TAHIMIK, WALANG KAHIT NA anong tinig ang maririnig, kahit mga yapak ng aking paa ay walang iniiwang ingay. Lakad lang ako nang lakad sa isang lugar na walang katapusan. Lugar kung saan ay wala kang makikita dahil sa sobrang dilim, na kahit saan mo man igala ang iyong mga mata ay sasalubong at sasalubong pa rin sa iyo ang kadiliman.
Hindi ko alam kung gaano ko na katagal itong nilalakbay, nilalakbay na walang hinto't pahinga kahit isang segundo man lang.
Gustuhin ko mang tumigil, mga paa ko ay hindi nakikipagkoordina, katawan ko ay hindi tumutugma sa kung ano ang aking isipin na tila ba ay may kaniya-kaniyang isip. Duguan na ang aking mga paa sa kadahilanang walang saplot ito at hindi tumitigil upang magpahinga.
Kulang pa ang isang barel sa patuloy at walang hintong pagragasa ng aking mga pawis sabayan pa ng aking mga luhang simula't sapul ay hindi na nawala, patuloy din itong rumaragasa. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong kahit alam kong walang makaririnig sa akin, ngunit kahit anong pilit ko ay walang ni isang imik ang maririnig, walang boses ang lumalabas sa aking bibig.
Gusto ko nang matigil ang bangungot na ito at ang sakit na aking nararamdaman. Gusto ko ng mamatay!
Ang kaninang walang kulay na mga luha ay biglang nagkaroon ng kulay. Sariwang tumutulo ang pulang dugo galing sa aking mga mata, kahit hindi ko makita, alam kung dugo ito dahil sa amoy nito.
Naramdaman ko rin na unti-unti akong nilalamon ng lupang aking tinatapakan. Hindi ko mapigilang matakot at mangamba, ngunit mas pinili kong ipikit ang aking mga mata at ngumiti.
Malapit nang umabot sa aking leeg ang lupa, nakapikit pa rin ang aking mga mata, nakangiti ang aking mga labi, at pilit kong pinapakalma ang aking sarili.
"Lumaban ka!'"
Nawala ang ngiting pumipinta sa aking mga labi nang marinig ang isang napakakalma na tinig na nanggaling sa hindi ko malaman kung saan o kanino, sumisigaw ito ng paulit-ulit, boses nito ay umalingaw-ngaw sa buong lugar.
"Lumaban ka!"
Tila ba ay parang nagliliyab ang aking kalamnan dulot ng boses na aking naririnig na parang pinapalakas nito ang loob ko at pilit na binubuhay ang apoy na unti-unti nang namamatay.
Isang nakasisilaw na liwanag ang tumambad sa akin. Sobrang lakas ng liwanag nito na naging dahilan upang mawala ang kadiliman sa paligid. Wala ng bakas ng kadiliman ang makikita.
Haplos ng mapagmahal na kamay ang aking naramdaman na humawak sa aking pisngi. Nagsidaluyan ang aking mga luha dahil sa hindi mawaring pakiramdam. Kusa na lamang bumukas ang aking bibig at nagsalita.
"Inay."
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, tumambad sa akin ang puting kisame. Iginala ko ang aking paningin upang malaman kung nasaan ako, nasa isang kwarto ako na hindi ko alam kung kanino.
Hindi ko alam, ngunit pakiramdam ko ay ang init-init ng buo kong katawan. Patuloy din sa pagtulo ang aking mga pawis mula noo pababa hanggang mukha patungo sa leeg. Ramdam ko rin na basang-basa na ang aking likod, siguro ay dahil din sa pawis. Hindi ako mapakali, naiinitan, nababanasan ako.
Hirap akong huminga, mabilis ang pintig ng aking puso, kinakabahan din ako, ngunit hindi ko alam kung bakit. Nanginginig ang aking mga kamay at hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga pawis.
Ang kaninang pakiramdam na mainit ang aking buong katawan ay hindi pa rin nawawala kahit nakaandar naman ang dalawang ceiling fan. Napatingin ako sa bintana na malapit sa kamang hinihigaan ko nang masinagan ng araw ang aking mga mata.
Ngumiti na lang ako nang masilayan ang bughaw na kalangitan na para bang nagbibigay ng kapayapaan sa akin at ang mga ulap na kay gandang tingnan. Iba't ibang hugis at larawan ang inilalarawan ng mga ulap, nilibang ko na lang ang aking sarili dito.
Isang napakalakas na ihip ng hangin ang pumasok sa silid, nakabukas kasi ang bintana. Nilipad nito ang aking buhok dahilan upang magulo ito nang kaunti.
Dahil sa nasilayan ay gumaan ang aking pakiramdam. Ngunit, agad bumigat ang aking pakiramdam nang maalala ang isang nakatatakot na panaginip, sabihin na nating bangungot. Parang totoo. Ngunit bigla naman itong tinalo ng napakalakas na liwanag at ang kalmadong boses na hindi ko alam kung kanino galing.
Umiling na lang ako dahil sa aking naisip. Imposibleng totoo iyon, imposibleng maging totoo ang isang panaginip.
Lumaban ka!
Bahagyang nanigas ako dito sa aking kinahihigaan nang marinig ko ulit ang boses na narinig ko sa aking panaginip.
Isang katok sa pinto na nanggagaling sa labas ang pumukaw sa aking atensyon, sinundan pa ito ng dalawang katok, napalingon ako sa pinto nang bumukas ito. Bahagya ko pang iginalaw ang aking katawan upang umupo sa kama nang sa gayon ay makita ko nang maayos kung sino ang pumasok, ngunit napangiwi na lang ako dahil sa sobrang sakit na aking naramdaman.
"A-aray." mahina at paos kong sabi at pumikit dahil sa iniindang sakit.
"Gising ka na pala. Huwag ka munang masyadong kumilos, wala pa sa kondisyon ang iyong katawan." Napapitlag naman ako nang marinig ang boses ng isang lalaki.
Tiningnan ko siya. Siya ay nakangiti sa akin. Isang ngiti na nakabibigay nang gaan ng loob. Ngiting ipinapahiwatig na ako ay ligtas at siya ay hindi masamang tao.

BINABASA MO ANG
The Last Empress (Empress Series #2)
FantasíaShe decided to end her life by jumping off the bridge when she saw her mother died. But death wasn't in her favor. Unfortunately for her, she did not die. Due to that incident, she was in coma for a year. The moment she opened her eyes, her life tu...