011

0 1 0
                                    

"Mag iingat kayo don clara... marco ahh iuwi mo si clara bago dumilim dapat walang bawas!" Mga bilin ni tiya habang hinahatid nya kami ni marco sa pang pang kung saan sasakay ng bangka papunta sa kabilang isla.

Inaantok antok pa kong tumango sa kay tiya bago bumaling kay maya na karga nya. Kay tiya muna sya maiiwan. Kawawa naman hindi kasama.

"Pakabait ka kay tiya maya papasalubongan kita pag uwi." Sabi ko sa kanya saka ginulo ang buhok nya. Kahit inaantok antok din ay nagawa pa nitong ngumiti.

Sa huli ay hinalikan ko nalang sya sa pisnge bago sila umalis ni tiya. Habang kami naman ni marco ay sumakay na sa poso.

"Lumapit ka kaya di naman ako nangangain muka kang takot na takot." Biro ni marco na hindi ko inintindi.

Sa totoo lang unang beses kong sasakay dito kaya kinakabahan din ako. Pano kung tumaob tong bangka? Tapos malunod kami? Kakainin kami ng pating!

"Halika nga..." natameme ako ng sya na mismo ang lumapit sa akin. Ang bango. Ang gwapo. Ay mali! Erase!

"Kinakabahan ka talaga?" Parang noon nya lang na gets na di biro ang takot ko.

"Ngayon palang ako sasakay dito." Honest kong sagot sa kanya. May pag tango pa.

"Kalma ka lang di naman kita ipapahamak. Ligtas kaya sumakay dito.... syaka andito naman ako." Pag papagaan pa nya sa loob ko na hindi ko naman naintindihan ang dulo.

"Duda ako." Kunwari pang seryosong saad ko na ikina kunot ng noo nya. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon nya. "Mukang ikapapahamak kong sumama sayo. Tignan mo yong mga babae sa tapat, pinapatay na ako ng tingin dahil sayo." Dagdag ko pa.

Kanina ko pa napansin ang masama nilang tingin sa akin papasakay palang kami sa Poso ay titig na sila kay marco.

"Buti nalang talaga di nakamamatay ang tingin." Pasubali ko sa kanya saka lihim na natawa sa sarili. Mga siraulo makatingin eh dukutin ko mata nyo.

"Pasensya na gwapo lang" biro pa nya na sabay naming ikinatawa.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin? Kailangan pa talagang iwan si maya?"

"Mamasyal nga ang kulit." Tumatawang sagot nito.

Inirapan ko nalang sya. Kahit kailan walang kwenta kausap. Natahimik kaming dalawa ng mag simula ng pag layagin ang Posong sinasakyan namin. Maingay ang makina non na sya lang maririnig na ingay.

Lahat ay kanya kanya ang lingon sa malawak at payapang dagat. Maging ako ay namamangha nalang din. Kahit wala pa naman akong nakikita. Ang amoy palang ng sariwang hangin sa gitna ng karagatan at tamang sinag ng araw ay ayos na.

The Vengeful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon