Chapter 4

2 1 2
                                    

September 20,2019 8:40

"Dade, tara na hatid mo na ako!" Sigaw ko dahil kanina pa ako late sa usapan namin ng kaklase ko. Gagawa kasi kami ng project namin ngayon sa mapeh.

"San ba kita hahatid?" Tanong ni dade paglabas niya.

"Sa park malapit sa school" sagot ko at sumakay na sa motor.



MALAKALIPAS lang ang 10 minutes ay nakarating na ako sa park. Nakita ko ang mga kagrupo ko sa isang mesa dun kaya dumeretso nako dun.

Napatingin sa akin ang mga kaklase ko nung dumating ako.

"ABA, Buti dumating kapa jennica? Kala ko wala kanang balak eh" sabi ni luke na kagrupo ko.

Tumaas naman ang kilay ko at tumingin sa kanya

"Hoy, kung makapag bintang kadyan kala mo hindi ko alam na kararatig mo lang din" sabi ko sakanya. Sapakin ko kaya to

"Tama na yan at baka mag away pa kayo" awat samin ni shane

Umupo na ako at tumulong sakanila.

"Sinong may load pang-search?" Tanong ng leader namin

Nagtaas naman ako ng kamay.

"Okay, labas mona cellphone mo at search mo mga toh jen" utos niya

Sinunod konaman siya. Linabas ko ang phone ko at binuksan ang data. Tumonog ang messenger ko dahil may nagchat. Tinignan ko muna yun.

Nag-hi pala sakin yung Kristine nag reply naman ako ng hello sakanya at sinerch kona ang mga pinapasearch ng kaklase ko.

Makalipas lang ng limang minuto nachat ulit siya.

Kristine:
Hello, taga san ka?

Huh? Bat naman kaya nagtatanog toh?

Me:
Pampanga po,
Bakit po?, kayo po taga saan?

Kristine:
Ahh wala lang
Taga Zamboanga ako

Wow layo ahh
Me:
Ah okay po

Kristine:
Pwede bang makipag kaibigan?

Me:
Oo naman po.

"Hoy jennica!, ano nanaman ginagawa mo iseach mo nga toh" sumimangot naman ako kay Grace

"May rineplyan lang ako, masyado kang atat di mo panga natatapos sinusulat mo sabunutan kita dyan eh" sigaw ko sakanya

Inirapan naman niya ako. Arte ah sabunutan kaya kita.

Kristine:
Kilala mo ba si Steven?

It's smell something fishy here hehe.

Me:
Opo, bakit?

Kristine:
Wala lang, ano mo siya?

Taena, ano kayang gusto nito huhu

Me:
Kaibigan po, bakit po ba?

Gigil mo na ako ghorl hah.

Kristine:
Bakit masama ba magtanong?
San mo siya nakilala?

Yung totoo? Interview ba toh? Sabihin nya lang pasa ko bio data ko.

Me:
Hindi naman.
Sa omegle po.

Kristine:
Ahh okay

Me:
Oks

"Oy jennica, sasama ka ba samin? Bili kami ng buko!" Aya nila nikka

"Wait sama ako!" Sabi ko at tumayo na

"Jennica, Iwan mo muna yung cellphone mo gagamitin pa namin!" sabi ni shane

Binigay konaman sakanya yung phone ko at sumama na kari nikka.

"Magkano bibilhin mo niks?" tanong ni Kyle

"10 para marami" sagot naman ni niks

"Bibili lang tayo ng buko dami pa natin" sabi ko sakanila

"The more the merrier" sabat ni Merriel

Nakarating na kami sa nagtitinda ng buko. Bumili nakami at agad din na bumalik.

Pagbalik naman namin nagkakagulo yung mga kagrupo ko sa phone ko. Ano kayang nakita ng mga ugok natoh hmm..

"Hoy! Kayo anong ginagawa niyo sa phone ko!" Sigaw ko sakanila. Humarap naman sakin si James, Luke, pati si Grace.

"Jennica, Si James binigay number mo dun sa kachat mo na kristine tumawag tuloy!" Sumbong ni Grace

"Hah?! BAT MO BINIGAY!!" Sigaw ko kay James

"Tinanong nya eh! Kaya hinanap ko sa contacts yung number mo buti nalang iphone nasa una number mo" sagot sakin ni james. Sarap sampalin ng isang toh

Inagaw kona sakanila phone ko.

"Anong sinabi sa inyo?!" Tanong ko

"Tinatanong yung Steven bayun? Tas tinatanong din kung taga san ka pati kung saan kayo nagkakilala nung Steven. Kung kaano ano mo daw yun." Sagot ni Luke sakin.

Aba sinagot konaman yung mga taong nayun kanina. Ulit ulit unlimeted ka ghorl?!.

Nag-airplane mode muna ako para di makatawag ulit yun at inaya na silang pumasok sa school.

Online loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon