Tina's POV
Hindi ko alam. Pero sa tuwing nakikita ko siya, gusto kong lagi ko siyang kasama. Hindi kami nag-aaway sa totoo lang, actually close kaming dalawa. Naging crush ko siya noon pero nung nangyari yun, mas ... lalo lang siyang lumayo sakin.. nasaktan ako ng sobra nun. Hindi ko alam. Pero heto na naman ako, naguguluhan sa sarili ko... gusto ko palagi ko siyang katabi at kausap, pero ALAM KONG IMPOSIBLE. Kasi hindi niya ko magugustuhan tulad ng pagkagusto ko sa kanya. Mas gusto niya yung magagandang babae.. Hindi katulad ko.
Masakit? Hindi ko alam kung nasasaktan na ba ko o hindi. Hindi ko alam kung gusto ko na ba siya o hindi. Kasi alam ko kahit kailan hindi mangyayari na lilingunin niya ko at sasabihin niya na gusto niya ko. Kahit kailan hindi niya ko magugustuhan. Kaya lalayo na lang ako, kahit kaibigan lang okay na. Siguro nga masakit, siguro nga hindi ko alam kung ano ng nararamdaman ko ngayon. Wala na akong pakelam sa nararamdaman ko. Kasi alam ko hindi naman niya mapapansin yun e. Lahat ng nararamdaman kong to ngayon, balewala sa kanya dahil KAIBIGAN niya lang ako.
Sana pagkatapos kong umiyak ngayong gabi, sana.. sana.. makaramdam man lang siya na may taong gusto siyang mapasaya ng sobra kahit huli na ang lahat. Kasi sa tuwing papansinin niya ang nararamdaman ko, okay na sakin yun.
Every time he looks at me in the eyes.. I know I'll forget.. forget everything that happened every time.
==== THE END =====
BINABASA MO ANG
Ka-DRAMA-han Collections
RomanceAs you can it's a collection of fictional dramas in life. It is half truth and half fiction. ENJOY READING! ^^