Sheena's POV
Nakakainis siya, napaka pa boss niya. Lalong lalo na sa akin! Lagi na lang niya akong pinapamadali sa lahat ng ginagawa ko, bakit? sino ba may sabing hintayin niya ko? Duh! Ang pa-hotdog niya.
Kaya kinausap ko na siya kung bakit niya ko palaging pinapamadali at hinihintay. Sabi niya, gusto daw kasi niya akong kasabay. Aaminin ko, nabigla ako sa sinabi niyang yun kasi naman sino bang tao ang gugustuhing sumama sakin? (Aside sa mga kaibigan kong babae) Eh, tahimik nga ako at hindi pala kwento tulad ng ibang babae na masarap kasama.
Pagkatapos niyang sabihin yun, tinanong ko siya kung bakit ako ang gusto niyang makasama sabi niya, Hindi raw niya alam kung bakit ako. Nakakalito, pero wala naman akong magagawa kaya ilang araw na kaming palaging magkasama.
Pagdating ng weekends, kinabahan ako, kasi feeling ko yung dati niyang ginagawa na paghihintay sakin, hindi na niya gagawin yun ulit. Tsaka, pinagtataka ko sa sarili ko, bakit puro siya na lang ang iniisip ko? May gusto na ba ko sa kanya?
Hala, delikado na ko.. pero hihintayin ko na lang ulit kung gagawin niya pa rin yung ginagawa niya palagi.
Nakakatakot na kasi mag-assume, ginawa ko na yan once, wala lang ako na pala kundi ang sakit. Kaya ngayon, iisipin ko na lang muna na na-eenjoy niya ang company ko at wala muna sa mga bagay na gusto-gusto.
Nakakatakot kasing umasa eh.
|||||||| THE END|||||||||
BINABASA MO ANG
Ka-DRAMA-han Collections
RomanceAs you can it's a collection of fictional dramas in life. It is half truth and half fiction. ENJOY READING! ^^