CHAPTER ONE
Mabilis ang bawat pagkilos ko sa kaliwa't kanang trabaho. Sanay na ang katawan ko sa ngalay at pagod. I've been doing it for months now. Mukhang kasundo ko na ang trabaho. But it would not be a permanent thing. Nothing was really permanent with me.
Maliksi at dapat flexible. Those were the primary description. Good thing, I was flexible enough to adapt in the working place. Minsan lang hindi ko gusto ang trabaho. Minsan naman hindi ko gusto ang mga ka-trabaho at kahit ang boss mismo.
I looked up to see the clock on the wall. Saktong - sakto ang pagtunog ng alarm. Inalis ko sa kalan ang mainit - init na pizza. Muntik ko nang makalimutang magsuot ng gloves.
Kung hindi, baka nalapnos ang aking kamay sa init. I put the ordered pizza on the box. Tinali ko iyon na parang isang regalo. Nilagyan ko ng check ang size at flavor nito.
Last order.
Malapit na ang closing ng pizza shop. Hindi na rin kami tumatanggap ng order ng ganitong oras.
"May kailangan ka?" Gumawi ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa tapat ng pintuan.
Alam kong kanina niya pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Abala ako sa trabaho kaya hindi ko magawang lumingon sa gawi ng lalaki. Of course, I knew it. That was part of my job. Alerto ako sa bawat sandali habang gumagana ang lahat ng senses ko.
He looked taken aback at my question. Siguro, inaakala niyang magugulat akong makita siya sa may pinto. I wanted to act surprised, but I am too tired to care now. Nag-inat ako ng braso. Bahagya pa akong tumalon para mainat ang aking binti. My legs were a bit sore for standing the whole day but compared to the pain I accumulated in training before, it was nothing.
"Nakabalik na si Drew?" tukoy ko sa delivery boy ng shop. Konti lang naman ang trabahante, kilala ko sa pangalan ang bawat isa. Tumango ang binata. "Last delivery. And'yan ang address." I moved the box towards him.
"Okay. Ako na ang bahalang magsabi." Kinuha nito box ng pizza at akmang hahakbang paalis. He was hesitating, I could tell. I smelled the fear of rejection instantly.
Nilingon niya akong muli. "Mayroon ka bang gagawin mamaya? Ano kasi, nagkayayaan sanang kumain. May bagong bukas na puwesto sa hindi kalayuan. Baka gusto mong sumama." kabado siya, but at the same time, hopeful. And I hate to tear the hope in his voice. It was easy to shoot someone than say no.
Huminga ako nang malalim. Apologetic akong ngumiti, I wasn't sure if it translated with my facial expression. "Salamat sa imbitasyon, Geoff. Pero may raket ako mamaya. Alam mo na, kailangan ng pera." Binuntunan ko pa iyon ng tawa. I didn't want to sound plain and monotone.
Nagbago ang ekspresiyon ng kanyang mga mata. He's been trying his luck since my first week in the pizza shop. Ni minsan hindi ko nagawang paunlakan ang kanyang imbitasyon. The sadness was evident in the air.
Totoo naman ang excuses ko, madalas mayroon akong lakad sa gabi. Kahit pagbigyan ko siya, sooner or later, I have to leave this job and find another one. Ayokong lumabas na paasa. Mas mabuti ng wala kaming naging ugnayan una pa lang. Things with me were complicated and inconsistent. Ang tanging permanente lang ay pagbabago.
I've been living a camouflage life. Well, not really. I need another job to support my family in the province. May mga kapatid pa akong nag-aaral sa probinsiya at kailangan ko ng pera.
Killing is an easy money. It pays more than what I need. Pero ayokong idamay ang pamilya ko sa ganoong kalakaran. Ayokong ipakain sa kanila ang katas ng dugo ng mga taong pinatay ko. That's why I needed a day job. Mostly, my money went to charities and foundations needing assistance.
BINABASA MO ANG
Angel of Death (Alpha's Angel #1)
ActionViktorina Salvacion is a trained assassin assigned to kill the hottest senator in town --- Claude Jackson Raguel Donovan. With what grounds, there is no specific. It is just an order from the higher-ups she did not even meet once. Hindi pa siya puma...