titibok ng malakas ang puso ko, nariyan pa rin pala pero buti hindi na ako naiiyak. Dati kapag nakikita ko kung paano siya nandidiri sa presensya ko, gusto ko na lang umuwi o umalis, buti ngayon may improvement na. Proud ako sa'yo, Eurecia.

Lumapit si Luke at nag man to man hug kay kuya, ganoon din si Francis at Marc, kumaway naman si Symeon at tumango lang si Carl.

"Hala, dalaga na pala talaga si Eurecia, huling kita ko sa kanya laging naka bestida, ngayon dalaga na rin kung manamit," Komento ni Marc at sumang ayon naman si Luke at Francis. Panay lang ang ngiti ko upang hindi nila mahalata na gusto ko ng umuwi. "Hindi ba, Carl?" Lumingon si Luke kay Carl at naka ngisi, tumingin lang ito ng ilang segundo sa akin. Nawala ang ngiti ko, hindi ko mapigilang maging blanko ang expression dahil sa tingin niya.

Tumango lang ulit ito at bumalik sa cellphone niya. Wala paring pakialam ang expression niya pero wala na ang pandidiri sa mukha.

Nagdala ng merienda si Manang Linda pero uminom lang ako ng juice. "Paborito mo ang cookies noon, nag didiet ka?" inosenteng tanong ni Symeon sakin. Unti-unti na siyang nagiging binata, dati niyayaya pa niya akong maglaro, ngayon libro na ang hawak niya. I pat his head, "hindi na ako kumakain ng cookies ngayon, Sy," sagot ko.

Nag usap-usap silang magkaibigan habang ako nasa cellphone na ang atensyon, wala rin naman akong idea kung anong project ang pinag uusapan nila.

"Hija, naroon na sa dating kwarto na ginagamit mo ang bag mo, gusto mo bang umakyat at magpahinga?"

"Mamaya po, manang Linda," sagot ko at saka nag pa alam na pupunta muna ako sa garden. Tumango si Kuya at sinabihan akong mag ingat at lumayo sa pool. Umirap ako dahil pina alala niya naman sakin kung ilang beses akong nahulog sa pool dati kase I'm such a klutz.

Pag labas ko, umupo agad ako sa rattan egg chair at niyakap ang throw pillow habang nag s-scroll sa newsfeed ko. I was embracing peace ng naramdaman kong may umupo sa kabilang upuan sa harap ko. Tumingin ako saglit pero napatingin ako ulit ng ma realize kong si Carl ang nasa harap ko. What?

SAPANTAHA (MBS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon